Chapter 56: The Past

18.6K 471 1
                                    

"Ina! Ama!" Naghihinagpis na sigaw ng isang binatang nakayuko habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng magulang habang nakasabit sa dalawang poste. Ito ang paraan ng pagpataw ng kaparusan sa kanilang lugar. Pagpataw ng kaparusahan para sa mga Traidor. Ngunit hindi sila Traidor. "nagkakamali silang lahat. walang kasalanan ang aking Ama at Ina". sa isipan ng binata.

"M-arcus kailangan nating umalis!.. h-alika kana!" pilit siyang hinahatak ng asawa ngunit hindi siya gumagalaw. Galit na galit siya. Hindi dapat ganito ang sinapit ng mga magulang niya.

"Hindi sila ang may gawa ng kaguluhan. hindi nila trinaidor ang kahariaan. Naging tapat silang tagasilbi ng palasyo" Naging magaling siyang Estudyante sa loob ng Akademya. Ginawa niya ang lahat upang mairaos sa kahirapan ang pamilya.

"Ma-rcus.. tutugusin nila tayo... ang anak natin Marcus!" umiiyak na sigaw ng asawa niya habang nakahawak sa walang kamuwang muwang na natutulog na sanggol sa mga bisig nito. Napatingin sa kaniya ang asawa at haos manlumo siya dahil hindi dapat ganito ang kanilang nararanasan.

Tumayo siya at kinuha ang anak niya sa kamay ng asawa. "kailangan nating makapunta kina Tiya at tiyo.. tutulungan nila tayo" tumango ang asawa niya sa kaniya sabay pilit na ngiti.

Akmang aalis na sila ng bigla nalang may nagsisulputan na mga kawal nang palasyo. halos manginig sa takot ang asawa niya habang mahigpit ang hawak nito sa kaniyang braso. Bigla nalamang umiyak ang anak niya at napuno ng ingay ng sanggol ang paligid kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

"Sa tingin niyo makakatakas kayo?" seryosong lintaya ng Heneral ng mga kawal. Pinalabas ni Marcus ang espada at hinanda ang sarili sa pakikipaglaban.

"paalisin mo kami.. Brace" may halong kabang saad ng asawa niya sa heneral. Ngunit umiling lang ito sa kaniya.

"ang utos ng kaharian ay wakasan ang buhay ng inyong angkan. matinding panganib ang ginawa ng inyong mga magulang.. kalapastangan sa palasyo ang pag tatraidor Marcus alam mo yan" mahabang paliwanag ng Heneral sa kaniya.

"Nakikiusap ako Brace. Bilang kasamahan sa akademya kilala mo ako. kilala mo ang pamilya ko. Hindi nila iyon magagawa"

"ngunit lumabas na lahat ng ebedensiya Marcus. at espada na mismo ng iyong ama ang tumarak sa dibdib ng dating Hari"

"hindi"umiiling na saad niya.

"at ang itim na kapangyarihan ng inyong angkan. nagsisimbolo ito ng kapahamakan Marcus" dagdag nito. galit. yan ang nararamdaman niya dahil sa sinabi ng kaibigan. nandilim ang kaniyang paningin at walang pagaalinlangan na sinugod ang mga kawal na nakapalibot sa kanila ng asawa. Kasabay ng malakas na pagiyak ng sanggol na hawak niya at pag daing ng mga kawal ng biglang may lumabas na itim na usok sa kaniyang mga kamay. pakiramdam niyang parang mas lalo siyang lumalakas kasabay ng pagbagsak ng katawan ng mga kawal na wala nang buhay.

"M-arcus" napatingin siya sa asawa at ganon nalang ang pagkalumo niya ng espada mismo ng kaibigan ang tumarak sa dibdib ng asawa.

napaluhod ito ng bitawan ng kaibigan.

"Ba-kit.... BAKIT!?" sigaw niya kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. mabilis niyang itinaas ang kamay niya at doon lumabas ulit ang itim na usok at pumalibot sa kaibigan.

"argg.. ahhhhhhh" matinding sigaw niya na parang naging musika sa tenga ni Marcus. Saya. yan ang nararamdaman niya habang nakatingin sa kaibigan na unti unting bumabagsak. Hindi na ito makilala pa dahil sa lapnos sa kaniyang mga balat.

Tinignan niya ang tuktok ng apat na palasyo na makikita mula sa kaniyang kinaruruonan.

"pagbabayaran niyo ang ginawa niyo.. maghihiganti ako" Huling saad niya bago maglaho kasama ang kaniyang anak na sanggol.

Legacian Academy 1: The Priestess GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon