TPSW - 10

5.6K 185 10
                                    

[A/N: Dahil JaDine Day ngayon, at dahil second anniversary na ng fandom, ito na ang updaaaatteeeee. HAHAHAHA. Enjoy, guys. Mwaa.]

031516 - "And let me kiss you."
=======================================

"What are you doing there?"

"James, friendly date lang yun." paliwanag ko.

"At bakit nakaakbay siya sa'yo?" tanong niya.

"For Pete's sake. Bakit ka ba nagkakaganyan? Everyone doesn't know what's the really going on between us." inis na pahayag ko. He's getting on my nerves. Ugh.

"Just answer me." matigas niyang bitaw ng salita.

"Fine. Pinayagan ko siyang akbayan ako." sabi ko naman.

Tila lalo pa siyang nainis base sa itsura niya.

"Pinayagan? Nadine, you're married to me." salita niya.

"I know." sagot ko na lamang.

"Fck. Eh alam mo naman pala eh." sabi niya and punched the wall hard.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. At siya, pinapagalitan lang naman ako ngayon dito.

"Oo, alam ko. Pero wag mo naman sanang kalimutan na alam ko ring walang nakakaalam na kasal ako sa'yo." sigaw ko sa kanya at nagulat naman siya sa ginawa ko.

He, again, punched the wall harder. At ito ang nakapagpadugo ng kamao niya. Dahilan upang mataranta ako.

"Fck this life." sabi niya na lang.

"K-kunin ko lang yung first aid kit sa baba." sabi ko ngunit naunahan niya ako.

"No thank you. I can handle myself. Dun ka na sa Joseph mo." sabi niya at lumabas ng kwarto ko.

He's unbelievable. Siya ang may gusto ng ganitong set-up. Tapos papagalitan niya ako kapag nakita niya akong inaakbayan ng lalaki? He is really unbelievable. Siya nga, wala akong pake kung makipaghalikan pa siya kung saan-saan eh.

Hinayaan ko na lamang siya. Nagbasa na lang ako ng libro. Hays. I need my stress reliever.

***

Halos dalawang oras na rin ako dito sa kwarto at nagbabasa ng libro. I looked at the time at napag-alaman kong 11:00 PM na pala. I haven't eaten my dinner. Ugh. Gutom na ako.

Bumaba na lang ako at naghanap ng makakain.

Sakto, may left over pizza pa sa ref. Ininit ko na lang ito sa microwave.

Habang hinihintay ang pizza ko, nagbukas ako ng TV.

Hays. Wala namang matinong palabas eh.

Pinatay ko na lamang ang TV at pumunta sa kusina para icheck ang pizza ko.

Tapos na. Nilagay ko na ang pizza ko sa pinggan at umakyat na. Sa kwarto ko na lang ito kakainin.

The Playboy's Secret Wife [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon