Chapter 15 - Unexpected

4 0 0
                                    

INTRAMS week...

Hindi kami required pumasok sa buong week, ang saya no?

Pero siyempre dahil intrams, gusto din naman naming mapanuod yung mga maglalaro ng sports and all. Napag-usapan namin ni Daine na manunuod ng game nila David na magrerepresent sa College namin. Medyo umiiwas din ako sa basketball games, knowing that TJ's a player.

"KIMM, I'll be leaving you na ha? Sigurado ka bang kaya mo dito? 2 weeks din akong mawawala." halata sa boses ni Tita Sha yung pag-aalala, kailangan niya kasing pumunta ng Cebu, nabigyan siya ng project dun, at for sure, yayaman na naman si Tita. Haha!

"Oo naman, Tita. I can take care of myself, besides, Kuya will be arriving soon."

"Osige, every other day Tuesday and Saturday na pala darating yung cleaning service, eto yung iaabot mo sa kanila, whenever they're done. Okay? Tapos, yung laundry shop malapit lang dito sa village, ikaw na ang bahala a?"

"Yup!"

Sumaludo ako at hinug si Tita. Bigla ko tuloy namiss si Mommy. "Ingat, Tita!"

At dahil mag-isa ako ngayon, at mamaya pang 1 PM kami magkikita ni Daine, gusto ko munang pumunta somewhere.

Nag-abang ako ng masasakyan. In not less than 15 minutes, nakarating na 'ko sa Creme's and Latte's, a place where TJ and I used to spend time together.

Bigla ko kasing namiss yung Chocolate Cake at Chocolate drink dito.

Pagpasok ko, marami-rami din ang tao, nag-expand na pala tong lugar na to. Gumanda at ang bango-bango pa din!

"KIMM?" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Ate Julie?" si Ate Julie, siya dati yung nagse'serve sa may cashier pero parang nag-iba na yung uniform niya ngayon.

"Huy, KIMM, bakit ngayon ka lang ulit nagpakita?" niyakap naman ako ni Ate Julie tapos hinila sa isang table.               

"Ayan, maupo ka. Ang tagal tagal mong di nagpakita, saka nabalitaan ko yung sa inyo ni TJ..." napahinto naman siya, ako naman napatingin sa kanya. "Sorry."

"Okay lang, Ate Julie."

"O ano na, kwento na."

"Saka nalang ako magkkwento Ate, pakainin mo muna ako, di pa'ko nagb'breakfast."

Tumayo naman si ate Julie tapos pumunta sa may counter, nag-order tapos pinadala sa table ko.

"Grabe, Ate Julie, ang sarap pa rin ng pagkain dito!"

"Siyempre naman ano, lalo na pa't ako na ang manager dito."

"Wow, asensado. Congrats!"

Dumadami na yung tao sa shop kaya naman nagtrabaho na ulit si Ate Julie, nagpaalam naman na ako sa kanya, tapos umalis na.

Nasa may parking lot na ako ngayon ng Shop, naglalakad palabas para makapag-abang ng masasakyan ulit.

*phone ringing... Caller ID:Daine Yiu

"O Daine, bakit?"

"KIMM! Bukas pa daw yung match nila David, kaya wala tayong panunuorin ngayon."

"Ganun ba? Hmmm, osige. Bukas nalang tayo magkita."

"Sige, Bye!"

Dahil wala na pala akong lakad mamaya, maglilibot muna ako.

Ang tagal naman mag-abang, medyo makulimlim pa naman din. Sana wag kumidlat.

Takot na takot kasi ako sa kidlat at kulog, kasi nung bata ako nakidlatan yung puno malapit sa bahay namin, nung lumabas ako para tignan, muntik na akong madaganan, buti nalang sinave ako ni Kuya.

Hanggang ngayon, wala pa ring dumadaan kaya matagal na akong nakatayo. Napatingin naman ako sa kotseng paparating, papasok yata sa Creme's and Latte's.

Umiwas na ako ng tingin kasi baka akalain pa ng driver na pinagnanasaan ko yung kotse niya. Pero, bigla namang bumagal yung kotse tapos huminto sa harapan ko.

Hindi ko makita yung driver, OA kasi yung windshield.

Narinig ko na bumukas yung pinto, tinignan ko kung sino yung bababa, baka kilala ko.

Pero nung nakita ko kung sino, biglang tumigil yung tibok ng puso ko.

"KIMM?" ang sarap pakinggan ng boses niya na sinasabi yung pangalan ko. Biglang tumulo yung mga luha ko.

"TJ."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please, RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon