At dahil sa naiinis ako dahil hindi ko naedit ng maayos si Vice as a model, update na lang muna ako dito.
---------------------------------------
Napakamot naman si Billy sa batok ng maalala niya ang nangyari sa opisina. "Nakita ni Vice si K in front of the new investors. Akala niya hindi sila pumirma, kaya without confirming bumira na lang siya ng bumira ng mga sasabihin. Eh napag-initan si K kanina."
Nang marinig naman ni Anne ang ginawa ni Vice ay agad namang napatayo ito. "Loko yun ah, wala akong paki kung boss ko siya naku sasabunutan ko talaga yun."
"Well pagdating nga naman sa company talagang perfectionist si Vice." Vhong
Napatingin naman ng masama sina Anne ng masama kay Vhong. "Hindi naman sa pinagtatanggol ko siya pero ganon tal- Aray naman!"
Ang mangiyak ngiyak na Karylle kanina ay napatawa nila ng wala sa oras, dahil sa binatukan ni Anne si Vhong.
"Eh ganon din yun pinagtatanggol mo siya! You're taking his side over K's!" Anne
"Hahaha kuys sakit?" nang-aasar na sabi ni Billy. Binatukan naman siya ni Vhong.
"Oh ano? Masakit?"
.
.
.
Nakaupo si Vice habang nakatitig sa kontratang pinirmahan ng investor kani-kanina lang.
Sh*t I messed up. Hindi ko dapat ginawa 'yon, pero akala ko kasi hindi natuloy yung signing. I mean, hindi ko naman kasi kilala yung babaeng nakatayo sa harap ko kanina. Pero ang alam ko, siya yung nakita ko noon sa harap ng receptionist.
Napangiti naman si Vice ng maalala niya ang araw na 'yon. Simula ng araw na Makita niya ang babaeng kulot na iyon, hindi na ito mawala sa isip niya.
Well I guess hindi ko na kailangan pang ipahanap ang babaeng yun. She'll be right in front of me every single day.
Tsaka medyo guilty din ako kasi kasalanan ko na-late ako kanina. Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan nakatulog na'ko. I guess hindi pa din kaya ng katawan ko ang sobrang puyat.
BINABASA MO ANG
Possessive (ViceRylle)
FanfictionVicerylle story. Can vice help karylle get past the things done to her before she even met him. Ano kaya mangyayari sa kanilang dalawa?