Annoying Man
Days were the same, magsisimula ang araw ko na nambibwisit si Theo through series of text messages. Kahapon may pa- hard to swallow thank you chu chu pero kita mo ngayon! ' I find you very amusing daw '. So, ganon, sa ganda kong 'to clown na ako?
Pabibong Theo:
Good morning duff!Ugh, can't he get more annoying? Nakakapikon na ang mga taong katulad niya!
Nasa soccer field kami at nakatakdang magpractice ng cheerdancing. Kaming tatlo ay kasama dito. May intramurals kasi next week at kasama ang cheerdancing sa mga official competitions.
Habang nakaupo ako sa mga bleachers, naaninag ko si Nate na kumakaway saakin, nginitian ko nalang siya, bigla namang napawi ang ngiti ko nang makita ko na katabi niya si Theo. Napapadalas ata yang asungot na yan dito sa school at tumatambay, wala ba siyang klase? Sabagay, sakanila naman itong school, kaya he can go here anytime he wants.
"Sapph! Dress rehearsal daw ngayon. Let's go!" anyaya ni Anne saakin at pumunta kami sa locker ng mga cheerleaders.
Halos nakabihis na ang lahat nang makapasok kami sa loob ng locker. Dumako naman ang tingin ko sa costume namin.
Our costume, it was a little too vulgar for my liking. Sumisigaw ng black and red ang aming latex costume. Halter top na red na may logo na "EASTWOOD LION" at symmetrical skirt naman na black na halos makita ang cycling shorts na isusuot namin. Mahirap isuot dahil nga latex ang clothing material.
"Sapphira, you have the nicest pair of leg here. Long-legged Filipina you are," puri ni Coach Amy saakin.
Tinali ko ang medyo kulot sa baba na buhok ko at inayos ang sarili ko. A little bit of mascara, lip tint and all the stuffs girls usually wear.
"Our costume is super hot. Gonna make sure to look like a vixen," narinig kong sabi naman nitong blondina na kaibigan ng Wilson twins. Hays, blondes these days.
Volleyball player din ako. Part time cheerleader lang ako pero sa volleyball team namin ay Libero ako and not to brag, dahil gagraduate na ang Team Captain ay hahalili ako sa pwesto niya.
From eight to nine ay ang cheerleading practice ko at ten to eleven naman ang practice ko sa volleyball. And today is Tuesday, our free activity day for sports. Medyo nakakapagod pero sige lang, mahal ko naman.
"CHEERLIONS! Let's go," sigaw ni Coach Amy at Baron.
We assembled at the soccerfield, naiilang ako dahil halos lahat ng mata ay nakatuon saamin at napatigil silang lahat. Is it because they saw how good we are or hanggang pang-aesthetic value lang ang maipagmamalaki namin?
"Nice legs you got there, Sapphira!
" sumipol at kinindatan ako ng isang estyudante. I rolled my eyes at him, I know right, baka gusto mong sipain kita."Go Anne! Go Jamie! Go Sapphy!" sigaw ni Nate na katabi ni Theo sa bleachers. Nang dumako ang tingin ko kay Theo, he was his usual grumpy-self, his eyes were pitch black and his expression is unreadable.
We walked hanggang sa huminto kami sa gitna. "READY POSITION CHEERLIONS," Mabilisan naming ginawa at nagsipuntahan sa kanya-kanyang formation.
Isa ako sa mga ili-lift, I suddenly wondered paano ako napapayag dito sa gayong aware naman ako sa mga pwedeng mangyari sa akin. Pwedeng ihahagis ako pero walang sasalo. What the hell right?
Nagsimula kaming sumayaw at hindi ko maiwasang mapatingin kay Theo. Despite his unreadable expression ay nagpatuloy parin ako sa pagsayaw at binalewala ito. Natapos ang routine at hingal na hingal kaming bumalik sa locker room.

BINABASA MO ANG
Made In New York (Monterèal Series #1 Book 1 )
RomanceSapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New York City. A Monteréal heir was captured not only by her fair skin, wavy hair, cherry lips, almond...