Chapter 16: Dwelo

21.9K 653 7
                                    

“talaga bang papayag ka sa gusto niya?” napatingin ako kay Sam na bakas sa mukha ang pagalala. Kasama ko silang pito dito sa silid kung saan kami makakapagpahinga.

“I don’t have any choice”

“Criz! Alam namin na hindi mo kakayanin si Prof. malakas siya. isa siya mga nagging guro namin noong nageensayo palang kami sa academy para mapalakas ang kapangyarihan namin.” tinignan ko si Sam ng hawakan niya ang kamay ko.

“pwede naman nating sabihan si Headmaster na ayaw talaga ni Prof na bumalik. Hindi mo kailangang labanan siya” inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at umiling sa kaniya.

“nakapag desesyon na ako, lalabanan ko siya”

“kung yan ang gusto mo at hindi kana talaga name  mapipigilan” pagsuko niya. napatingin naman ako kay Kent at kitang kita ko sa mata niya ang pagaalala.

“I’ll be fine”

“kapag sinaktan ka niya ng lubusan ako ang makakalaban niya” gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko

“alam kong hindi mo ko papabayaan” napabuntong hininga naman siya. alam niyang disidido na ako sa gagawin ko. at alam kong mananalo ako.

“hindi tayo gagamit ng kapangyarihan iha, maglalaban tayo gamit an gating mga espada, napansin ko kung paano ka kabihasa sa paggamit nito ng huli nating paglaban” nasabi ko na abang naiirita ako sa ngiti niya? ngayon naiirita ako.

“seseguraduhin kong sasama ka pabalik sa amin sa academy” tumawa naman siya na parang nakikipag biruan ako sa kaniya.

“sa tingin mo matatalo mo ako?”hindi ko siya sinagot bagkos tinignan ko siya ng matalim.

“kung sino man ang unang mapahiga ang kalaban ay siyang panalo” pagkatapos niyang sabihin yun bigla nalang siyang nawala sa harapan ko. mabilis kong nilabas ang espada ko.

umikot naman ako ng maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. nagkasalubong an gaming espada at gusto kong burahin ang nakakaasar na ngisi niya sa mukha.

I change my sword into Gold sword at bakas sa kaniya ang pagkabigla dahil don. Tinadyakan ko siya kaya napalayo kami sa isat isa. Nakita ko namang nagpalit anyo din ang kanyang espada.

‘para pantay binibini”sabi niya at nagsimula na namang sumugod. Sinalubong ko ang bawat paghampas ng espada niya. ramdam ko kung gaano siya kalakas. Hindi pa ito ang totoong lakas ko. gusto ko nang tapusin ito ng mabilisan ngunit ayaw kong magtaka ang silang lahat.

Tumalon ako sa likuran niya at akmang tatadyakan siya ulit ng masangga niya ang paa ko. pinilipit niya naman ito at handa akong ibagsak ng umikot ako at binalansi ang takawan. Tumalon ako palayo sa kaniya at sumugod ulit.

Ano nga bang aasahan ko sa isang Encantado. Tama kayo ng dinig ang taong kaharap ko ngayon ay kabilang sa lahi ng mga encantado. kung saan bihasa sa halos lahat ng enchanment. Katumbas ng lakas nila ang lakas ng isang Maharlika.

Nagulat siya ng masugatan ko siya sa kaniyang kaliwang pisngi. Tinignan niya naman ako ng matalim at sinugod ulit ako. mas nagging agresibo ang nagging sunod na pag atake niya. sinasabayan ko naman ang bilis nito. Napatigil siya sa pag atake ng maramdaman niya ang kirot ng paghiwa ko sa kaniyang braso.

Tumutulo ang dugo na nagmumula sa braso niya sa lupa.

“magaling ka nga talaga”biglang usal niya at sinugod ako. tumalon ako pakanan ngunit nasundan niya ako. umikot ako at ambang sisipain siya ng bigla siyang yumuko.

Matatamaan na sana ako ng espada niya ng bigla akong mag backflip. Pagkaapak ng paa ko sa lupa sinugod ko siya ulit.

Walang may gustong magpatalo sa aming dalawa. Alam kong sinusubukan niya kung hanggan saan ang kayak o. kailangan ko lang siyang mapatumba at tapos na ang laban.

Napayuko ng maramdaman ko ang suntok niya sa tiyan ko. shit! I pointed my sword toward him at ganon din siya. nagkatitigan kami at nagulat siya ng bigla napaluhod siya.

“A-nong ahhh” hindi niya magawang makatayo dahil sa sugat niya sa tuhod. Naka focus siya kanina na masugatan ako kaya di niya napansin at pagtama ng espada ko sa tuhod niya. naglakad ako palapit sa kaniya as I pointed my sword to him.

“tapos na” pagkasabi ko non biglang siyang ngumiti sa akin at binitawan ang hawak niyang sandata.  Nakahinga naman ako ng malalim at napaupo dahil sa pagod. Nagulat nalang ako ng biglang may dumamba ng yakap sa akin sa likuran

“kyahhh! Ang galing galing mo!”sigaw ni Sam habang mahigpit na nakayakap sa akin. Napailing nalang ako dahil sa kakulitan niya.

“wow! Hindi ko alam naganon kapala kagaling sa sword fighting!”hindi makapaniwalang saad ni jake. Tinulungan naman nila kyle at Brent si Mr. Widraw. Humiwalay naman sa akin si Sam ng biglang may kamay na umabot sa akin.

Tinignan ko si Kent at inabot ang kamay niya. bigla niya naman akong hinila payakap sa kaniya.

“I’m proud of you, My Queen” napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

“kagaya ng napagkasunduan sasama ako sa inyo” tinignan ko si Mr. Widraw at nakatingin siya sa akin. Napakunot ako ng noon g bigla niyang inabot ang kamay niya sa akin. Inabot ko yun at akipag kamay.

“napakagaling mo binibini, karapatdapat ka nga”kumunot ang noo ko sa sinabi niya. naramdaman ko ang bagay na inabot niya. hindi ko akalain na nahalata niya pala.

Hindi lang ang pagsama niya pabalik sa academy ang gusto ko. pati ang bagay na nakaagaw ng pansin ko sa kaniyang leeg.
Palihim ko itong pinasok sa bulsa ko at sumunod na sa kanila sa loob para makapaghanda sa pagbabalik namin sa academy.

Kaharap na namin ngayon si Headmaster at kakarating lang din namin sa Academy.

“mabuti naman at napasama ka nila pabalik, hindi ko aakalin na mapapayag ka nilang walo, knowing you gusto mo nang tahimik na buhay” napatingin naman sa akin si Mr. Widraw at ngumiti.

“let just say, na may isang bagy na nagyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan” kumunot ang noo ni Headmaster sa sinabi niya. napailing naman ako dahil don. Nagkibit balikat nalang si Headmaster at nagsalita.

“na sayo pa din ba?”naguluhan kami sa tanong niya kay Mr. Widraw. Napatingin ako sa inabot niya kay Headmaster at hindi ako pwedeng magkamali. It’s a map.

mabilis niya naman itong nilagay sa isang lalagyan at nilock. Hinarap niya kaming walo at ngumiti.

“salamat sa inyo, at maari na kayong makapgpahinga, alam kong pagod na pagod na kayo malayo din ang nilakbay niyo” nagpaalam nalang kami at umalis na pabalik sa dorm namin.

Legacian Academy 1: The Priestess GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon