At dahil sa natuwa ako sa tweet convo niyo kahapon, here's a short update. Sorry kung bitin, ayoko kasi ng masyadong mahaba,baka magsawa. Kung mangungulit po kayo for update pakikulit na lang yung nagpromote sa twitter. Salamats! :p
---------
Hatak hatak ni Vice sa pulsuhan si Karylle. Nasa loob na sila ng office ni Vice, alam din naman nilang nakasunod sa kanila si Billy.
"What the hell just happened?!" Napapitlag naman si Karylle dahil sa pagsigaw ng boss niya. "Paano nangyari na may meeting?! In the first place wala ako do'n! Hindi niyo alam kung gaano ko katagal pinagplanuhan ang meeting na 'to! Paano na lang kung hindi pumirma si Sevilla!"
Hindi naman na makaimik si Karylle dahil sa takot. Hindi pa din siya sanay na sinisigawan siya, dahil para sa kanya ang kasunod ng pagsigaw ay ang pananakit na. Bigla naman siyang nanginig dahil sa takot na nararamdaman.
Nakita naman ni Billy ang reksyon ni Karylle kaya agad niya 'tong nilapitan. "K relax, wala kang kasalanan. He should thank you, kung hindi dahil sa'yo baka walang pirmahan na nangyari."
Karylle bowed her head low to avoid eye contact, her hands clasped together. Isa sa mga gawain niya kabang kinakabahan siya. Hindi niya kayang tignan ang boss niya sa ngayon.
"Vice would you relax!" Billy
Agad namang napatingin sa kanila si Vice. "Relax?! Pa'no ako magrerelax?! You guys blew off a contract worth billions!"
Dahil sa inis hindi na napigilan ni Billy ang sarili niya. Itinapon niya sa harap ni Vice ang folder na naglalaman ng kontrata. "Dakdak ka ng dakdak, hindi ka man lang marunong makinig! Yung taong pinapagalitan mo ngayon ang dahilan kung bakit pumirma si Mr. Sevilla. Kung wala siya wala kang aabutang investor dahil una sa lahat wala kahit anino mo ang nakita sa meeting na 'yon!"
Matapos magsalita ni Billy inakbayan niya si Karylle at lumabas na ng opisina.
Hila hila pa din ni Billy si Karylle habang naglalakad sila papunta sa station ni Anne. Nakita naman nila na nag-uusap si Anne at Vhong.
More like nag-aaway.
Medyo malapit na sila ng mapansin sila ni Anne. Agad namang napatigil si Anne ng makita niya si Karylle.
"Hey anong nangyari? Ba't ganyan ang itsura mo K?" nag-aalalang tanong ni Anne.
Hindi naman na binigyan ni Billy si Karylle ng pagkakataong magsalita. "Why don't we all take a coffee break. Medyo stressed ako kay Vice, and ayoko muna siyang makita."
Nagtataka man sila pero sumunod na lang sila kay Billy ng maglakad ito palabas ng opisina.
.
.
.
"Okay, so ano ba talaga ang meron. Okay naman kayong dalawa kanina, ngayon naman mukha kang kinaladkad ng sampung kabayo while K looks like she saw a ghost." Vhong
"Parang ganon na nga. Hindi man kabayo mismo ang problema ko pero kamag-anak, kaya close enough." Billy
Natawa naman si Vhong at Anne sa sinabi ni Billy, pero si K hanggang ngayon nakayuko pa din at nakatitig lang sa SB coffee na inorder nila kanina.
"Hoy bully boy!" Binato naman ni Anne si Billy ng tissue
"Ano ba yan Anne! Makabato naman! Pwe! Basa kaya yun pwe!" Billy
"Ay sorry sorry hahaha. Kasi naman eh, ano ba kasi nangyari sa inyo? Both of you are weird. Did something bad happen?" Anne
BINABASA MO ANG
Possessive (ViceRylle)
FanfictionVicerylle story. Can vice help karylle get past the things done to her before she even met him. Ano kaya mangyayari sa kanilang dalawa?