chap 4

2.2K 48 1
                                    

Maagang pumasok sila Anne sa trabaho nila.



"Dito po tayo Ms. Curtis, Ms. Tatlonghari." sabi ni Reya na isang empleyadong na siyang inutusan ni Billy para magtour sa kanila sa company.



"Ms. Alvares pwede po bang K or Karylle na lang itawag niyo sa'kin? Hindi ho kasi ako sanay na Ms. Tatlonghari ang tawag sa'kin eh." Karylle nervously said to Reya. Natuwa naman si Reya sa sinabi ni Karylle pero kita niya na kinakabahan talaga ito.



Napatigil naman siya sa pag-iisip dahil nagsalita din si Anne.



Tumikhim naman si Anne para madako sa kanya ang atensyon ni Reya. "Ako din Ms. Alvares, baka pwedeng Anne na lang. Awkward din kasi sakin na tawagin as Ms. Curtis eh."



Nginitian naman ni Reya sina Anne. "Okay sige, pero Reya na lang din itawag niyo sakin." Nakangiting tumango naman sina Anne sa kanya.



They proceeded with the tour around the office. Tinuro na din kung nasaan ang office ni Anne. Naiwan na si Anne sa office niya na isang floor lang ang baba sa office ng CEO. Kung saan din ang office ni Vhong at Billy.



Nang makarating na sila sa floor ng CEO, nakita ni Karylle ang isang babeng nakaupo sa front desk ng floor. Hindi naman katandaan ang babae, mga nasa around early thirties sa tantsa ni Karylle.



Hindi naman maalis ang kaba ni Karylle. Hindi din naman niya gaanong kinikibo si Reya matapos maiwan si Anne.



"Good morning." Nakangiting bati naman ni Myra.



Bahagyang yumuko si Karylle at bumati din.



"I have to go Karylle, nice meeting you. Si Ms. Myra na ang bahala sa'yo." Paalam naman ni Reya.



Karylle's POV



Kanina pa 'ko hindi mapakali sa nararamdaman ko. Masyado akong kabado ngayon. Hindi ko pa man din namimeet yung boss, pero base sa reaksyon ni Anne, sana lang hindi masungit si boss.



Nang makapasok kami sa loob ng opisina mismo, doon ko lang napansin sa iisa lang pala talaga ang kwartong nasa floor na 'to.



Tinuro sa'kin ni Ms. Myra ang desk ko na nasa loob ng opisina ni Sir. Nasa kabilang dulo ng desk ni Sir Vice ang desk ko, kaya magkaharap kami. Meron ding mini kitchen at living room sa isang portion ng room na nasa bandang right side sa likod ng desk niya.

Possessive (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon