Chapter 13 - Attractive

3 0 0
                                    

After Psychology class, kasama ko ngayon si Daine, nasa isang convenient store kami malapit sa University. Bumili lang kami ng ice cream at pagkatapos ay umalis din, pumunta kami ng garden.

Napakatahimik ni Daine ngayon, kakaiba ang aura niya. Tinignan ko lang siya, she really is a beauty. Kamukha niya si David sa lahat ng aspeto, konting konti lang talaga ang pinagkaiba nila.

"Uy, Daine Yiu!" sigaw ko sa kanya. Halata siyang gulat at wala sa sarili.

"Ano ba yan, KIMM, kailangan talaga nanggugulat pa?" reklamo niya.

"E kasi kanina ka pa kaya tahimik no. Nakakapanibago ka kaya."

Napaisip muna siya, "Ano kasi..." tinignan ko siya ng mata sa mata.

"Ano, kaibigan kita diba? Kaya KIMM, pinagkakatiwalaan kita"

"Ano bang gusto mong sabihin, Daine?"

"Si ano.." she choked, "Si Drake kasi."

Alam ko na problema ng babaeng 'to.

Love life.

"O, anong nangyari kay Drake?"

"Ganito kasi, may gusto ako sa kanya, matagal na. As in super tagal na. Kaso, parang wala naman siyang gusto sa akin e."

"Yun lang naman pala e. Sabihin mo kasi sa kanya, Daine."

"Baka di niya magustuhan. At saka baka ano pang isipin nun."

"Hay nako, Daine. Isipin mo nga, kapag di mo sinabi sa kanya tapos nagkaro'n siya ng girlfriend, ano ka?" huminga muna ako, "sabihin mo na. Malay mo, gusto ka din naman niya."

Pagkatapos magshare ni Daine, bumalik na siya sa dati niyang aura. Ang kulit kulit niya na, which is good.

"KIMM, how do you find my brother?" nagtaka naman ako sa itinanong niya.

"Ha? What do you mean?"

"Do you find him what? Cute or mayabang?"

"Well..." nag-isip pa muna ako. "Okay naman si Mr. Yiu e, he's very kind at gentleman. Tapos he's got a lot of talent pa."

"So?"

"He's attractive." bigla namang lumapad ang ngiti ni Daine, parang siya yung sinabihan ko ng attractive e.

"Alam mo, tama ka dyan. Kaya halika na, puntahan na natin sila nila Sam." natigilan naman ako nung sinabi niyang kasama si Sam. Baka kasi nandun si TJ e.

"A, wag na!" bigla kong nsabi.

"Bakit?" napakunot naman ang noo ni Daine.

"Uuwi na kasi ako, kaya ikaw nalang pumunta sa kanila ha? Bye!" tapos tumakbo ako.

"Teka, KIMM!" Pipigilan pa sana ako ni Daine kaso buti nalang nakatakbo ako agad.

I'm walking alone now, nakaearphones, at pauwi ng bahay.

Then, Beep! Beep!

May narinig akong busina ng kotse sa may bandang likuran ko kaya naman napalingon ako.

"Hi, Kristin!" si David lang pala.

"Mr. Yiu?!"

"Yup, tara!"

"Saan?" lumabas naman siya ng kotse. Woah, he's wearing white t-shirt tapos jersey shorts then rubber shoes.

"Basta." hinila niya ako papunta sa driver's seat, at nagtagumpay siya, napasakay niya ako sa kotse niya.

"Where are we going?" kinukulit ko na siya kasi ayaw niya talagang sabihin kung saan niya ako dadalhin.

"Wala lang, stroll lang tayo." sabi niya, tapos may kahalong ngiting nakakaloko.

"Mr. Yiu, stop the car." sabi ko. Nakakapikon na siya.

"Ha?"

"I said, stop this car!" sumigaw na ako. Hininto naman niya ito agad. "If you're not going to tell me where you're taking me, you better go alone." inalis ko ang seatbelt ko.

Akma na akong lalabas ng kotse niya, pero hinila niya ang kamay ko kaya napigilan niya ako. Pero medyo napalakas ang paghila niya kaya naman, nagkalapit yung mga mukha namin. Not really close, pero close.

Grabe, I can smell his scent. He's so fragrant.

"Kristin, do you really find me attractive?"

*Gulp* 

Please, RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon