Chapter 4

13.8K 202 4
                                    

Eastwood Annual Celebration

Opisyal nang nagsimula ang annual celebration at halos lahat ay abala sa pagtatayo ng kanya-kanyang booths. As we decided yesterday, sa amin ay ang Jail Booth.

We were divided into different sectors to work faster. Ako bilang photographer at ang aming set of officers ang police, the rest taga-gawa ng props or tagatayo ng booth, others, I can't seem to find the right word.. uhm, yeah, utusan.

Natapos kami sa pagdedecorate "All set?" tanong ni Arien bago namin i-open ang curtains na nakatabig sa booth.

Nagsilabasan namana ng mga blockmates kong nag-costume ng pang-police "Yes ma'am!" sagot ng mga lalaking police sabay saludo kay Arien.

Una naming nabiktima ang nakacolor blue means Trespasser. Pinicturan ko siya at inabot ang picture na developed, $1 each kung gusto ipadevelop ang picture.

Pangalawa yung naka color yellow means Cheater at nagpadevelop siya ng three copies ng pictures at nagbayad ng $3. He seems proud to be a cheater though, typical american teenagers with wild libidos.

Pangatlong nahuli si Nate na naka color red means Heart Breaker , it suits him well, he paid $3 for the pictures.

I was about to take my turn to do the next job nang may biglang dinalang nakaposas ang mga babae kong kasama at halos lahat ng nasa paligid namin ay nagsisitilian.

Wearing his white v-neck shirt, faded pants and brown timbs. It was him. The annoying man. Pang-apat na nahuli ay si Theo na naka Gray signifying Hotness, a crime that he usually commits. Well, hindi makakaila hot siya okay? I have no say about it. Even though I hate him to the bits, he's still scorching.

Natapos na ang photo session niya at babayaran na lang ang developed photos niya.

"I want a photo with Sapphira," sabi niya.

A photo with me? Tama ba ang narinig ko? Seriously, why the hell would he want a photo for me? What the h right?

Nagsenyasan naman sila na pumayag na ako. Sa una'y umiiling-iling pa ako pero tinulak ako sa harap nina James at Ella.

I did various poses. Tutal wala naman din akong mawawala why not enjoy this right? I secretly put my two fingers in his head, yung para bang sungay.

Habang nanunuod naman ang mga kasama ko ay palihim silang humahagikhik.

Natapos ang photo-ops. Theo got the picture first, sinamaan niya ako ng tingin nang makita niya ang photos na may sungay siya.

Habang nag-aayos sila, "May atraso ka pa sa akin," bulong niya.

He paid $20 for two pictures. Rich kid ah. Well, that was a tip na rin para sa amin kaya not bad.

"Thank you, Theo." sabi ni Arien.

Naglakad naman palayo si Theo at nakita kong kasama niya ang mga lalakeng nang-asar sa volleyball practice namin. Jerks. 

Madami pa silang nahuli and all in all. Nakalikom kami ng $165 para ngayon araw. We still need to earn $50 dollars para maabot ang target rate namin and all will be finished bukas.

I don't know pero the more I see, the more I realize about what we are doing. Pwersahang manghihila ng tao at poposasan tapos ang crime nila ay according sa color of their shirt. Isn't offending? We are discriminating pa naman. But anyways, it's for a good cause, mali nga lang ang paraan. People in US isn't as sensitive sa mga nasa PH.

Made In New York  (Monterèal Series #1 Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon