Chapter 14 - Attractive II

4 0 0
                                    

"Kristin, do you really find me attractive?" nagulat ako sa tinanong niya.

Si Daine, siya nagsabi nito kay David. Tinulak ko siya, pero nahawakan na naman niya ang kamay ko.

"What're you talking about?!" siyempre, painosente mode muna.

"Sinabi sa akin ni Daine." tapos ngumiti siya, nakakainis! Nakakaatract yung ngiti niya.

"E ano naman?! Bitawan mo nga ako!" pinipilit ko siyang bitawan ako.

"Kristin, just tell me na sinabi mo talaga yun, bibitawan kita." ang soft ng boses niya.

"E bitawan mo nga kasi ako!"

"Sabihin mo muna."

"Oo na! Oo na!"

"Anong 'Oo'?" nakangiti pa rin siya.

"You are attractive! Why do I have to state the obvious!?" sabi ko sa kanya.

Attractive naman talaga siya. Medyo nayabangan lang talaga ako nung una kaming nagmeet. Binitawan niya yung kamay ko tapos sumandal siya sa driver's seat.

"Kristin. Such a clever girl."

"Clever?" natatawa ako sa reaction niya. Kaya di ko napigilang ngumiti. Tumango naman siya, at may naisip akong idea!

Kikilitiin ko siya.

"Clever pala ha?" tapos sinundot ko yung gilid ng tiyan niya. Nakikiliti naman siya, ayan, namamatay na siya sa kakatawa.

"Haha, tama.. haha.. na! Hahahahahahahaha!" tinigil ko naman na tapos binuksan ko na yung pintuan ng kotse.

"O, san ka pupunta?" tanong niya, medyo hiningal pa sa kakatawa.

"Uuwi na ako. Bye!" Nagwave ako, ngumiti tapos sinarado yung pinto.

Maya-maya, nagvibrate phone ko, tinignan ko, nagtext si David.

From: David Yiu

Marami nang ngsasabi sakin na attractive  ako. Pero nung nanggaling sayo, iba pakiramdam. Ingat ka, Kristin.

Baliw talaga yung lalaking yun, ano bang ibig niyang sabihin?

Pabayaan ko na nga. Wala talagang magawang matino yun.

Saturday.

"Hi, Tita Sha, good morning." bati ko kay Tita Sha na nasa garden at nag-aayos ng halaman.

"Oh, KIMM, kumain ka na ba?"

"Yup. Bakit ikaw gumagawa niyan?"

"Wala lang. I'm just fond on making designs with these flowers.

"You seem to be good at it."

"Thanks." She smiled.

Moment of silence, inayos ni Tita yung mga flowers, yun na yata yung last batch ng flowers na inaayos niya. Galing talaga niyang magdesign. Pareho sila ni Mommy, kaso si Mom, sa fashion, si Tita naman sa flowers and buildings.

"Kamusta ka naman, KIMM?"

"I'm fine. I'm finally feeling great after everything." I smiled at her.

"That's good. Nakausap mo na ba Mom mo?"

"Yes, Tita, she called last night."

Please, RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon