Chapter 14

10.1K 168 2
                                    

Too Much

Two weeks nang hindi nagpapakita si Theo sa Eastwood since bumalik ako galing Canada.

I don't know, maybe he is giving me the time and space I needed.
I must admit, namimiss ko na yung pagtawag niya ng 'Ginger' saakin.

Kaya ngayon, andito ako sa ice cream parlor, eating Ginger and Lemon flavored ice cream. Naupo ako sa same spot na inupuan namin dati.

" Hoy! Sapphira, spacing out again? " Ang boses na iyon ay pagmamay-ari ni Anne, na kasalukuyang nakaupo sa harap ko.

" Di ka man lang nagsabi na sa Canada ka nagspend ng spring "
Napangiti na lang ako sakanya.

"Bakit? Kasalanan ko bang laging nakadikit ka kay Nate or vice versa si Nate ang nakadikit sayo? "

Besides, I have to deal with my own problem, Anne, ayaw ko ng idamay ka sa pagiging miserable ng buhay ko.

Umirap siya saakin at nilagay ang kanyang kamay sa baba niya
" At least kami masaya kasi walang taguan ng feelings na kahit kakakilala palang naming going strong kami "

Anak ng-- Napataas din ako ng kilay
" Heleeerr besties! " biglang sumingit si Jamie at umupo sa tabi ni Anne, tumingin si Anne kay Jamie.

" Why? What's happening? " tanong niya. Ngumiti si Anne.

" Wala naman Bestie, nagkekwento lang ako kay Sapphy kung gaano kami kasaya ni Nate kasi hindi kami nagtaguan ng feelings "

Tumawa si Jamie
" Oo nga! Hay, makita mo lang sana sila nung spring break. Halos nasa apartment ni Anne si Nate; Di niya kasi talaga tinago yung feelings nila "

Naghigh-five silang dalawa
" At least di minadali " singit ko
Napatingin sila saakin.

" Aba, di naman sinabing minadali
Sabi lang honest sa feelings, di nagtataguan " sabi naman ni Jamie

Naiiyak na ako sa pang-aasar ng dalawang to'
"Oo na! Oo na! Guilty na ako na nagtagtago ako ng feelings para kay Theo, di pa naman kasi talaga pwede "

" Edi umamin din "

" Korak, di naman sinabing madaliin
19 ka na at 21 na si Theo, hindi mo naman kasi tinanong kung kaya niyang maghintay "

" Eh aamin naman talaga ako ng feelings kay Theo pagkagraduate ko dito kasi pag-20 na ako, I can have a boyfriend na " depensa ko

Parehas nila akong binatukan
" Araaaaaay! "

" Shunga mo talaga fren! Kung umamin kana noon pa edi sana getting to know each other na kayo! Bakit kung umamin ka ba kayo agad? "

" Minsan Sapphy, naniniwala na ako sa kasabihan na basta magaling sa math complicated ang love life! Job well done, pinatunayan mo! "

Napanguso ako, sinasampal na nila ako sa realidad
" Edi aamin ako ngayon din! "

" Fren, alam mo bang 2 linggo nang hindi nagpapakita si Theo dito huh?" ani Jamie

" Sabi ko kasi give me time and space nung tinawagan niya ako sa Canada "

Sabay silang nagsalita
" Oh tapos? "

Made In New York  (Monterèal Series #1 Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon