Chapter 21: Obstacle

20.4K 574 8
                                    

Brent Pov

dalawa lang ang masasabi ko sa obstacle na to, mahirap at nakakapagod. Hingal akong tumalon sa isang napakataas na bagod. Tangina! Sino ba ang nakaisip ng lintik na pagsubok na ito.

“wahhh ayuko na!”napatingin ako sa taas ng bakod at doon nakita ko si jake na pakod na pakod habang nakaupo.

“hoy! Bumaba kana!”sigaw ko sa kaniya. Lintik na isang to may gana pang maupo don.

“gagu! Ansakit na ng binti ko!”sigaw niya.napailing naman ako at hinanap ng mata ko si Sam. Baka pagod na din yun, kawawa naman siya. hindi kasi kami sabay na pumasok sa obstacle dahil mas nauna silang mga babae samin.

Nahagip ko naman siya na tumatawid sa isang kahoy, tangina anlaiit non parang wala ka nang maapakan sa subrang liit.

Napansin ko din na ilang ulit na nalaglag sila jannice at Megan at halos puro putik na ang mga damit nila.

“omy ghod! Tell me bakit nasama ako dito!“dinig kong sigaw ni Cristina dahil naglaglag na naman siya. kaso nga lang nauna ang mukha niyang tumama sa putik.

“hahahaha buti nga sayo impakta!”sigaw ni Megan dito. nagpipigil naman kami ng tawa dahil nagsisimula na naman silang magbangayan.

“argggshh nakakainis ka talaag!”at dinuro niya si Megan, tumayo naman ito at akmang hahablutin niya ang buhok ng kaibigan namin ng.

“kyaaahhh”nalaglag si Sam sa ibabaw ni Cristina at halos maglupasay na kami sa kakatawa. Tangina! Humalik na naman sa putikan si Cristina sa pangalawang pagkakataon.

“hahahaha ano lasa ng paghalik sa putik, cristina?”pangiinis sa kaniya ni Megan. Sinamaan niya naman ito ng tingin.

“ano ba! Get of me!”at tinulak niya si Sam. Alam ko namang sinadya yun ni Sam dahil nagpipigil din ito ng ngiti.


“makakabawi din ako sa inyong tatlo! Humanda kayo!” hindi na namin sila pinansin pa at nagpatuloy sa obstacle. Tumakbo ako habang nakasunod naman sa akin si Jake.

Hindi ko napansin si Kent at kyle dahil kaming dalawa ni jake ang nagsabay papasok dito.

“fuck! Ansakit ng kamay ko!”reklamo niya dahil nakalambitin lang naman kami sa isang lubid. Kailangan naming makatawid sa kabila na hindi nahuhulog sa tubig na puno ng palaka. Puta! Lakas ng trip ng tatlong professor nay un.

“shit!”mura ko ng muntik akong madulas sa inaabakan kong lubid. Mabilis kong inabot ang isang tali at lumipat sa isa.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalampas ako sa pisting lubid na yun. sumalmpak naman sa damuhan si Jake na hinihingal.

“sabihin mo sakin Brent, nanaginip lang ako diba?”bulong niya sa akin habang nakayuko.

“tangina sana nga! At gusto ko nang magising” pagkatapos kong sabihin yun nagsimula na naman kami kung saan nanggaling ang mga girls kanina. Pisti!

Kung sila nahirapan sa pag apak sa letcheng kahoy na to at maliliit ang paa. Paano naman kaming mga lalaki na mas malaki sa kanila ang paa.

“those three are crazy for making do this to us”

“yes they are” nakasunod lang ako kay Jake habang maingat siyang tumatawid. Nagkamali naman siya ng apak kaya nadulas siya pero ang hinayupak hinawakan ang damit ko kaya nasama ako sa kaniya.

Sabay kaming bumagsak sa putikan at sinamaan ko siya ng tingin.

“putcha ka Jake!”

“hahaha sorry naman Bro”may gana pang tumawa. Hayop talaaga! Ang lagkit ko na!.tumayo na ako ulit at nagsimulang tumawid. Pagkatapos mabagsak ng ilang ulit sa wakas nakalampas din kami sa lintik na puno na yan.

Napatingin kaming dalawa sa susunod na obstacle at parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil ang hirap nito. Nakita kong nakatawid na silang lahat maliban kay Cristina dahil nahihirapan ito sa pagakyat. Tanginang babae to ang hina.
Tumakbo na kami ni Jake at nilagpasan siya.

“hey the two of you!”tinignan naman namin siya ni Jake na parang nagtataka. Anong kailangan ng isang to?

“help me get up there” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“hindi mo kami utusan”nainis naman siya sa sinabi ko.

“what! Kailangan kong makalagpas diyan! Bwesit kasing mga babae yun pinagtulungan akong itulak!” parang nainis naman ako dahil sa sinabi niya.

“Lets go jake, hayaan natin siya diyan” narinig ko pa ang sigaw  niya pero nagsimula na kaming umakyat ni Jake.

Iniwasan ko ang mga matutulis na bagay na nakakabit sa pader dahil tiyak ang lalim ng sugat na matatamo ko diyan.

Ang dulas na din ng hawakan kaya masyadong mahirap makaakyat.ng makalagpas kami halos gusto kong magdiwang dahil simple nalang ang natirang obstacle. Matapos ko lang talaga to gusto kong matulog at makapagpahinga buong araw.

“tara na bro malipat na tayong matapos.”tumango naman ako sa kaniya at tumakbo na ulit. Tumalon ako ng may biglang lumabas ng matulis na bagay sa ground.

Tangina paanong nagkaroon ng espada diyan? Muntik ko nang maapakan yun buti nalang naitulak ako ng di sinisadya ni jake.

“ingat Bro, baka mahati ang paa mo”paalala niya sa akin at nagpasalamat naman ako sa kaniya. Tangina buti matalas ang mata nito.

Natanaw ko din sila Kent at Kyle na nasa unahan at mukhang nagpapaligsahan pa silang dalawa. Ang mga girls naman ay nahihirapan kagaya namin. halata mo sa mga mukha nila ang pagod at madami na din silang natamong sugat sa katawan.

Tangina sana matapos na to.

Legacian Academy 1: The Priestess GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon