TPSW - 08

5.4K 188 12
                                    

031316 - "Love is hard to keep."
========================================

"Pumunta po kayo sa *** Police Station. Nandito po si Mr. Reid."

WHAAAAATTT? Ano daw? Bakit nandun si James?

"P-po? S-sige po. Papunta na po."

Utal kong sagot dun sa kausap ko. Malay ko ba kung nakapatay yang si James or ano. Huhu. Di kaya napatay niya si Ericka? Aish. Ano ba yan. Kung ano ano naiisip ko. Bakit ba niya papatayin si Ericka? Eh kahalikan niya nga dun sa Valkyrie kanina diba? Hays.

"Earth to Nadine please. Earth to Nadine."

"Huh?" takang tanong ko. May nagawa ba ako?

"Excuse me lang ah. Kanina pa kasi kita tinatanong eh. Sino ba yung kausap mo?" tanong pabalik ni Yassi.

Teka. Natulala ako? Shemay.

"U-uh, a-ano daw, pumunta daw tayo sa *** Police Station." sabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit daw?" tanong niya ulit.

"Nandun daw si James eh. Malay ko kung ano na namang ginawa nung babaerong yun."

"Oh? Eh tara na." sabi niya na lang sabay hila sa akin palabas ng condo niya at papunta sa kanyang kotse sa may parking lot ng building.

"Hey. Masakit ah. Dahan dahan lang. Yung braso ko. Huhu." reklamo ko pagkasakay sa kotse niya.

"Psh. Sorry na, okay." sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

After ng ilang minutes, nakarating na rin kami.

Nakita ko si James na nakaupo malapit sa police desk. Lasing na lasing. Hays. Ano ba yan.

"Hello po. Ako po si Nadine Lustre. Yung asaw— kaibigan po ni James." sabi ko dun sa chief sabay turo kay James na lasing.

Gosh, muntik na akong madulas. Bawal nga palang malaman na asawa niya ako. Psh. Kesyo masisira daw yung image niya sa pagiging model. Arte. Hah. As if namang gusto ko ring ipakilala siya bilang asawa ko.

Enough of talking na nga. Let's end this mess.

"Good evening po, Ma'am." bati niya sa akin.

"Ito po kasing kaibigan niyo, eh nakabangga. Hindi naman po malaki yung damage. Wala rin naman pong nasaktan. Bale, ang kailangan lang po nung nabangga eh pambayad dun sa damage sa kotse niya." paliwanag ni chief.

Hay nako. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.

"Magkano po ba?" tanong ko.

"Siguro aabot po sa seven thousand, Ma'am." sagot niya.

The ef. Paalala niyo sa akin na may utang 'tong seven thousand sa'kin paggising niya ha.

Binigay ko na yung pera sa police officer at naayos ko na rin yung gulo. Nagsorry na rin ako dun sa may ari ng kotseng nabangga ni James.

Papunta na ako kay Yassi nang may narinig akong tumawag sa kanya.

"Babe?"

Huh? Babe daw?

"Bret!" gulat na tawag ni Yassi dun sa lalaki.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nung lalaki.

Teka. Ano ba siya ng bestfriend ko?

"Uhm. Excuse me lang ha. Sino ka ba sa buhay ng bestfriend ko?" pang-iinterrupt ko sa kanila.

The Playboy's Secret Wife [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon