Jose Marie Viceral. Isang CEO, siya ang may hawak ng sikat na malls at hotels sa Pilipinas ganon din sa ibang bansa.
Maraming takot sa kanya. Wala pa ni isa sa mga employees niya ang nakita na siyang tumawa o ngumit man lang. Lagi siyang seryoso lalo na pagdating sa business. Naranasan niya na ang maghirap noon kaya tumatak sa isip niya na hindi niya na mararanasang maghirap ulit.
Pero kahit naman halos lahat ng empleyado niya ay takot sa kanya, hindi pa din mawawala ang usap usapan na bakla daw ang boss nila. Bakit? Kung madalang ngumiti si "Vice" ,that's what he wants to be called, mas madalang makihalubilo si Vice sa mga babae.
Wala siyang dinadala na kahit sinong girlfriend sa opisina niya. Although paminsan minsan ay may lumalabas na picture sa dyaryo at tv na may kasama siyang mga babae. Usually yung mga pictures ay kuha sa loob ng bars kaya madilim at hindi gaanong kita ang muha ng mga babaeng kasama niya.
Andyan na si sir
Tara na, dali
Nagmadali ang mga empleyado na magsibalikan sa mga trabaho nila ng makitang dumating na ang boss nila.
At tulad ng halos araw araw nitong itsura, naka poker face nanaman ito. Kasama niyang pumasok ang dalawa niyang kaibigan. Hindi naman malaman ng iba kung pa'nong may kaibigan pa ang boss nila, samantalang ubod ng sungit at sobrang suplado ng boss nila.
Agad na pumasok ang tatlo sa elevator, and with that nakahinga na ng maluwag ang mga tao sa lobby.
==========
Vhong's POV
Agad kong naramdaman ang tension sa loob ng opisina the moment we...well Vice arrived.
Iba talaga ang aura ng lalaking 'to. Pa'no nga ba namin nakilala ni Billy 'to?
Ah oo nga pala. Kami ang unang lumapit sa kanya. College friends kami, lagi kasi siyang mag-isa kaya nilapitan namin siya. Nalaman namin na wala siyang pamilya, pinag-aaral niya sarili niya.
Hindi namin alam kung pa'no niya nagawa 'yon dahil one of the finest schools dito sa Pinas ang school namin.
"Brad grabe naman yung entrance mo hahaha. Kulang na lang maihi sa takot mga empleyado mo sa'yo."
"Oo nga kuys, ngiti ngiti din pag may time." Billy. isa sa mga kabarkada namin. Bestfriend ni Vice. Parehas kaming nagtatrabaho sa company ni Vice. Parehas lang din naman na close kami, pero mas malapit siya kay Billy.
"Wala ba kayong trabaho at hanggang dito nanggugulo pa kayo?" Pasungit na sabi ni Vice samin. Pero matagal na namin siyang kabisado, kung ang iba agad na lalabas, hindi kami. Prenteng nakaupo kami ni Billy sa couch sa loob ng opisina ni Vice na halos walang pakialam.
"Mamaya pa ang mga meeting namin. Relax lang muna bestie." Billy "Tsaka bestie" Lumingon naman si Vice pwesto namin. "Wala ka nanaman bang P.A?" Tinignan ko naman si Vice. Nagkibit balikat lang siya. Putcha! 1 linggo pa lang nakakalipas simula nung huli namin siyang hanapan ng assistant ah, wala nanaman?
BINABASA MO ANG
Possessive (ViceRylle)
FanfictionVicerylle story. Can vice help karylle get past the things done to her before she even met him. Ano kaya mangyayari sa kanilang dalawa?