Chapter 3 - An Old Friend

12 2 1
                                    

Pag’gising ko, pinagmadali ako nila Tita na kumain at magbihis. Magsh’shopping daw kami para sa nalalapit kong pagpasok sa school.

Well, sinunod ko nalang sila. Gusto ko din naman kasing maglibang kahit papaano.

Hindi ko na napanaginipan ang Daddy kagabi. Siguro, masaya na siya para sa akin, because at some point I am trying to move on with what had happened.

After some time ng pagbiyahe, nandito kami sa mall.

Kasama ko ngayon si Kuya. May pinuntahan lang sandali si Tita at si Mommy.

“Tim?” narinig namin ni Kuya na may nagsalita sa may bandang likuran.

And she is beautifully dressed, long-haired, singkit at maganda.

“Timothy Montano?” she exclaimed then she jumped and hugged Kuya.

Si Kuya naman medyo natulala, but I think he knows this girl.

“Oh my goodness! It’s been a long time, and you look…

AMAZING!” sabi ni girl, at kumawala sa pagkayakap niya kay Kuya.

Ngiti lang siya ng ngiti. I smell something. And to watch Kuya stiffen like this, it is very amusing.

“Louise?” so Louise pala name nung girl. Hmm, I wonder why she makes Kuya go this way.

“Yes! The one and the only! Grabe, ang tagal mong di nagparamdam! I missed you!” excited na excited yatang magsalita si Louise at medyo napalakas ang boses. Bigla naman siyang napatingin sa akin.

“Oh.”

Medyo nagulat pa siya at napatakip yung right hand niya na may bitbit na maliit na paper bag sa bibig niya, “Sorry, is she your girl?” Sabay turo sa'kin.

WHAT?!

Natawa kami ng sabay ni Kuya. Sobrang tawa.

Nang nahimasmasan na si Kuya nagsalita na siya,

“KIMM. Louise. Louise. KIMM.”

Nagsmile naman ako sa kanya and she reciprocated. “Ohhhh! KIMM, your sister.”

“Yes, she is indeed.” Kilala pala ako ni Louise? Ewan.

Tumawa naman siya ng mahina tapos biglang may nagtext sa kanya, tinignan niya yung phone niya.

“Uhm, guys, mauna na ako. I have some errands.” Humarap siya sakin,

“Nice to meet you KIMM.”

“You too, Louise.” Sagot ko.

Tapos kay Kuya na naman siya humarap, “Tim, let’s meet upsome time with the barkada, we miss you so much! Just email us, okay?” napatango naman si Kuya tapos nagbeso siya saming dalawa.

Pagkaalis niya, “Kuya, do you like her?” diretso kong tanong.

Napatingin naman si Kuya sa akin at napakunot-noo. “Ganun ba kaobvious?”

I knew it! Sabi ko na talaga may gusto si Kuya dun e. Tumango nalang ako at natawa.

Two hours of roaming around the mall, nakakapagod. Nagdecide muna kaming kumain sa isang resto sa tapat ng mall at dun napahinga na din ang mga paa ko.

My poor toes.

Hindi na din kasi ako sanay naglalakad ng sobra e.

Dumating na yung food na inorder ni Mommy nang may isang babaeng lumapit sa amin sa table.

“Miss Cindy Montano? CEO of EM Fashion?” napatingin kaming lahat sa kanya.

My mom stood up for formality then nakipagshake hands. Business matters. After a minute binigay niya yung calling card niya dun sa babae tapos umupo na ulit.

We prayed together and ate our lunch.

---------------------------------------

“Let’s go.”

At ayun, bumalik kami sa mall to buy some stuffs pa daw sabi ni Mommy.

We searched for the branch ng EM Fashiom sa loob ng mall, and there we bought some stuff.

Anyways, EM Fashion. Clothing Brand yan, one of the many businesses of EM Industries.

Actually, it was Lolo, Dad’s father who brought EM Industries to life. Ipinamananiya yung EM Fashion which is very dear to him kay Dad before lolo died. But since, Dad was gone and Mom is the VP of the company, she managed to take Dad’s place.

“Wait here. Tim, bantayan mo yang kapatid mo. Punta lang kaming grocery ni Tita Sha niyo?” nakakabigla naman yun, si Mommy magg’grocery?

I can’t believe it. Hindi kasi siya nagg’grocery talaga.

“Are you sure Mom?” I gave her a what-is-this-you-want-to-do look.

“Yes.” And there they go. Hay, parang mga bata.

Naglakad lakad nalang kami ni Kuya.

Then we stopped at a nearby camera boutique. Kuya loves photography e. But things were really unexpected.

He’s here.

At a certain moment I felt glad, I saw him at last.

Sobrang namiss ko siya,

and my heart is really aching right now.

Seeing him with another girl.

Sobrang saya nila.

Nakita ni Kuya kaya hinila niya ako papalabas ng boutique.

Ang sakit ng pakiramdam ko, naalala ko lahat.

Alam kong kasalanan ko.

Kasalanan ko kung bakit nasasaktan ako ngayon.

Pero siya parin si..

TJ, ang lalaking pinili kong iwanan.

Please, RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon