“Tita Sha, I’ll be home late. Wag mo na akong sunduin dito sa school ha?”
Tapos na lahat ng klase ko ngayong araw. Bigla akong ginutom at nagcrave for pizza kaya naman hindi na ako nagpasundo kay Tita Sha, I’ll walk myself home.
5PM, naghahanap ako ng kasama.
Hindi ako sumabay kay Sam, dahil for sure kasama nun si TJ. At ayoko pa namang makita ako ni TJ.
Si David naman, may basketball practice.
Si Daine kaya?
Tinext ko si Daine.
May ginagawa naman daw pala siya kaya wala akong kasama ngayon.
Nandito ako sa isang pizza store, naghihintay ng inorder ko.
“Hi Ganda!” nagulat ako nang biglang sumulpot si David sa harapan ko.
“O, anong ginagawa mo dito? Diba may practice ka?” parang tinataboy ko siya. Haha!
“Oo, pero tapos na. Nagwithdraw ako ng allowance ko e. Tapos nakita kita dito na mag-isa kaya pinuntahan na kita. Nag-order ka na ba?” Tumango naman ako. Tumayo naman siya nag-order din yata ng kakainin niya.
--------
“Grabe, ang takaw takaw mo pala!” sabi ni David habang tumatawa.
“Oo.” Natatawa din ako sa kanya.
“Eto pa o, meron pang isang slice ng pizza. Wag ka ng mahiya kainin mo na.” sabi niya. Kinuha niya yung last slice tapos inangat niya sa may mukha ko.
Balak ba niya akong subuan?
“Akin na.” Kinuha ko yung pizza sa kanya tapos inubos ko.
“Anong klaseng apetite ang meron ka KIMM. Ang takaw takaw mo.” Nagtatawanan lang kami. Hindi ko nga alam kung bakit kami tumatawa e. Pero nag-eenjoy ako sa company niya.
“Ang tagal ko na nga rin hindi nakakakain ng ganito karami. Simula kasi nung…” napahinto ako dahil naalala ko yung naging buhay ko nung namatay si Dad.
Masakit pa rin para sa akin, pero tanggap ko na. Hindi ko pa naikwento kay David lahat, pero pag kasama ko siya parang gusto kong ilabas lahat ng natatagong kwento sa dibdib ko.
“Tara na.” aya niya, alam niyang bigla akong nalungkot.
Naglalakad kami ngayon sa may sideway ng mall. Ang sarap ng hangin. Tapos bigla nalang akong hinila ni David, tumakbo kami. Nung una, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero, pumasok kami ng Main Campus ng University tapos nakarating kami sa garden.
“O, anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya tapos umupo ako sa may Bermuda grass malapit sa fountain.
“Wala namang pasok bukas, dito muna tayo.” Sabi niya. Konti lang ngayon ang tao sa garden. Maggagabi na din kasi.
Umupo naman si David sa tabi ko.
“Alam mo, KIMM, napakamisteryosa mo.” Napatingin ako sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
Nag-isip siya, “Yung parang kanina, tumatawa ka, tapos bigla ka nalang nalungkot.” Sabi ko na nga ba napansin niya yun e.
Ngumiti muna ako tapos nagsalita, “Kapag kasi naaalala ko ang Daddy ko, bigla akong nalulungkot.” Hindi ko alam pero kusa nalang lumabas yung mga salitang yun sa bibig ko. Napatingin naman si David sa akin tapos parang nashock.
“Sorry.” Sambit niya.
“Okay lang yun, tanggap ko naman na." napayuko ako kasi medyo nakakaramdam ako ng tubig sa mga mata ko. Pero bigla akong niyakap ni David, and there I felt comfort that I was longing for so long.
The feeling's surprisingly light.
“Hindi ko alam kung gaano kabigat yang nararamdaman mo, pero alam ko nasasaktan ka."
"Pero, KIMM, kung hindi mo pakakawalan yung nakaraan hindi mo maeenjoy ang buhay mo.”
Bigla ko namang naalala si TJ.
Si TJ.
And there, I started sobbing. Hinahagod lang niya ang likod ko.
Siguro nakamove-on na ako sa pagkawala ni Dad pero sa pagkawala ni TJ, hindi pa. Nasasaktan ako sa tuwing nagkkwento sa akin si Sam, masaya si TJ sa piling ni Sam.
Yun ang pinakamasakit.
Inalis naman ni David ang pagkayakap niya sa akin tapos hinarap niya yung mukha ko sa kanya. Kinuha niya yung panyo niya sa bag tapos pinunasan yung mga luha ko.
Kahit paano, naging kumportable ako sa kanya. Natuwa ako kasi hindi ko na kailangan pang magkwento, para bang alam na ni David kung ano yung nangyari tapos nandito siya ngayon, kinocomfort ako.
“Alam mo Kristin, hindi man tayo madalas magkasama, hindi man tayo madalas na nakakapag-usap pero pakiramdam ko kilalang-kilala na kita. Halos isang buwan palang tayo magkakilala pero parang nasasaktan din ako pag bigla ka nalang nalulungkot. Salamat at sinasabi mo sa akin kung anong nararamdaman mo.” ngumiti naman siya na parang bata.
“Hindi lang naman yun yung dahilan kung bakit ako ganito e.”
Tinignan niya lang ako. Para bang nagtatanong kung ano yung ibig kong sabihin.
“Kung ano man yan na nakakapagpalungkot sa’yo, wag mo nang isipin. Ikaw lang din ang masasaktan. Pero dahil nandito ako ngayon sa tabi mo, ako ang magiging pain killer mo.” Ako naman ngayon ang napatingin sa kanya.
“Let me ease your pain, Kristin. I want to ease your pain, I want to be your...
…. *#!*=@~!friend.”
Ano daw?!
BINABASA MO ANG
Please, Remember
Novela JuvenilWhen everything ends up badly, things change a lot. Just like the way things went for KIMM. All she thought was about her being left out. Until one day came and everything went clear. Proceed to the Prologue. Continue to read it! Thank you! :)