I can’t believe it.
Of all people.........
siya pa talaga ang makakatabi ko.
Sigurado ako na siya yung kasama ni TJ no’ng isang araw.
Siya yung girlfriend niya.
Eto pa a, sobrang dami naming features na magkapareho.
White-complexion, straight hair, pointed nose, basta madami.
Pero nagkaiba kami sa mata. Singkit ako ng konti, tapos siya, bilog mata niya. Di naman totally bilog pero basta maganda mata niya. No wonder siya ang girlfriend ni TJ.
“Hi.” Sabi niya sa akin with matching smile.
I smiled at her back then I look away. “Alam mo, nakita na kita sa isang magazine.”
Tumingin ako ulit sa kanya tapos binigyan siya ng saang-magazine look.
“Uhmmm, it’s a fashion mag. And if I’m not mistaken you are wearing Cindy Montano’s dun sa picture mo dun.”
Naalala ko na.
Bago kasi mamatay si Dad, I posed for Style’s Style, a very popular fashion mag in the US, Italy, and some other parts of Asia.
Mom was the designer of the dress I wore.
Bestseller nga nun yung dress that time e. And by the way, aside from being the CEO of EM Fashion, Mom’s also a designer.
“Yeah.” Tapos tinaas ko dalawang kilay ko.
“Sabi ko na talaga Filipina ka, the time I saw your pictures sa mag alam ko na talaga na Pinay ka.” She paused, “Do you model?”
“Ah, hindi. Nasa States lang ako that time tapos they asked me to do the shoot for that dress kasi daw very-teenager.”
“But, you do look like a model, except for the fact that you don’t wear make up.”
Sigh. Ang daldal niya.
Nagsmile nalang ako sa kanya tapos tumingin sa ibang direction.
“Tahimik ka pala no?” ayan na naman.
Why does she keep on talking!
“By the way, I’m Sam.” She held her hands, I took it then we shaked hands. Sakit sa pakiramdam na siya na yung bagong mahal ng lalaking mahal ko.
“KIMM.” I mouthed, and my voice was broke. I don’t want to cry.
“Friends?”
Ouch.
“Friends.” Ano ka ba KIMM, bakit ka pumayag na makipagkaibigan dyan, mas lalo ka lang masasaktan sa ginagawa mo e.
At last, tapos na ang first subject. Biruin niyo yun, uso pa pala introduction sa college. Well, madami kami sa section namin. 50 yata kami. Dumating na yung pangalawang prof. Siguro nasa 20s palang to, mukha siyang bata at newly grad. Iba ang gimik niya sa pagpapaintroduce, tinatawag lang niya isa isa tapos magtatanung siya ng about sa kanila. May record na siya agad ha? In fairness.
“Sorry, Ma’am, I’m late.”
Biglang may pumasok sa back door, tapos nagtilian mga kaklase kong babae at mga feeling babae. Lahat sila, maliban sa’min netong si Sam. Hindi naman kasi naming siguro first time makakita ng gwapo kaya din a dapat tumitili pa.
“Mr. Yiu, first day of classes, and you’re late.” Sabi ng prof naming. Taray te.
Feeling masungit si Ma’am, pero halatang nag’gwapuhan din sa nilalang na ito. Pero buti alam niyang siya si Mr. Yiu. Siguro dito din to gumraduate ng highschool.
“Sorry ulit, Ma’am. Di na po mauulit. Galing pa po kasi ako sa kabilang building e.”
Aba, at pa-cute pala itong si Mr. Yiu. Nadadala naman ng charm niya tong mga kaklase kong babae.
Hay nako.
I turned my head, then rolled my eyes at him kahit di niya ako nakikita.
“Okay lang na malate, Mr. Yiu, first day of classes palang naman. Pero next meeting, hindi na okay?”
“Yes, Ma’am, thanks.”
“Dave, dito ka nalang maupo o.” sabi nung isa kong kaklaseng babae. Pinapaalis niya pa yung katabi niya para lang ioffer yung seat sa Mr. Yiu na to.
“No, Charles, here nalang.” Ganun din naman yung ginawa nung isa.
Tumingin ako kay Mr. Yiu tapos nakita ko siyang nagsmile sa mga babae then pumunta sa may row malapit sa’min. Nakita niya akong nakatingin kaya nginitian ba naman ako.
Again, I rolled my eyes at him, and this time nakita niya na.
“Okay, everyone settle down.” Sigaw ng prof namin kasi naggigitgitan pa yung ibang mga babae kong kaklase.
“Where were we? Ah, Ms. Samantha Dayrit.” Tumayo si Sam tapos nagsmile kay Ma’am. Ang ganda niya at ang slim lang niya tapos medyo matangkad lang siguro ako sa kanya.
“So, Sam, tell us something about yourself.”
“I am Samantha Dayrit. 17 years old, a graduate of this university. My family is into real estate. I’m looking forward to a great semester with all of you guys. Thank you.”
Ganun nalang din ginawa ni Ma’am sa mga sumunod.
“So next, we have—Oh!” she paused,
“Ms. Kristin Isabel Montano.” Tumayo ako tapos naramdaman ko na all eyes are on me pero, si Ma’am lang tinignan ko.
She looks like she’s in shock. “Miss Montano, I’m really int’rested about you, tell us more about you.”
“Ah, Kristin Isabel Montano, call me KIMM. That is based from my initials. I graduated high school a year ago and I’m 17.” Nagsmile sa akin.
"So, how're you coping up after Mr. Montano's unexpected goodbye in this world?" I am silent. Hindi na dapat pang tinatanong yan.
"I'd rather not talk about it, Ma'am." sagot ko nalang.
"Oh, I'm sorry, Ms. Montano. It must've been hard on you up until now." I smile at her and take my seat.
“YOU ARE A MONTANO?” bulong ni Sam sa akin. “OMG, you are the daughter of Cindy Montano. I can’t believe it!”
Tumango nalang ako sa kanya at biglang may tinawag si Ma’am from behind. “Yes, Mr. Yiu?”
“Pwede po bang magtanong kay KIMM?”
Magtanong sa akin?
Sino ba yun?
Lumingon ako at biglang nakita ko si Mr. Yiu..
Nakatitig sa’kin.
BINABASA MO ANG
Please, Remember
Teen FictionWhen everything ends up badly, things change a lot. Just like the way things went for KIMM. All she thought was about her being left out. Until one day came and everything went clear. Proceed to the Prologue. Continue to read it! Thank you! :)