Mental block ako ngayon, hindi ko alam kung dahil sa hindi ko maisulat yung naiisip ko or dahil sa pulit ulit na pinapanuod kong video si Mommy K kagabi.
Hay naku bahala na. Hope you guys enjoy this chap. Feel free to comment what you think. Enjoy!
-------
I decided na maaga akong pupuntang opisina ngayon. Hindi ko din maiwasan mag-isip kung pa'no ako pakikisamahan ni Karylle pagkatapos ng mangyari kahapon. Yeah I learned her name. Pinahanap ko sa HR ang file niya, medyo nagtataka ako kung anong ginagawa ng isang college grad sa isang coffee shop.
Nang makarating ako sa office wala pa ang secretarya ko, kaya inasikaso ko na lang ang papeles na naiwan ng umalis ako ng bansa.
Masyado ata akong nadala sa trabaho hindi ko namalayan ang oras. Nagulat na lang ako ng naglapag ng kape sa harap ko. I secretly smiled with that. Siguro hindi galit si Karylle that's why she brought me coffee.
I was about to say thank you, pero nang iangat ko ang ulo ko I was surprised na hindi siya ang nakita ko, kundi si Myra.
I just gave her a small nod at lumabas na siya ng opisina ko. Saktong pagkalabas naman niya ay pumasok ang secretary ni Billy na si Amber. I just watched her as she set her things down on Karylle's table.
"What are you doing here? Bakit ikaw ang nandito? Asan si Karylle?"
"Sir sabi po si Sir Billy na magpapalit daw po kami ng pwesto ni Karylle. I'll be your PA from now on, and Karylle would be sir Billy's secretary." Inayos niya ang gamit niya at umupo na sa table ni Karylle.
Hell no!
Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako na kinuha ni Billy ang secretary ko. She's mine, and I don't intend on sharing her to anyone. Wala din may karapatan kunin ang pwesto niya.
Agad akong tumayo at pumunta sa opisina ni Billy. I saw her holding a folder and standing beside Billy. Mas lalo naman akong nainis dahil nakikita kong masaya siya kapag kasama si Billy.
"Vice? May kailangan ka ba?" tanong ni Billy. Tumigil naman si Karylle sa ginagawa niya at tumingin din sa'kin, pero mabilis din naman siyang nagbawi ng tingin.
Hindi na ako nagsalita at agad na nilapitan si Karylle. Nakatalikod siya nakaharap sa file cabinet sa tabi ni Billy kaya malamang nagulat ito ng maramdamang hinihila ko na siya palabas ng opisina ng kaibigan ko.
"Hey let me go! Aray! Ano ba bitawan mo nga ko!"
"Vice dahan dahan naman nasasaktan mo na si K."
.
.
.
"Get out." Sabi ko sa secretary ni Billy na nakaupo sa pwesto ni K.
"Pero sir-"
"I said get out!" naramdaman kong nagulat din si K kaya hingpitan ko pa ang hawak ko sa kanya. Dali dali din naman umalisa sa opisina ko yung babae.
I locked the door at hinila si K sa harap ng desk ko, tsaka ko lang siya binitawan. Dumiretso naman ako sa swivel chair ko at hinilot ang sintido ko.
Why am I feeling like this. Hindi naman ako ganito noon. Wala akong pake kung sino ang ibigay nila Vhong na maging PA ko basta magawa nila yung trabaho nila ng maayos, pero with K it's different, very different.
"Sir may kailangan po ba kayo? Baka po kasi kailangan na ako ni Bi- Sir Billy." I scoffed, so first name basis na sila ngayon?
"Ms. Tatlonghari, ako ang boss mo at hindi si Billy. Pumunta ka na sa pwesto mo at ayusin mo ang mga schedules ko, I need a run down when I get back."
"Pero sir...."
"That's not a request Ms. Tatlonghari, that's an order from your boss."
BINABASA MO ANG
Possessive (ViceRylle)
FanfictionVicerylle story. Can vice help karylle get past the things done to her before she even met him. Ano kaya mangyayari sa kanilang dalawa?