Chapter 12 - To Share is to Trust

3 0 0
                                    

Hinatid ako ni David hanggang bahay. Hindi ko aakalain na magiging ganun ako sa harap niya kanina. Bigla ko nalang naramdaman na kaya niya akong sagipin sa pagkakalunod ko sa sakit na nararamdaman ko.

Bago ako matulog tinext ko muna siya.

To: David Yiu

Thank you, Mr. Yiu. Can you see me tomorrow, sa may playhouse dito sa subdivision namin? 10AM. I’ll be expecting you.

Sent! Pagkatapos nun, nagdasal na ako, nagbasa ng Bible at natulog.

Kinabukasan agad akong naligo at nagprepare. Hindi nagreply si David sa text ko pero pupunta pa rin ako. Nakarating ako dun ng mga 9:50AM. Hinahanap ko siya, pero mukhang wala pa. Umupo ako sa may swing. Parang playground kasi to, yun nga lang covered. Wala pa namang tao kaya para akong baliw na nag-iisa dun.

Maya-maya.

“Uy, Kristin!” Nagulat ako nang bigla akong kinalbit ni David. Nakaearphones kasi ako kaya hindi ko siya narinig nung dumating.

He is, as ever, gorgeous. He’s wearing a red polo then nakataas yung buhok niya na sobrang nakagwapo sa kanya.

“Bakit mo’ko pinapunta dito?” tanong niya.

“A, ano kasi..." kinuha ko yung bag ko na nasa may baba ng swing.

"Eto o." inabot ko sa kanya yung bag ko. Ngataka naman siya, pero kinuha niya pa rin. Binuksan niya yung zipper tapos kinuha yung nasa loob.

"Photo album?" sabi niya.

"Oo."

Binuksan niya yung photo album at una niyang nakita yung picture namin, buong pamilya. It was Kuya's 15th birthday. Sa photo album nakalagay lahat ng pictures namin ni Dad. Ginawa ko yun nung nasa hospital pa si Dad, nag-aagaw buhay. Naipakita ko pa sa kanya tong album na to. Pero, right after that, nawala na siya sa amin.

"You have a beautiful family, Kristin." at sabay sara sa photo album. "Bakit mo pinakita sa akin to?"

"I..," I exhaled, "I don't know. I feel comf'table with you."

"It's very nice to hear that, Kristin. Kumportable din ako kapag ikaw ang kasama ko e. Parang dati lang"

Napatingin ako sa kanya. Dati? Anong dati?

"Ano?" Tanong ko.

He smiles, and I die. Joke. Hindi nalang siya umimik.

"After Dad died, I became another person." napatingin siya sa akin na parang nagsasabing ituloy ko lang ang kwento ko at makikinig siya.

"I find it so hard to move on. I wanna be alone. Wala akong kinakausap, walang pinapansin. Grabe, that time, pakiramdam ko lahat nalang ng tao iiwanan ako. Ang Daddy ko kasi talaga yung pinakanagmamahal sa akin, yun ang pakiramdam ko. Kaya nung iniwan niya ako, ayun, parang lahat nalang din ng tao iiwanan ako." Tinignan ko si David, he's sincerely listening.

"Then, there was this one day, yung boyfriend ko..." napatingin ako sa kanya, medyo kumunot yung noo niya, "he went there for me. Pero, alam mo anong ginawa ko?" umiling naman siya.

"I pushed him away. At ngayon, yun yung pinakamalaking bagay na pinagsisisihan ko."

"You still love him?" bigla nalang nagtanong si David.

"I still think I do." sagot ko. "Pero sabi sa'kin ng Kuya ko, guilt nalang daw to. Ewan ko, pero at some point I find it true."

"So, this guy, nung umuwi ka nagkita na kayo?" interesado talaga si David sa akin?

Tumango ako, "Pero siya, hindi niya pa ako nakikita. Ayoko na rin kasing magpakita sa kanya. He's happy and.."

"May bagong girlfriend na yung lalake?" nakakabiglang tono ng pagtatanong ni David.

"Oo, masaya na nga sila e."

Moment of silence. Tumayo na ako sa swing at hinila si David palabas ng playhouse.

"Thank you for sharing what you're hiding, Kristin. I feel honored." pauwi na si David ngayon .

"Yea. You're welcome."

"So, see you tomorrow sa school?"

"Okay, bye." Then we parted ways.

Please, RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon