Chapter 24: Maze 2

18.6K 523 9
                                    

Jannice Pov

Nasan na ba ako? kanina pa ako palakad lakad dito pero hindi ko alam kung saan ako papunta.

Mukhang wala akong pag asang makalabas pa dito. bakit kasi kailangang may takip pa ang mga mata namin.

Katahimikan, yan ang bumabalot sa akin, kanina pa ako nagtataka dahil wala akong nakasalubong man lang na halimaw o patibong.

Ang alam ko dapat ng unang pasok ko palang kanina dito sa maze ay dapat may makasulong na ako pero wala. Sa pagkakaalam ko isang oras na yata ako naglalakad at pakiramdam ko umiikot lang ako dito sa loob.

Naramdaman kong kailangan kong lumiko kaya naglakad ako don. Akmang ihahakbang ko ang paa ko ng maramdaman kong may malapot na humawak sa paa ko.

“ano to?”

Nakaramdam nalang akong parang lumulubong ako. oh fuck! Wag mong sabihin na nasa kumunoy ako? tangina. Pilit kong tinaas ang kamay ko nagbabasakali nang may maabot akong baging sa malapit. Pero wala.

“shit!”mura ko ng nasa tuhod ko na ang kumunoy. Hinawakan ko ang pana ko at tinapon yun sa pinakamalayo. Pinilit kong ihakbang ang paa ko paa makaalis.

Wala akong aasahan sa sitwasyon ko ngayon kundi sarili ko. napamura ako ng muntik na akong matumba. Buti nalang na balanse ko ang katawan ko. nahihirapan akong ihakbang ang paa ko dahil mas lalo ang lumulubog.

Hanggang binti ko na ang putik kaya mas binilisan ko ang pagkilos.

Nahawakan ko naman ang lupa kaya nakahinga ako ng maluwag, ibig sabihin malapit na akong makalabas sa kumunoy an to. Tinulak ko ang katawan ko upang makalapit sa lupa at makaalis sa gitna ng kumunoy.

Pilit kung makaayat at hindi naman ako nabigo. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko katapusan ko na ang letcheng kumunoy na yan.

Tumayo na ako at kahit ang dami kung putiksa katawan nagsimula na akong maglakad ulit. Hinanap ko kung saan bumagsak ang pana ko at nagpatuloy na.

Hindi pa ako nakakaget over sa kumunoy panibagong pagsubok na naman ang kahaharapin ko. napatigil ako sa paglalakad dahil may naapakan akong kakaibang bagay.

Shit! ano na naman ba ito? nagbilang ako ng tatlo at mabilis na tumalon, kasabay ng pagtaas ng paa ko sa inaapakan ko kanina ay nakarating ako ng isang tunog.

Hinanda ko ang sarili ko dahil kakaiba ang tunog nayun. Para siyang tunog ng isang bomba pero wala namang sumabog.

Bigla nalang akong napayuko dahil naramdaman ko ang isang palaso na bumusok sa akin. Akala ko yun lang dahil nakaramdam nalang ako ng sunod sunod na pagtama ng palaso sa kung saan.

Mabilis ko yung inilagan lahat. pero halos iuntog ko ang ulo ko sa kung saan dahil pagkatapos ng palaso ay mga punyal na naman.

Fuck this daggers!

Mas lalo ko pang pinakiramdaman ang paligid ko dahil mukhang napunta ako sa kung saan napakarami ng patibong,

ito na jannice, kanina mo pa hinanahanap tong patibong na to hindi ba?

Halos murahin ko ang sarili ko dahil sa nangyayari sa akin ngayon.

Hingal akong tumakbo dahil wala akong pagtataguan para hindi ako matamaan ng mga lumilipad na dagger. Iwas at takbo yan lang ang magagawa ko. halos pagod na pagod na ako sa pagiwas at pagsangga nito dahil hindi sila nauubos.

Ilang batalyong punyal ba ang tinago at nilagay ng tatlong yun dito? kapag ako nakalabas ng buhay sa maze na to silang tatlo angsusunod na  ipapasok ko dito.
Ng makaliko ako sa isang daan doon lang ako nakahinga talaga dahil wala na akong nararamdaman na lumilipad na bagay. Napasalmapak ako sa lupa dahil sa pagod, hingal na hingal ako at parang gusto nang bumigay ng katawan ko.

Dalawang patibong palang ang nakakasulubong ko paano pa kaya sa susunod, makakalabas pa kaya ako dito ng buhay, baka bangkay na akong makalabas dito. paano naman ang future ko, gusto ko pang makapangasawa, magkaanak at magkapamilya.

Ng makapagpahinga na ako tumayo na ako ulit at nagsimula nang maglakad.

Megan Pov

Akala ko labasan na ang susunod na lilikuan ko pero bakit pakiramdam ko hindi. ang tahimik, yan ang sumalubong sa akin. Madami na akong sugat sa katawan at halos humahapdi na ang mga ito.

ikaw ba naman ang makasalubong ang isang higanteng Uso, sumunod naman ang isang dosenang lobo at dumaan ako sa mga patibong na halos ikamatay ko na.

Alam kong may nakatingin sa akin. Shit! iba ang kutob ko dito. hinanda ko ang pana at palaso ko. mabilis kong itinaas ang pana ko at tinutok yun sa kanag bahagi ko at pinakawalan ang palaso. Nakarinig naman ako ng isang pagbagsak

“ano ang bagay nayun?”

Lalapitan ko na sana kung saan yun nalaglag ng may isa pa akong naramdaman na papalapit sa akin. Mabilis akong bumunot ng palaso at tinusok yun sa bagay na papalapit sa akin. Nakaramda ako ng pagtulo ng kung anong malagkit sa kamay ko.

“dugo?”

Gumagalaw pa ito at parang pilit na kumakawala. Tinusok ko pa yun ulit ng isa pang palaso at ng hindi na siya gumagalaw ay binitawan ko na.

Ng wala na akong maramdamang kakaiba sa paligid ko nagsimula na akong maglakad at gusto kong sumigaw dahil sa kawas hindi na ako nagkakamali.

congats you can take off your blindfold”

pagkarinig ko non halos itapon ko na ang letcheng blindfold na suot ko para lang makakita ng liwanag. Pero halos magmura ako dahil gabi na pala.

Tangina! Wala nang liwanag. Dilim pa din!

Legacian Academy 1: The Priestess GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon