[A/N: At dahil nagloko si WiFi, ngayon lang nakaupdate. Hehe. Enjoy, readerssss.]041416 - "Superman got nothing on me."
=============================================2 MONTHS AFTER
Dalawang buwan na ang nakalipas. At naging matagumpay din ang career ko. I continued on being a model, ganun na rin si James. In fact, we both signed a contract under an artist agency. Specifically, Viva Artist Agency.
I don't know what happened to Ericka. Ang alam ko lang ay sila ang partners kapag may projects si James in modeling and endorsements. Hayaan niyo na siya. HAHAHA.
Ngayon? Kami na ni James. Uy. Hindi yung kami ah. Kami yung partners. HAHAHA. May major project nga kami eh.
It is a movie called Para Sa Hopeless Romantic.
Syempre, we accepted the project. Big step na rin 'to for our careers. We even had a loveteam already. It is called JaDine. Pronounced as Jey-Din. Hindi Jah-Din. Okay? HAHAHA.
Relationship status namin ni James? It's complicated. HAHAHA. Well, the last time I knew, sinasabi niyang mahal niya ako. Pero he is not really courting me either. MU? HAHAHA. Siguro.
Speaking of Para Sa Hopeless Romantic, patapos na kami sa pagshoot ng movie. All in all, naenjoy ko naman. At syempre, dahil may movie kami, di mawawala ang mall shows.
Nandito ako ngayon sa Market Market. We're gonna be performing for our fans. Actually, kinakabahan nga ako eh.
"Please welcome, Nadine Lustre." sabi ng emcee.
Lumabas naman ako sa backstage at nagplay na ang kanta ko.
I still can't believe na nangyayare ito ngayon sa akin. Dati, pinapangarap ko lang na magkaroon ng sariling album and such, and now, may sariling kanta at music video na ako. Oh my gosh.
I am on cloud nine.
***
"Hi, everyone." masiglang bati ko sa fans pagkatapos kong kumanta. Hindi ko nga ineexpect na halos mapuno itong grounds ng mall. Pati yung spaces sa second floor hanggang fourth floor, halos mapuno rin.
"We love you, Nadine Lustre." sigaw ng fans ko. Oh diba. May sarili na akong fan base. HAHAHA.
"I love you too." sabi ko pabalik sa kanila at nagsigawan naman sila.
"Hindi ko na ito patatagalin pa. Alam kong excited na kayong makita siya. Kaya let's all welcome, James Reid." pagpapakilala ko kay James at lalo namang lumakas ang sigawan nila.
Lumabas naman si James from the backstage at nanatili naman ako sa gilid, pinapanood siya.
Pagkatapos kumanta ni James ay nagduet naman kami.
After naming magduet ay nakipagkwentuhan naman kami sa emcee.
"Okay. So ngayon, may mga fans tayo na gustong magtanong sa inyo, James and Nadine. Okay lang ba?" tanong ng emcee at ngumiti na lang kami ni James.
Maya-maya may isang babaeng nagtanong sa amin. Sa itsura niya, siguro fifteen pa lang siya.
"Ano po ba ang relationship status niyo ni James?"
Uhm. Hindi naman ako naorient na may mga ganitong tanong pala.
Dahil hindi ako makasagot, si James na ang sumagot.
"We're getting to know each other. We're friends." sabi niya pa sabay ngiti.
Parang kumirot ang puso ko. Friends? Hanggang dun na lang ba talaga kami? Magiging secret wife na lang ba ako? Hays.
"Oh. Friends nga lang ba? Nako, James ah." biro ng emcee at napachuckle naman si James. Ngumiti na lang ako ng peke.
I can't hide the bitterness.
Maya-maya, may isa namang group of people na nagtanong. Squad ata sila. I guess, base sa dala nilang tarp, they are called Team Careless. HAHAHA. I don't know na may squad palang ganun sa fans namin. Ang cute nilang tignan. Mga fangirls at fanboys na nakakarelate sa isa't isa.
"May chance po bang maging kayo?" sabay sabay na tanong nila.
Pero angat yung boses nung babaeng nakacheckered black and white polo and shorts with matching black Vans. Siya yung may hawak ng mic eh. HAHAHA.
Ang unfair naman kung si James palagi yung sumagot ng tanong kaya nagsalita na rin ako.
"We might not know diba. Hehe. M-maybe." kinakabahang sagot ko pa.
Dahil sa sagot ko, naghiyawan pa lalo ang fans.
May isa namang babaeng sumigaw.
"SHOW YOUR ABS! SHOW YOUR ABS!"
At dahil sa sigaw niya, nagsunuran na rin sa pagsigaw ang lahat.
Which leaves me laughing. HAHAHAHA. Gusto nilang makita ang abs ni James.
"Oh, James. Show your abs daw oh." sabi pa nung emcee habang natatawa na kinikilig.
It leaves James with no choice. Tinaas na niya ang shirt niya at nareveal ang kanyang oh-so-hot na abs. HAHAHA.
***
Naka-uwi na kami sa bahay.
Hays. Nakakapagod.
Nakita ko naman si James na naghubad ng shirt at nilagay sa laundry tsaka nagpunta sa kwarto niya.
Good thing nakakain na kami ng dinner.
I never thought this industry can be very very busy. Ugh. Sumasakit na ulo ko.
"Nadine." narinig kong tawag ni James.
Agad naman akong pumunta sa kwarto niya.
"I'm sorry." sabi niya.
Huh? Sorry? Para saan naman?
"Para saan?" tanong ko.
"Sorry kasi, kung hindi kita isinama sa TVC shoot two months ago, di ka sana ganito. Araw-araw pagod ka. Sorry talaga." sabi niya at yumuko pa.
Aw. Sweet. HAHAHA. Kinikilig ak— este hindi. Shocks. Get your shits together, Lustre.
"H-ha? Wala yun. Okay lang. Gusto ko rin naman ang ginagawa ko. Tsaka ayaw mo nun, pareho na tayong pagod. HAHAHA." biro ko pa sa kanya sabay tawa.
"Kaya nga ayaw ko eh." sabi niya pa sabay pout.
"Wag ka ngang magpout." sabi ko pero binalewala niya lang iyon.
"Ayaw kong napapagod ka." seductive na sabi niya.
Uh oh. Mukhang may pinaplano na naman si Mr. Reid ah. Shocks. Mukhang hindi ko magugutuhan 'tong gagawin niya.
"B-bakit n-naman?" nauutal na tanong ko sa kanya.
Teka. Ang init. Huhu. Bukas naman yung aircon dito sa kaarto ni James ah? Bakit ang init? Huhuhu.
"Eh kasi pag-uwi ko, dapat papagurin pa kita. Kaso pagod ka na eh." sabi niya pa sabay wink.
Uh oh. Ano na naman ang iniisip mo, Robert James Reid?
==================================================[A/N: Ano kaya ang iniisip ni Mr. Reid? Nako. HAHAHA. Kayo na po ang bahalang mag-isip kung ano ang naiisip na gawin ni James. It is up to you, readers. HAHAHA.
Anyways, shoutout sa Team Careless. Solid kayo, guys. Comeback na kasi tayo. HAHAHA.]
BINABASA MO ANG
The Playboy's Secret Wife [JaDine]
FanfictionNakulong ako sa isang kasunduan. Kasunduang, tuluyang sumira ng buhay ko. When he came, my whole world changed. Nainlove ako sa kanya. Pero hindi niya ako mahal. Loyal ako sa kanya. Pero nambababae siya. Masakit isiping, one sided lang ang lahat. Ma...