Chapter 28

8.5K 129 3
                                    

The Vhrams'

After that incident, hindi na muling nagparamdam si Chanel sa amin. I felt that everything went back to normal.

Another day without my man. Day to miss him more, bakit ba kasi nung nandito siya ay hindi ko pinapahalagahan ang presensya niya. 

" Sapph, Theo said he'll be home tonight, maybe midnight. He's missing you terribly, he said " may bahid ng panunuya at pagkatuwa sa boses ni Mrs. Olive.

Nasiglahan ako sa sinabi niya, Gosh! Finally mayayakap at maasar ko na yung lalakeng unang nakakuha ng matamis kong oo.

" Mrs. Olive, I got a feeling that I'll not be home by five, can you please tell Theo that I'll be working an extra hour at school? " I asked.

Parang labag pa sa loob niya na magsinungaling pero tumango siya
" Oh Sapph, when will you stop sneaking at Theo? "

I winked at her " Maybe when he's home "

Pumasok ako ng school na pagkaganda-ganda ng mood ko, sabayan pa ng good vibes na pagbati ng mga estyudante sa Liberty Avenue.

" Sapphira! Sestra! " tawag saakin ni Joey na tumatakbo papunta saakin.

" Where have you been all my life sistah, tagal din kitang di nakita! " ani Joey. He sang the first seven lines.

" Relationship problems beh, you know na depressed ang lola mo dahil sa mga negative vibes sa paligid " sabi ko.

" Hay sestra, buti nalang ako at wala pang love life, no problem ang lola mo! maybe hang out tayo nila Theo next time ah? Sama mo siya " sabi niya.

" Oo na sige na, may klase pa ako and Joey, masayang magkalove life, yung may nagmamahal sayo! " pang-aasar ko sakanya.

Humalukipkip siya " Oh sige, buti ka pa at maaga kang nakakauwi, ako mamaya pa "

Pumasok ako sa Grade 7 class ko at nakita ko ang mga excited nilang ngiti halos magsitakbuhan sila saakin at niyakap ako.

" We miss you, Miss Sapph! "

Naiiyak tuloy ako " I miss you too class, so how's Math? "

Ngumiti silang lahat saakin
" We love Math! "

I discussed Basic Algebra sakanila, I had to admit na dahil sa reaksyon nila ay ayaw ko ko nang umabsent ng ganoon katagal or even umabsent pa.

" So x is--- "

Napalingon ako sa kumatok sa may pintuan ng classroom. It's the new math teacher in our department.

" Ms. Villamoral, you are needed in the faculty now " sabi niya.

Kumunot ang aking noo " But how about my cla--- "

Ngumiti siya " I'm in-charge today, so don't worry "

Humarap ako sa klase ko
" See you tomorrow class! "

Tinungo ko ang faculty room, Sinenyasan ako ni Joey na lapitan yung taong nasa may waiting area.

Ang babae ay may nakapulupot na balabal sa kanyang ulo at nakasalamin. Tumayo siya ng makita ako.

Made In New York  (Monterèal Series #1 Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon