Beach Romance
Since it's summer break, lahat ng tao ay nagpaplano na pumunta sa beach. This is the perfect time to temporarily strip off the west coast vibe channel our inner east coast vibe.
Napag-usapan naming magbabarkada na mag-outing sa Rockaway Beach. Kasama ko sila of course, Nate and Anne; Jamie and Chris, Theo too, pero sabi niya magsasama siya ng iba. Plano kasi namin magsusun bathing kami para daw makita kung paano ako umitim.
Nagdala ako ng black na two piece
Wayfarer at cover up pero nakashorts at spaghetti strap lang ako ngayon.Narinig ko na ang busina galing sa labas, andyan na yung van na hiniram nila kay Theo.
Lumabas ako ng apartment ko para sana pumunta na sa van.
Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong mga pamilyar na mukha.
" HI SAPPHY! " sigaw ng mga Monterèal, There is Ate Helena, Drisella, Rusel, Kuya Troy, Marcus and Athea.
" W-what the " hinila na ako ni Ate Helena papuntang front seat.
Si Theo ang nagddrive; nasa unang seat sila Anne and the rest, the Monterèals." Let's go peeps! " sigaw ni Nate and we hit the road.
Nagsimula na kaming nagtungo papuntang Rockaway Beach.
" I heard from Jamie na nagkaaminan na kayo! " kantyaw ni Ate Helena.
" Woooh! Theo galawang hokage! " komento naman ni Marcus.
" Dumadamoves si cousin! " narinig ko kay Kuya Troy
" Woot-woot! " sabi naman ni Rusel.
" New Monterèal in town! " sigaw ni Drisella.
Nahiya ako bigla at napatakip ng mukha gamit ang kamay ko
Naramdaman kong kinuha niya ang isang kamay ko at nilagay ito sa gear lever kasama ng kamay niya." Nakita ko yun Theo ah! Ate Helena oh! " maka-ate Helena naman si Jamie.
" Isa kang tunay na alamat! " sigaw ni Kuya Troy.
Sa buong road trip ay puro kantyawan saamin ni Theo pero all the time, magkasiklop lang ang mga kamay namin sa gear lever. That made me comfortable, it's like we have our own world.
Narating namin ang Rockaway, madaming tao kaya nauna na yung iba para maghanap ng perfect spot for our camp.
Kaming dalawa nalang ni Theo ang naiwan dito sa van. He parked the car and gathered my things.
" Tara na " anyaya niya pero magkaholding hands pa rin kaming nagtungo sakanila.
Naabutan naming may mga malalaking umbrellang nakatirik, mga yoga mat or malalaking tela at may cooler. Masyadong madami ang pagkain namin. I bet, masarap iyon. Theo said na yung personal chef nila ang naghanda ng mga iyon.
" Ugh! Ganda ng weather! Di masyadong mainit! " komento ni Marcus na nakahiga na.
" Di natin makikitang umitim si Sapphy! " sabi naman ni Anne
" Let's go girls, bihis na tayo " anyaya ni Ate Helena saamin.
Binawi ko ang kaming kamay mula kay Theo. He doesn't want to let go, me either pero kailangan. I kissed his cheeks " See you later " paalam ko bago naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Made In New York (Monterèal Series #1 Book 1 )
RomanceSapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New York City. A Monteréal heir was captured not only by her fair skin, wavy hair, cherry lips, almond...