Chapter 35

8.6K 144 9
                                    

Separate Ways

Habang nilalamig ako sa gabi, si Chanel ang nasa kanyang tabi. Habang nag-iisa ako, sila ni Theo ang magkasama.

My hands are trembling nang naglakad ako papunta sa helipad ng Outlook. I leaned on the railing, nililipad ng hangin ang buhok ko at halos mamula ang pisngi ko sa lamig. Namamangha ako sa escapade ng New York, mas lalo ko pang binalot saakin ang cardigan ko dahil tumatagos ang lamig.

" What do you want to talk about? " napalingon ako sa pamilyar at malamig na boses.

Humarap ako sakanya and I tucked my hair behind my ear at ngumiti sakanya. Nagawa ko pang ngumiti samantalang sa loob ko'y namamatay na ako sa sobrang sakit.

" Am I that easy to forget? Did I get too boring for you? " tanong ko.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. That's the first thing I want to say. Gusto ko lang naman malaman.

Humarap muli ako sa may railings, naramdaman kong tumabi siya saakin and he also leaned on the railings.

" Did you tell Troy about this? " tanong niya.

Tumango ako " Naawa kasi sa akin yung pinsan mo "

" What do you want? " he sounded so cold and emotionless.

" I want a closure " sabi ko.

He smirked " Closure to what damn thing? " he sarcastically said

Ngumisi ako " Closure about this damn relationship. Gusto kong malaman kung meron pa ba akong karelasyon o malaya na ako "

" Isn't clear to you yet? " he asked.

Umiling ako " Kaya nga kailangan ko ng closure "

" I don't want us anymore, ayaw ko na Sapphira. Didn't you notice na hindi na ako umuuwi "

Humarap ako sakanya at tumingin ng direkta sa kanyang mga mata.

" Hindi mo ba ako minahal? Kahit konti lang, kasi ako sobra sobra.
Were those series of ' I love you's' totoo ba yun? " Hindi ko na mapigilang umiyak.

Nabalot kami ng katahimikan. Akmang tatalikuran niya na ako. Dyan naman siya magaling, ang galing niyang talikuran ang mga taong nagmamahal sakanya.

" Answer me THEO! "

" FUCK! Minahal kita ng sobra-sobra pero sawang-sawa na ako sayo! " he shouted at my face.

Ngumiti ako despite of the fact na tumutulo na ang mga luha ko.

" Ganoon nalang yun? Parang wala na lang yung ilang taon? Ang sakit Theo, sobrang sakit, "

" Alam mo, ang dami kong tiniis para sayo. Tiniis ko ang masasakit na salita ng mommy mo, kahit na ang sakit sakit na hindi mo na ako binibigyan ng oras mo tinitiis ko parin dahil alam kong may prioridad-- "

" Sapphira stop it! " napahilamos siya sa mukha niya at umupo sa bench.

Masakit ba Theo? Masakit marinig ang mga iyon?

" Si Chanel ba ang dahilan? Mas minahal mo ba siya kaysa saakin? Ginamit mo lang ba ako dahil hinihintay mo siya--"

" Walang kinalaman si Chanel dito! "

Made In New York  (Monterèal Series #1 Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon