Suddenly, my world stopped when I saw him.
Gusto kong tumakbo sa kanya tapos yakapin siya ng sobrang higpit. Kaso hindi ko nagawa nang may babaeng biglang yumakap sa kanya.
And I see the sparkle in his eyes.
He is happy.
He’s moved on from me.
Siya si TJ dela Vega, boyfriend ko na sobrang mahal ko, hanggang ngayon.
Hindi man lang kami nagkaro’n ng maayos na closure.
Maayos pa kami when we left for vacation sa States ni Kuya.
Since nandoon sila Mom and Dad we decided to spend our vacation there.
But after what happened to Dad, nawala lahat ng communications ko with my relatives, with my friends
and with him.
I wanted to be alone that time kaya hindi ako nagbukas ng kahit anong gadget ang meron ako para makapagcommunicate.
Hindi ko pinapansin sila Mommy and Kuya. I did not attend my Dad’s funeral, not even once, I found it so hard.
Lagi akong umiiyak nun.
Praying to GOD na sana ibalik Niya si Daddy. Pero never ko Siyang sinisi, because I know He has His plans.
After a month, bumisita si TJ sa bahay namin sa States.
And what have I done?
Tinaboy ko siya, nakipaghiwalay ako sa di malamang dahilan.
Nagalit pa nga sa’kin si Mommy at Kuya nun. TJ is a good guy.
He is the perfect guy to love. Nagmakaawa siya sa’kin nun, pero pinaalis ko lang siya.
NATAKOT NA KASI AKO, AKALA KO LAHAT NG MAHALAGA SA’KIN IIWAN AKO.
Hindi ko kaya, kaya ako yung nang-iwan sa kanila. TJ spent 2 weeks sa States taking care of me pero pilit ko pa rin siyang nilalayo sa akin. Until one day....
Flashback.. (2 months after Dad’s death.)
“KIMM, why do you keep on pushing me away?” umiiyak na si TJ.
I can’t feel my heart. Nalulunod na ako sa sakit na nararamdaman ko.
I lost Dad,
and now I’m losing the man I love.
Hindi ako sumagot, I’m trying to hide my tears from him.
I stared at him for a moment and I felt his pain. I don’t want to lose him pero alam ko lahat sila mawawala sa’kin kaya I tried my best para ako yung mang-iwan. Kasi naniniwala ako na kapag ako yung nang-iwan, hindi ako yung masasaktan.
“Alam mo kung gaano kita kamahal KIMM. Pero, kung yan ang makakapagpasaya sa’yo…”
No, TJ, don’t give up on me, please.
“KIMM, I give up. Di ko na kaya.
Masyado nang masakit dito.” Tinuro niya yung puso niya.
“Goodbye, KIMM.” Hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya at tinalikuran ako.
Reality
Umiiyak na ako ngayon kay Kuya, sobrang sikip ng nararamdaman ko. I try not to burst my tears away kasi aatakihin ako ng asthma ko.
“Oh, KIMM.” Yan nalang nasabi ni Kuya.
“Kristin?!” si Mommy, tumakbo papunta sa’kin tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Pinipigilan ko paring umiyak ng sobra kahit yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay doble doble. Kinwento ni Kuya lahat ng nangyari pagkatapos ay dinala na nila ako sa kotse. Si Kuya ang nagdrive, si Tita Sha sa tabi niya tapos si Mommy at ako nasa likod.
“Shhh, Honey.”
Umayos na ako ng upo at ngumiti. “Okay na po ako. Thanks Mom.” Ngumiti nalang din ang Mommy ko sa’kin at hindi na nagtanong pa.
Kinabukasan, sinubukan kong umarte a parang walang nangyari. I dreamt of Dad kagabi, hindi siya masaya pag nalulungkot ako. It doubles the pain kapag napapanaginipan ko si Dad. I greeted everyone ‘good morning’ then ate my breakfast, stayed in my room, lunch, room, dinner. And then my day ended.
***********
Ayan na. :D
BINABASA MO ANG
Please, Remember
Teen FictionWhen everything ends up badly, things change a lot. Just like the way things went for KIMM. All she thought was about her being left out. Until one day came and everything went clear. Proceed to the Prologue. Continue to read it! Thank you! :)