Chapter 35: Traitor

17.8K 447 10
                                    

Sam Pov

Nandito kami ngayon sa university. Kahit marami kaming ginagawa kailangan pa din naming pumasok. Nagpaiwan sa bahay si Stef dahil walang kasama si Lucy. Siya na muna ang magbabantay sa kaniya habang hindi pa magaling ang mga sugat nito. dilikado din para sa kaniya ang lumabas dahil baka matunton siya ng Black Mage.

Hindi niya pa kabisado ang paghawak ng kapangyarihan niya. kailangan niya pang turuan tungkol dito.

Nakaupo kami sa kaniya kaniyang upuan namin at katabi ko ngayon si Brent na kanina pa hindi binibitawan ang kamay ko. napapansin ko naman ang mga nakakalokong mga tingin nila Megan dahil don. Hindi ko maiwasang mahiya sa mga nangyayari.

“Sam”napaangat ako ng tingin at nakita ko si Tyler na nakatingin sa amin ni Brent. napansin ko namang parang malungkot siya. may nangyari ba?

“bakit tyler?”takang tanong ko sa kaniya.

“ahm. Pwede ba tayong magusap?”naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Brent sa kamay ko. bumaling ako ng tingin sa kaniya at sumalubong sa akin ang seryoso niyang tingin. Bakit pakiramdam kong ayaw niya akong payagan.

Gusto kong makipagusap kay Tyler dahil mukhang may problema siya ngunit pakiramdam ko din na parang ayaw kong sumama.

“anong paguusapan niyo?”tanong ni Brent sa kaniya.

“dude, maguusap lang kami. nothing else”paninigurado ni Tyler sa kaniya.

“Brent, please, maguusap lang kami, babalik din ako kaagad”sabi ko sa kaniya. Nginitian ko siya ng wala na siyang nagawa at hinayaan na ako. tumayo ako at sumunod kay Tyler palabas ng silid.

Nakarating kami sa likod ng building at wala na akong nakasalubong na ibang mga estudyante, dahil na din seguro may klase pa ang iba.

Huminto kami sa paglalakad at nakatingin lang ako sa likuran ni Tyler.

“anong gusto mong pagusapan Tyler?”tanong ko sa kaniya. Alam ko kasing kapag nagtagal ako baka magalit sa akin si Brent at ayaw ko na ulit na magkagalit kami. bumaling siya sa akin at kuunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa kaniya.

“T-yler”

“bati na kayo ni Brent?”seryoso niyang tanong.

“o-o, nagkabati na kami kahapon, naisip ko din kasi na hindi maganda sa amin ang nagaaway at gusto na ding magkabati na kami”paliwanag ko sa kaniya.

“akala ko bag alit ka sa kaniya?”

“Oo noong una, pero hindi ko din kayang magalit sa kaniya ng matagal, si Brent yun eh”nginitian ko siya. kahit may nararamdaman akong kakaiba ayaw kong ipakita yun sa kaniya.

“you like him?”napawi ang ngiti ko ng tanungin niya iyon. Hindi ko alam kung bakit niya na itanong.

“no”agarang sagot ko sa kaniya.

“bakit? bakit iba ka makitungo s akaniya, kung hindi mo siya gusto?”nagtatakang tanong niya sa akin. Napabuntong hininga ako dahil dun.

“I don’t like Brent, Tyler. Because I love Brent. mahal ko siya simula pa noon”pagamin ko. it’s no use to deny it dahil ayaw ko na ding itago sa lahat.

“akala ko may pagasa na ako”kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya. hindi ako pwedeng magkamali. Ramdam kong nasasaktan siya kahit ayaw niya itong ipakita sa akin.

“Ty-ler, anong ibig mong sabihin?” pagtanong ko dito. ayaw kong isipin na totoo ang hinala ko sa gusto niyang sabihin.

“don’t you feel it? I like you Sam, hindi bilang isang kaibigan” halos hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. bakit tyler? Hindi tayo para sa isat isa.

“pero hindi pa naman kayo diba?”ang kaninang malungkot na tuno niya ay biglang nagiba. Nakaramdam ako ng panganib sa paligid kong nasaan kami. napahakbang ako paatras habang nakatingin sa kaniya. Sumilay ang isang ngisi sa mukha ni Tyler habang nakatingin sa akin

“T-yler, a-nong ibig mong sabihin?”nilakasan ko ang loob ko.

“Sam, akin ka at walang makakaagaw sayo sa akin”nagulantang nalang ako ng nasa harapan ko na siya at hawak ang magkabilang braso ko. hindi ko alam kung paanong ganon nalang kabilis siyang nakalapit sa akin.

Ng mahawakan niya ako doon ko naramdaman ang matinding itim na enerhiya na nagmumula sa kaniya. Dark mage. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin hanggang sa maramdaman kong humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

“Ty-ler bitawan mo ako!”sigaw ko sa kaniya.

“NO! YOU’RE MINE SAMANTHA!”sigaw niya kita ko kung paano nagbago ang kulay ng mga mata niya. mula sa kulay abo nitong mata hanggang sa purong itim na ito.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot, hindi ko lubos maisip na isang Dark Mage si tyler, mabait siya sa akin pero bakit? bakit niya ito nagawa?

“fuck! Sam!”napatingin ako sa likuran ko at doon nakita ko ang tumatakbong si Brent. lalapitan niya n asana kami ng biglang magpalabas ng bolang itim si Tyler at natamaan si Brent. napahiga siya sa lupa at kita ko ang matinding sugat sa kanag bahagi ng tiyan niya.

“Brent!”tawag ko sa kaniya at pilit pa ding pumipiglas sa pagkakahawak sa akin ni Tyler.

“tyler please, pakawalan mo ako, si Brent”pagsusumano ko sa kaniya. Hindi nya ako pinakinggan at nginisihan lang ako. iba na siya, hindi na siya ang tyler na nakilala ko.

Nabigla ako ng biglang may apoy na tumama kay Tyler kaya nabitawan niya ako. nakita ko si Kuya kent sa likuran ni Tyler at galit na nakatingin sa gawi namin.

“who told you to hurt her?”seryosong tanong ni kuya. Hindi niya na hinayaang makatayo si Tyler at mabilis na sinalampak ito sa puno habang hawak nito ang leeg niya. natatakot ako kay Kuya dahil ramdam ko ang galit niya.

“sam”napatingin ako kay Brent at mabilis siyang dinaluhan. Kita ko ang pagagos ng dugo sa kanang tiyan niya at nanginginig ko itong hinawakan.

“B-rent im sorry”umiling siya sa akin habang iniindi ang matinding sakit.

“ahhhhh”napatingin kami sa gawi nila kuya at Tyler at ganon nalang ang pagkagulat ko ng tusukin ni kuya ng espada niya si tyler balikat malapit sa puso.

“I will make sure you suffer, wala kang karapatan para saktan siya”madilim na sabi ni Kuya sa kaniya. Bakas sa mukha ni Tyler ang matinding takot habang sinasalubong ang mga nagaalab na pulang mata ni kuya Kent.

“I will give you your punishment”huling salita ni kuya at nakita ko nalang kung paano lamunin ng pulang apoy ang katawan ni Tyler. Iniwas ko nalang tingin ko sa gawi nila dahil hindi ko kayang tignan ang nangyayari.

Nagging mabait sa akin si Tyler ngunit hindi ko lubos maisip na magagawa niya akong saktan, lalo na ang taong mahal ko.

Iniwan na naming tinutupok ng apoy si Tyler at tahimik na umalis. Inuwi namin si Brent at ginamot ang natamo niyang sugat. tinawagan naman ni Kuya sila Megan at pinaalam ang nangyari.  hidni din sila makapaniwala sa nangyari kay Tyler.

Hindi din nila lubos maisip na magagawa niya iyon sa amin. Kahit sa kunting panahon nagging kaibigan namin siya. kahit na isa siyang dark mage.

---------

Author: na miss niyo ba ang sila Kent at crizzania? Wait for the update babalik na tayo sa kanila.

Ps: hanggang kailan ba magkakalabel tong dalawang to. Ang lalandi Lang ah.

Legacian Academy 1: The Priestess GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon