Matutulog na ako.
Pero nasa isip ko pa rin si TJ. Sobrang sakit siguro ng naramdaman niya nun. Kung masakit para sa’kin, for sure doble para sa kanya.
Gumulong-gulong na ako sa kama ko pero wala pa rin..
..si TJ pa rin naiisip at nakikita ko.
Naktakip ako ng unan sa mukha tapos sumigaw ako.
(phone ringing)… Kuya Tim ü
“Hello, Kuya!”
Bigla akong nabuhayan ng loob ng nakita kong tumatawag si Kuya.
Good timing talaga siya, I need comfort.
“O, KIMM? Buti gising ka pa?”
“Di ako makatulog e.” nagpout ako kahit di niya nakikita.
“Wag mong sabihing jet lag pa din yan?!” narinig kong nagchuckle si Kuya.
Kinwento ko sa kanya yung tungkol sa mga nangyari kanina.
Lalo na yung kay TJ.
“KIMM, magpakita ka na sa kanya.” Utos sa’kin ni Timothy Montano.
“Hindi ko alam, Kuya. Baka magbreak-down ako pag nag-usap pa kami...
Saka masakit pa rin e.”
“Guilt nalang yang nararamdaman mo, KIMM. It’s no longer love. Just apologize to him, kung di ka niya mapatawad, so be it. At least ikaw ginawa mo yung part mo.”
“I don’t know, Kuya. I don’t know.” Sigh.
Next day at school,
LUNCH TIME…
Wala akong kasama, siyempre.
Hindi pa naman ako naggutom e, kaya magstay nalang ako dito sa garden.
I plug in my earphones and started read.
Nagulat nalang ako bigla ng may kumakaway na kamay sa harap ko malapit sa mukha.
Napatingin ako,
si David lang pala, may kasama siyang iba pa.
Isang babae, kamukhang kamukha niya.
Parang babaeng David lang. Tapos tatlo pang lalaki.
Gwapo silang lahat, mapuputi.
“Tara, Kristin, sama ka sa’min.” napa ano-saan-tayo-pupunta look nalang ako. Bigla akong hinila ni David at kinaladkad papunta sa…
“Music room?” napatanong nalang ako, at nagtawanan silang lima.
“Oo nga pala, Kristin, sila mga kaibigan ko.” Tinuro ni David mga kasama niya.
“Ito si Daine, my twin sister, our vocalist.”
Kaya pala magkamukha sila, kambal pala! Hahaha!
“Hi, Kristin.” Mala-anghel na bati ni Daine.
“Call me KIMM.” Sabi ko sa kanya tapos nagsmile ako.
“This is Dylan,” sabay turo sa lalaking sa may kanan ko,
“Dominic,” sa may kaliwa,
“and Drake.” Turo sa katabi ni Daine.
“Hi.” Sabay-sabay nilang sabi. With matching ngiti yan.
“Uhm, hi.” Napangiti din ako sa kanila at nahihiya.
“Ikaw pala si KIMM.” Sabi ni Drake, at nakipag shake-hands sa akin. Tumango ako at nakipagshake-hands din.
“Brother, she really is beautiful.” Narinig kong sabi ni Daine kay David.
“Oo nga Dave, ang ganda niya.” Kinuha naman ni Dylan kamay ko tapos hinalikan.
“Wait, so, aside from playing basketball, you do music?” tanong ko kay David.
Tumango naman siya at nag-okay sign sa akin.
“Ah, napakagifted mo naman pala.” Sabi ko nalang, at inikot ang mata ko sa ganda ng kwartong to.
May stage sa bandang harapan na makikita mo agad pagpasok mo ng pinto. Nandun mga musical instruments nila.
Nakapwesto si David sa may left side, bass guitar pala yung sa kanya. Tapos si Daine, sa harapan, piano and vocals. Si Dylan naman, acoustic guitar. Si dominic sa chimes, at si Drake sa drums. Bandang banda sila a. Tapos sa may bandang likod naman, may mini sala. Dalawang sofa, tapos may table sa gitna. May mga nakapost din sa wall na, posters nila.
If not mistaken, magkakaklase tong mga to eversince.
“So, Kristin, magp’perform na kami, tignan mo kung ayus ha?” sabi sa’kin ni David. They started playing.
--------------------------------
“Wow, you play very nice. Great, I mean.” Sabi ko sa kanila.
"Thanks!" sabi ni Daine sobrang laki ng ngiti. "But there's one thing we need to tell you."
"What? I'm invited to your gig?" I giggle, pero sila seryoso mga mukha.
"The thing is,
we're a private band,
you know, keeping our talents to ourselves." sabi ni Dylan.
"But why? Hindi dapat tinatago yang talent niyo." I protest.
"Well, things are complicated, believe me." I smiledatDominic after him uttering those words.
“But thank you for spending time with us, KIMM. Nice to meet you!” si Daine yan, it's time for classes na kasi.
Ang kulit kulit niya.
Pero yung kakulitan na maayos, hindi nakakapikon.
Nagbeso siya sa akin, tapos ayun pumasok na ako at nag-aral.
It was nice to meet all of them.
BINABASA MO ANG
Please, Remember
Teen FictionWhen everything ends up badly, things change a lot. Just like the way things went for KIMM. All she thought was about her being left out. Until one day came and everything went clear. Proceed to the Prologue. Continue to read it! Thank you! :)