Karylle felt relaxed since hindi din naman siya pinipilit magkwento nila Billy at Vhong.
"I ran away from home." Panimula ni Karylle kaya naman napatingin ang tatlo niya pang kasama sa kanya.
Napakunot naman ang noo nila Vhong dahil sa narinig. inantay nilang ituloy ni Karylle ang sasabihin niya.
"Ang family business namin is minamanage ng both parents ko. Resthouses, condo's and apartments sa buong Pinas. Pinag-aral nila kami ng mga kapatid ko ng business para kahit papano ay kami na ang susunod na hahawak ng company after nila. Last year they trained me and my sisters sa office mismo. We were happy then kasi may tiwala ang parents namin kasi hinahayaan nila kaming mapresent sa ilang mga meetings."
K was staring blankly while smiling habang kinukwento niya ang mga nangyari sa family nila before.
They saw her smile sadly, but it also faded when she continued her story.
"Masaya naman kami pero nagabago yun ng sinabi ng dad namin na isa sa amin kailangan magpakasal kay Stavros Delgado."
Pagkarinig naman ni Vhong ng pangalan ay hindi na niya kinayang hindi magsalita. "Stavros Delgado? Yung taga New York na business man?"
Tumango naman si Karylle bilang sagot. "Kilala mo siya?"
Pamilyar si Billy sa lalaking sinasabi ni Karylle. "I met him once sa isa sa mga seminar na pinaattend ni Vice sa New York. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ng paligid niya. Hindi ko na siya kinausap about sa business, hindi ko talaga gusto yung pakiramdam niya."
"Hmmm. Hindi din naman namin gusto, pero gusto ni dad na lumago pa yung business kaya isa sa amin kailangan magpakasal. I saw how he looked at my sisters at hindi ko nagustuhan yon. I did background checks on him, pinaimbestigahan ko din siya. Pero most of his files are blacked out kaya wala akong nakuhang information. Ako ang tumanggap ng kasal dahil natatakot ako para sa mga kapatid ko. He took me out like the usual things na ginagawa para makilala ang isa't isa. Pero hindi ko alam na may tinatago siyang personalidad, I couldn't take it, kaya the night before the wedding, I left. And then I met Anne."
Manghang nakatingin naman ang magkaibigan. Hindi nila alam pero parang ang saklap ng nangyari kay Karylle. Her life was perfect before, but now, she was close to nothing. Buti na lang at may kaibigan itong nakilala.
"K." Anne gave Karylle a reassuring smile. K smiled back showing Anne she was fine.
"Okay now that's really a sudden change in someones life." Manghang sabi naman ni Vhong. "Hindi ka man lang ba hinahanap ng family or relatives mo, or kahit at least friends mo man lang?"
"Well siguro hinahanap, pero natatakot kasi ako na baka kapag nakita na nila ako pilitin nila ulit akong ipakasal sa lalaking yun." Nahihirapang sabi naman ni Karylle.
Nagpatuloy naman si Karylle sa pagkukwento niya tungkol sa mga nangyari sa kanya.
"Does your parents know about that? I mean bakit ka pa nila pipiliting magpakasal?! Aren't they scared for you?" alalang sabi naman ni Vhong.
Hindi na napigilan ni Karylle ang maiyak. Hindi pa din niya kaya alalahanin ang mga nangyari noon sa kanya. Bad things were done to her, pero kahit ganon ang nangyayari, hindi pa din niya magawang sabihin sa pamilya niya. "They don't know anything. Ang alam lang nila, isa syang mayamang business man na makakatulong palaguin ang negosyo namin. He threatened me na kapag nalaman nila ang ginagawa niya sa'kin, he'd hurt them."
Agad namang nilapitan ni Anne ang kaibigan para pakalmahin. Hindi niya kayang makita si Karylle na nasasaktan ulit.
Natatakot din ang dalaga na baka dahil sa inaalala nito ang nakaraan, bigla na lang bumalik sa dati ang kaibigan niya. Mahabang panahon ang hinintay ni Anne para magtiwala sa kanya si Karylle, sana lang hindi maging mailap ulit si Karylle sa kanya.
Karylle hugged Anne back. knowing that she really needs a friend right now.
Nagkatinginan naman si Vhong at Billy. They have no idea kung pa'no nila pagagaanin ang nararamdaman ni Karylle dahil kahit sila ay bigat na bigat sa nalaman.
Medyo tumahan na si Karylle kaya nagawa na niyang tignan ulit sila Vhong. Nang makita naman ni Vhong na nakatingin si Karylle sa kanila, nginitian niya ito. "Don't worry K, nandito lang kami ni kuys sa tabi niyong dalawa." Tinapik naman ni Vhong si Billy sa balikat. "Diba kuys?"
"Oo naman! That's what friends are for diba? Tsaka sobrang namiss kaya namin si Anning, wala na kasing maingay samin eh hahaha" Billy gave her a heart warming smile kaya naman gumaan lalo ang pakiramdam ni Karylle.
Agad namang umangal si Anne. "Hey! Hindi lang kaya ako ang mabunganga sa atin. Kayo din kaya hahaha."
Hindi na ulit nagtanong sila Billy about sa kwento ni Karylle dahil baka mawala pa sa mood ito. Instead nagkwento na lang sila about sa mga nangyari noong college sila. While si Anne naman kinwento ang mga kalokohan nila Billy at Vhong noong highschool pa ito.
"Guys?" panimula ni Anne. "I have a question about sa boss. Masungit ba siya? Suplado? I mean what is he like?" Nagkatinginan naman ang dalawa at binigyan ng nakakalokong ngiti nag mga kasama. "Oh boy."
"Why? Anong meron?" Karylle asked Anne dahil nagtaka ito sa reaksyon ng kaibigan. Wala pa namang sagot ang dalawa pa nilang kasama pero agad itong nag react.
"Naku K, knowing these two for years, alam ko na ang sagot sa ngiti pa lang na binibigay nila." Anne
"And?"
"Looks like we're in for a challenge K."
Napalunok naman si K dahil sa sinabi ni Anne na siyang nagpatawa naman kila Billy.
BINABASA MO ANG
Possessive (ViceRylle)
FanfictionVicerylle story. Can vice help karylle get past the things done to her before she even met him. Ano kaya mangyayari sa kanilang dalawa?