Chapter 41: Find

16.3K 440 6
                                    


Brent Pov

Napatigil kami sa pakikipaglaban ng bigla nalang nagging abo ang mga Black Mage.


“pa-ano?”hindi makapaniwalang saad ni Sam habang nakatingin sa harapan namin. nilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ito sa tatlong sirena na pawing nakatingin sa aming lahat. parang kanina pa nila kami pinagmamasdan habang nakikipaglaban.

Napatingin ako sa hawak ng naunang sirena. Kumikinang ang diamond kasabay ng pagliwanag ng buwan sa taas ng kweba.

“anong ginagawa niyo sa lugar na ito?”tanong niya sa amin, ngunit ang ikinataka ko dahil sa akin siya nakatingin. What the! May dumi ba ako sa mukha? parang gusto ko yatang manalamin at tignan ang mukha ko, baka pagtawanan ako ni Sam at hindi niya na ako magustuhan. Nako kawawa ang puso ko pagnagkataon.

“kailangan naming makuha ang water Diamond”sagot ni Kyle sa kaniya.

“ito ba ang kailangan ninyo?”sabay taas ng hawak niyang diamond, doon sumabay ang liwanag nito sa liwanag na nanggagaling sa buwan.

“kailangan namin ang bagay nay an upang maligtas ang mga tao na nasa mundo namin”sabi ni Jannice sa kaniya.

“kung ganon makukuha niyo lamang ang diamante na ito kapag siya ang kumuha”sabi niya at tinuro ako. nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat at ramdam kong nakatingin sa akin lahat. tinignan ko sila ng hindi makapaniwala.

“b-akit ako?”tanong ko sa kaniya, nginitian niya naman ako at napalunok ako dahil hindi maipagkakailang maganda talaga ang mga sirena. Shit! ano ba tong pinagiisip ko pag nalaman ito ni sam lagot ako don. tinignan ko siya at nakatingin siya sa akin matalim. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Napangiwi ako dahil don.

“dahil ikaw lang ang maaaing makahawak sa diamante na ito”sabi niya sa akin. now iralize what she really mean. Dahil ako lang naman ang may hawak ng water Element kaya ako lang ang makakahawak niyan.

“fine” naglakad ako papalapit sa kanila at ng nasa harapan na nila ako mas lalo ko pang nakita ang kabuuan nilang tatlo. Bakit kaya parang hindi sila nagdadamit? Gago ka talaga Brent kung ano anong pinagiisip mo.

Inabot niya sa akin ang Diamond akmang kukunin ko na ito ng bigla niyang hinila ang braso ko. shit! muntik na akong malaglag sa pond kung hindi lang niya ako hinawakan sa aking balikat.

Nginitian niya ako at mas kinabahan ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Shit! anong gagawin ng sirena nato? Segurado akong mapapatay na talaga ako ni Sam kapag nagkataon.

Ngunit ganon nalang pagtataka ko dahil sa binulong niya. anong ibig niyang sabihin? ng nilagay niya ang diamond sa palad ko bigla niya nalang akong tinulak.

“kailangan niyo nanag umalis sa lugar na ito, hindi kayo maaring magtagal dito dahil manghihina kayo, kabilugan ng buwan ngayon hihigupin ng buwan ang mga kapangyarihan ninyo” babala niya sa amin.

Dahil sa sinabi niya hindi na kami nagaksaya ng panahon at naglakad na palabas ng kweba, ngunit ng nasa labas na kami bigla akong may napansin, bakit pakiramdam kong may nawawala sa amin. napatigil ako sa paglalakad at tinignan sila isa isa.

“bakit brent?”tanong ni Megan, nakramdam ako ng kaba ng mapagtanto ko kung anong nawawala sa amin.

“nasan si Kent?”I ask them. nagkatinginan naman sila at parang ngayon lang nila napansin na hindi namin siya kasama simula pa kanina. Ganon din ang taong tumulong sa amin sa pakikipaglaban sa loob ng kweba.

“shit!” dinig kong mura ni Kyle

“omy ghod! Hindi ko maramdaman ang presensya ni Kuya” sabi ni Sam. Mas lalao kaming kinabahan dahil don. hindi niya naman kami seguro iiwan diba? Kung ganon bakit hindi maramdaman ni Sam ang Presensya niya.

“Kent!”sigaw ni Megan.

“fuck! It’s no use, isa lang ang ibig sabihin niyan wala siya sa isla na to”sabi ni Kyle at mukhang hindi na alam ang gagawin. Kaniya kaniya naman kaming mura dahil don. tangina kent ano na naman ba ito?
Mahigit isang oras na namin siyang hinahanap at hindi namin siya Makita. San ba siya nagpunta, napansin ko din na hindi ako pinapansin ni Sam,

napabuntong hining naman ako dahil don, mukhang galit nga talaga siya sa nangyari.

Napapikit naman kami dahil bigla nalang lumiwanag ang sa harapan namin.

“shit! wala akong Makita”

“ang sakit sa mata!”

“fuck!”

“Kuya!”napatingin kami sa unahan namin at doon nakita namin siya si Kent at blanking nakatingin sa aming lahat. nilapitan naman siya ni Sam.

“kuya san kaba nagpunta? Alam mo banag alalang alala kami sayo, hindi ko maramdaman ang presensya mo kanina”maktol ni Sam sa kaniya. Pero ang mas ikinataka ko ay parang wala siyang naririnig sa mga sinasabi ni Sam. May nangyari bas a kaniya habang nawala siya?

“lets go back”after he said that tinalikuran niya na kami at nauna nang maglakad.

“what happened?”Sam ask to us. Nagkibit balikat naman kami sa kaniya.

“anong nangyari sa taong yun?”tanong ni jake

“Ano diyan nalang ba kayo?”napatingin kami kay Cristina at nakataas na naman ang kilay habang nakatingin sa amin.

“shut up!”sigaw ni Sam sa kaniya at nauna na saming maglakad. Nilagpasan nalang namin siya at sumunod na kay Kent. Kung ano mang nangyari sa taong yun, yun ang hindi namin alam.

Legacian Academy 1: The Priestess GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon