It’s been a month, and everything is going well. Iniiwasan ko pa rin na magkita kami ni TJ.
Madalas kami magkasama ni Daine, tapos kapag lunch si Sam ang kasama ko.
Palagi kasing may basketball practice si TJ kaya hindi siya nasasamahan si Sam.
I wonder, alam kaya ni Sam na ex-girlfriend ako ng boyfriend niya?
“KIMM, tara na.” kakatapos lang naming kumain ng lunch ni Sam.
Saan na naman kaya ako dadalin ng babaeng ito. Alam niyo bang halos nalibot na naming lahat ng fastfood chain, restaurant, at carenderia na malapit sa SYU, pero nagsettle kami sa luto sa isang resto-type na lugar.
Hindi ganun kamahal ang pagkain, pero sobrang ang sasarap.
Masaya din palang kasama si Sam, pareho sila ni Daine.
Si David naman, ayun, kapareho ni TJ. Nagppractice ng basketball.
“Teka, saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Nuod tayong training ng mga engineering players, nandun kasi si TJ e.” napahinto naman ako. Agad akong umiling at nag-hesitate.
Nandun si TJ! I just can't!
Sa kaloob-looban ko, nagf'frreak out na'ko.
“Sige na, KIMM!” Pilit ni Sam. Hinihila na niya ako. Pero, with all my strength, I tried to pull myself.
“Ayoko, Sam. Ang layo ng campus ng Engineering sa campus ng business ad.” Palusot ko.
“Hay nako, KIMM. Osige, nuod nalang tayong practice ng mga players ng college natin.” Sumama nalang ako sa kanya.
Habang naglalakad kami, nakasalubong naming sina Dayne, Dylan, Dom, at Drake.
The 5D's, kulang ng isa. Wala si David.
“Hi, KIMM!” si Daine, napatalon pa siya nung makita niya ako, para siyang bata.
Binati ko naman siya tapos nagsmile sa mga boys.
“Hi, Sam!” bati ni Daine kay Sam. Bumati din si Sam. “Where are you up to?” tanong ni Daine.
“Manunuod ng basketball practice.” Sagot ni Sam. Halatang dissappointed pa din siya dahil ayoko siyang samahan.
"Kay TJ?" Tanong pa ni Daine.
"No, ayaw kasi ni KIMM e! Kaya kay David nalang." Nag-pout si Sam.
Tumingin si Daine sa mga boys, parang may nag-iba sa expression niya.
“Oh. Osige. We’ll see you later, guys.” At ayun, umalis na sila.
Ang astig na tinitignan ng grupo nila, lalo na at mag-isang babae si Daine.
Mas astig pag kasama si David.
Siya pinakagwapo e. Haha!
Uy, walang ibig sabihin yun a, nag’gwapuhan lang talaga ako sa kanya.
Umupo kami sa mga bleachers ni Sam. Nilabas ko yung phone ko sa bulsa ng uniform ko.
Oo, nakauniform na kami. Kakadeliver lang last week ng 5 sets ng mga uniform namin,
“Hi, KIMM!”
Biglang may nagsalita sa may likuran naming, paglingon ko,
hindi ko kilala, pero lalaki siya.
Mukhang first year, may kasama pa siyang isang guy.
Hindi ko naman sila kaklase, kaya nagtataka ako kung bakit kilala nila ako.
I gave them a wry smile, tapos lumingon na ulit. Nakita kong lumabas na mga players at nagstretching na sila. David looks cool pag nakavarsity uniform.
“KIMM, you know them?” Sabay turo ni Sam dun sa mga lalaki. Umiling nalang ako at naglaro sa phone.
Maya-maya, bigla akong natauhan na nag-enjoy nap ala ako sa kakalaro , kaya di ko namalayan na nasa harap ko na si David.
All dressed-up in uniforms and sling bag.
“Hi, Sam!” una niyang binati si Sam, close na din naman sila dahil dikit ng dikit sa akin si David.
“Hi, Kristin!”
Oo, tama kayo, Kristin tawag niya sa akin.
Epal yan e.
Ilang beses ko nang sinabing KIMM ang itawag, Kristin pa rin ng Kristin.
“KIMM.” I corrected him.
“Kristin.” Sabi na naman niya.
“KIMM.” Sabi ko na naman.
“Kristin nga ang gusto ko e!” tapos nag-belat pa siya. Ang weird.
"Ano? Gusto mo ako?!" Hahahahaha! I was just playing around with him.
OOOOOOPSSSS!
I roamed my eyes, and OMG! Napalakas yata sabi ko.
So, imbes na matawa ako. Nashock nalang ako. Si Sam, nakatingin din sa akin. At si David?
Papalapit! He is actually smiling!
Tumabi siya sa akin at umakbay, "Paano pag sinabi kong 'Oo'."
Patay! JOKE lang naman yun e.
Nararamdaman kong kinikilig si Sam sa tabi ko. Pakiramdam ko rin, pulang-pula na ako.
Tinanggal ko pagkaakbay niya. “Para kang bata! Ang pangit mo!” Joke pa rin yun, siyempre. Gwapo naman kasi siyatalaga. Pero napalakas na naman yata boses ko, may mga nakarinig na naman sa akin.
Yung mga nagpapantasya kay David nasa may side ng court nakatingin. Nahiya tuloy ako.
Tumawa si David ng malakas. Tinignan lang namin siya ni Sam, tapos biglang tumawa din tong si Sam, nababaliw na sila.
“Bakit kayo tumatawa?” tanong ko.
Wala pa rin, tawa pa rin sila.
“Nako, Mr. Yiu. Ang pangit mo talaga.” Hindi na yan pasigaw medyo mahina na.
“Edi pangit na kase. Okay lang yun. Opposites attract."
Ha? Anong connection nun sa sinabi ko?
"You're confusing! Ano ibig mong sabihin?"
Mas lalo siyang lumapit sa akin.
My heart beats twice the way it use to.
"Kung pangit ako..." I can feel him near my shoulders, hindi ako nakatingin sa kanya e.
"maganda ka naman..." this time, mas lalo na akong namula. At tumingin na ako sa kanya. He seems serious.
Naghihintay pa ako ng sasabihin niya. Pero, mukhang wala na ata?
"E ano naman?" I answered him sarcastically.
"Edi ibig sabihin, dahil maganda ka at pangit ako, opposites tayo." Kindat!
BINABASA MO ANG
Please, Remember
Fiksi RemajaWhen everything ends up badly, things change a lot. Just like the way things went for KIMM. All she thought was about her being left out. Until one day came and everything went clear. Proceed to the Prologue. Continue to read it! Thank you! :)