TPSW - 30

3.7K 85 19
                                    

122816 - "Road to infinity."
=============================================

NADINE'S POV

"Anong oras na po, Ate Mei?" tanong ko. Naaalala niyo pa ba si Ate Mei? Yung assistant kong napakathoughtful. HAHAHA. Yes, kasama ko siya ngayon.

"Alas dos y media na, Baby Girl." sagot niya sa akin.

"Tara na po." aya ko sa kanya at sumunod naman siya sa akin.

Nanatili na lamang siya sa gilid habang patuloy naman ako sa pagpunta sa malaking sofa dito sa harapan ng mga media personnel at camera men.

"So, let's start the press con." saad ko.

Yes. Nakalabas na rin pala ako ng ospital. Nung isang araw pa. Dapat nga nung isang isang araw pa ako nakalabas eh. Kaya lang ang OA masyado ni James. Tsk.

May isang reporter naman na nagsalita.

"Miss Nadine, is it really true? That you are married to Mr. Reid?"

I genuinely smiled.

"Yes."

Tila nagulat ang iba sa aking sinabi. Alam kong alam na nilang maaaring totoo ang kumakalat na balita, pero bakit ganito pa rin ang mga reaksyon nila?

Naramdaman ko namang hinawakan ni James ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Napangiti naman ako sa kanya.

"H-how long is your secret relationship?" tanong ng isa pang media personnel.

Si James ang sumagot sa tanong.

"Since, last year? Almost one year. Yeah."

"Huh? Pero wala pa kayong isang taon sa industriya." salita ng isa pang media personnel.

"Well, yes. It's because, bago pa man ako sumabak dito, kami na talaga ni James. Model pa lang siya ng Bench, kasal na kami." sagot ko.

"H-how did it happen?" nalilitong tanong nila sa aming dalawa.

"It's quite a long story." sagot ko ulit.

"But to make the story short, it all started with an arranged marriage." dugtong ni James.

"Arrang marriage? Uso pa pala ang mga iyon?" sabat ng isang lalaking reporter.

"Unfortunately, yes. Pero I should be thankful. Nakilala ko si Nadine." sabi ni James na siyang nagpakilig sa mga taong naririto ngayon.

"Kilala si James bilang isang playboy noon. Anong masasabi mo rito, Miss Nadine?" singit ng isang babaeng reporter.

"Well, we actually fight sometimes because of that. But he already changed, diba, James?" tanong ko sa katabi ko.

Nagwink na lamang siya sa akin ang mouthed 'I love you'.

Siniko oo naman siya dahil sa kilig na dinulot niya.

The Playboy's Secret Wife [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon