Ano bang ginagawa ng lalaking to dito?
Nakuha pang magpa-cute sa harap ko.
Tinignan ko lang siya tapos tumingin sa gilid.
At doon, nakita ko ang dami palang nakatingin sa amin. Sino ba tong Mr. Yiu na to?!
“Hi, KIMM.” Bati niya. To be polite nagsmile nalang ako sa kanya, pero pilit. “If you don’t know me, ako si David Yiu. Classmate mo.” Umupo siya sa tabi ko. “Kanina kasi sabi mo sa’kin…” napatingin ako sa kanya, “private matter. Kaya eto ako ngayon.” Natatawa ako sa kanya. Naalala ko yung sinabi ko kanina sa classroom kaya medyo napagiggle ako.
“Uhm…” lumabas sa bibig ko.
“Since private na tong usapan natin. Tatanungin ko ulit, may boyfriend ka ba?” Ang cool naman pala nitong lalaking to e. Nakakatawa mga facial expressions niya. May nagsasabi sakin na di ko siya dapat sungitan.
“Bakit mo tinatanong?” tanong ko.
Nag-isip siya ng sandali,
“E kasi una, ang ganda mo.
Tapos pangalawa,
ang ganda ganda mo.
At Pangatlo,
ang ganda ganda ganda mo.” Ewan ko pero natawa ako sa sinasabi niya. May sense of humor naman pala siya.
“Alam mo, di mo na kailangan mambola. Wala akong boyfriend.” Sagot ko sa kanya.
“Bakit?” parang bata lang na nagtanong. Nakakatawa!
“Ewan.” Sabi ko nalang.
“Pero, buti nalang wala kang boyfriend.” Nginitian ko nalang siya, out of somewhere, pakiramdam ko nag-eenjoy ako na kausap siya.
“Pwede bang makipagkaibigan?” napatingin ako sa kanya ulit tapos nakasmile lang siya sa akin.
“Okay.”
Masaya namang kasama tong si Mr. Yiu.
Ang dami niyang kwento. Nakwento na din niya na sobrang mahal daw niya ang basketball.
NagMVP daw siya nung 4th year siya.
Magkakaklase pala kami sa lahat ng subjects. Hindi daw siya nakapasok ng Algebra kanina kasi may pinagawa daw sa kanya Papa niya. Mukha siyang matino, at gentleman siya.
Tapos dagdag pa sa kanya yung kagwapuhan niya, maputi siya tapos maganda yung mata, red lips at ang buhok niya sobrang bagay sa kanya.
“So KIMM, kung wala kang boyfriend,”
eto na naman po kami,
“nagkaboyfriend ka na ba?” tanong niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagtibok ng puso ko.
Unrecognized feeling nga lang. Bigla ko kasing naalala si TJ at Sam na magkayakap sa mall.
“Oo naman.” Matamlay kong sagot.
“Mahal mo pa no?” tinignan ko siya na may halong pagtatanong kung bakit niya tinatanong.
“Kasi nung tinanong kita bigla nag-iba mood mo. Nasasaktan ka pa, halata.” Gano ba kagaling bumasa ng nararamdaman tong lalaking to. But at some point, parang kumportable na akong mag-kwento sa kanya.
“Alam mo, Mr. Yiu, malelate na tayo sa susunod nating klase kaya halika na.” tumayo ako at kinuha ko ang bag ko.
Nauna na akong lumabas sa kanya.
Sinilip ko ang sched ko at sa room 119 ang susunod kong klase, Filipino.
Naramdaman ko namang sumusunod na si David sa likod ko, at bigla bigla nasa gilid ko na siya.
“Bakit ka pinagtitinginan?” tanong ko sa kanya, dahil sa lahat ng madadaanan naming nakatingin lahat sa kanya.
“Ewan, may dumi ba ako sa mukha?” nakakatawa talaga siya.
Siyempre, kahit obvious na yung sagot di niya pa rin piniling ipagmayabang na gwapo siya.
Did I just say that?
Natapos ang klase ko ngayong araw na ‘to. Palabas na ako ng classroom ng biglang…
“Kristin!” first name ko talaga tinawag a, si Mr. Yiu yan.
Napatingin ako sa kanya at nginitian siya.
“Ingat sa pag-uwi, namiss kita ng sobra sobra." Niyakap niya ako sa hindi malamang dahilan. Nagulat ako, wala naman ng masyadong tao sa classroom kaya medyo safe sa mga issue.
"BYE!" at tumakbo siya palabas ng room.
Baliw lang talaga.
KIMM, wag mo nang pag-isipan ng kung ano yun. Just stay on track, you can't get lost dahil sa kanya.
Tinext ko na si Tita Sha para magpasundo.
Pero kakatapos lang niyang magwork-out at maliligo palang siya kaya maghihintay muna ako. Naintriga naman ako nang may mga taong papunnta sa court.
Siyempre, nakisali ako sa kanila. (^^)
Pagdating ng court, nakita ko na nagt’training ang mga basketball players.
Ang hot naman ng mga taong to.
Nakauniform kasi sila, jersey, shorts and rubber shoes.
And then, nakita ko si David, he is so handsome. Bagay pala sa kanya yung ganung porma.
“Uy, KIMM!” nagulat naman ako dahil bigla akong kinalbit ni Sam.
“Sam? Buti nandito ka pa?” tanong ko sa kanya.
“Manunuod ako ng training nila e. Nandyan kasi boyfriend ko.”
Bigla naman akong napatingin sa direksyon na tinitignan ni Sam. Si TJ.
I can feel my heart pounding, pero bawat tibok, may tumutusok.
Buti nalang at hindi nakatingin si TJ kaya hindi niya ako makikita. Ayoko na makita pa niya ako.
“Samahan mo ako.” Sabi ni Sam. Pero biglang tumunog cellphone ko. Si Tita Sha.
“Uhh, next time nalang Sam. Tumatawag na Tita ko e. Bye. Ingat!” nagmadali ako papalabas at huminga ng malalim. Iiyak na ako, pero buti nalang tumawag si Tita. Napigilan ko pa.
“Hello, Tita Sha?”
“KIMM, dito na ako sa front gate.”
“Sige po, Tita. Punta na ako.”
Habang naglalakad ako, naisip ko si Sam at TJ.
Masakit lang malaman na masaya si TJ kahit na wala ako sa buhay niya. :'(
BINABASA MO ANG
Please, Remember
Teen FictionWhen everything ends up badly, things change a lot. Just like the way things went for KIMM. All she thought was about her being left out. Until one day came and everything went clear. Proceed to the Prologue. Continue to read it! Thank you! :)