EPILOGUE - Part 1

3.8K 70 8
                                    

[HAPPY NEW YEAR! 💜]

123116 - "Nothing can come between you and I."
===================================================

NADINE'S POV

"Hoy, umayos nga kayo. Malapit ng magising si Nadine kaya kailangan matapos ko na 'tong ginagawa ko."

"Psh. Oo na, hindi na ako manggugulo. Lagot pa tayo kay boss kapag hindi natin natapos yan eh."

"Shh. Just don't talk, please."

"Oh, ayan na. Konti na lang talaga matatapos na."

Ang dami kong naririnig na boses pero half awake pa lang ako. Ano bang nangyayari? Bakit parang gumagalaw ako? Gumagalaw kami? Teka, parang may dumadampi sa mukha ko? Huh? Ang weird? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

"Tadah! Tapos na! Phew! Ang hirap magmake up habang umaandar yung kotse ah." rinig kong salita ng isang tao.

Teka, boses babae ah? Parang boses ni...

Idinilat ko ang aking mga mata.

"YASSI?" gulat na tanong ko.

"Oh, gising ka na pala." sabi niya sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng van na sinasakyan namin.

"BRET? JOSEPH?" gulat na sambit ko rin.

"Hi, Naddie." bati naman sa akin ni Bret.

"You still remember me?" tanong ni Joseph.

"Of course I do. I still remember you." sagot ko sa kanya.

"Teka, bakit mo ba ako nilagyan ng make up tsaka bakit nakakulot yung buhok ko? Tapos nakagown ka pa. Tapos si Bret tsaka si Joseph, nakatuxedo pa. Anong meron? May ikakasal ba?" puna ko sa ginawa ni Yassi sa'kin.

Syempre, walang duda, si Yassi ang gumawa. Siya lang babae dito eh. Alangan namang si Bret o si Joseph diba? Aish. Nakuha ko pang mamilosopo eh.

"Eh kung tinitignan mo kaya yung suot mo, girl 'no? Para naman malaman mo kung saan tayo papunta." salita niya.

Napatingin naman ako sa suot ko.

WHAAAAAAT?

"T-teka. Bakit ako nakasuot nito?" tanong ko sa kanila.

Napatawa naman sila.

"Kasal mo, Naddie." sagot ni Bret.

K-kasal ko?

K-kaya ba ako nakawedding gown?

"K-kanino?" utal na tanong ko.

Kung natawa sila kanina, mas natawa sila sa tanong ko ngayon.

"Ano ba! Hindi ako ikakasal kung hindi si James ang groom! Itigil niyo na yung sasakyan! Bababa ako." inis na salita ko ulit.

"Teka nga. Tatawagan ko yung groom mo." natatawa pa ring sabi ni Yassi sabay kuha sa cellphone niya.

"Hello?" bati niya.

Niloud speaker niya pa para marinig naming lahat.

"Pressman? Where the hell are you? Kanina pa ako naghihintay rito. Si Nadine? Is she already awake?" rinig kong sagot nung nasa kabilang linya.

Teka. Parang pamilyar yung boses.

"Gising na. Gising na gising na." sagot ni Yassi.

"Better. Asan na ba kayo? I'm waiting." inis na pahayag ng nasa kabilang linya.

"Malapit-lapit na rin. Kaya lang sabi ni Nadine, hindi daw siya magpapakasal sa'yo." sabi ni Yassi.

Napasalita naman ako.

"Oo nga! Hindi ako magpapakasal kung hindi si James ang groom! Loyal ako sa Love ko 'no." sabat ko.

Natawa naman sila. Pati ang tao sa kabilang linya ay tumawa rin.

"Love, it's me." rinig kong salita ng nasa kabilang linya.

What?

"J-james?" tanong ko.

"Yeah?" sagot niya.

"A-akala ko kas—"

He cut me off.

"Hush now, Love. Now go get yourself here and marry me, okay?" salita niya sa akin.

Tumango naman ako na para bang nakikita niya ako.

"I will wait for you." sabi niya.

"I love you." pahabol ko.

"Stop saying I love you, Naddie. I just need one single answer from you right now." he said to me.

"Ano yun?" curious na tanong ko naman sa kanya.

"Your I do." mabilis na sagot niya.

"Stop making me blush!" sermon ko sa kabilang linya.

Nagtawanan naman ulit silang lahat including James.

"James, ibababa ko na. We're already there." putol ni Yassi.

"Sure, sure." sagot ni James.

"Bye. I'll hung up na." said Yas.

"Wait. I have a word for Joseph, though." pahabol pa ni James.

"What is it, Dude?" asked Joseph.

"Better luck next time, Dude. Nadine's mine." biro ni James.

Napangiti naman si Joseph sa sinabi ni James.

"I know already, Dude. Besides, there is this girl that I've been eyeing for quite a while now." revealed Joseph.

Napasinghap naman kaming lahat.

"Whoah. You didn't tell me that, Seph." salita ko.

"Good for you, Dude. Hung up na. I can see the van from here." sabi niya.

And Yassi ended the call.

Tama nga si James. We are here.
==============================================================

[A/N: And because it's the last day of 2016, I had to update the part oneeee! This is short though. But I promise to write part two as soon as my term paper's done. Ugh. Term paper sucks. Huhu. Anyways, thank you for reading, and commenting, and voting! Love you a lot, guysss. 😘💕]

The Playboy's Secret Wife [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon