Chapter3 -NewBarkada-

202 8 0
                                        

Carlo's POV

"Uy Carlo, tara sama tayo sa kanila" -diwanie sabay hawak sa braso ko

"Hayy may magagawa pa ba ako?"

"Carlo pare, sama kayo samin" sigaw naman sakin ni Daniel. Yes! Buti naman inaya nya kami di namin makakasama si Justin at ang weird nyang pinsan

"Sige pare" sabi ko

"Pero Carlo diba kila Angel tayo sasama?" biglang sabi sakin ni diwanie na mukang naiinis sakin

"Pero --" di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang magsalita si Angel

"Okay lang yun Diwanie, next time na lang" sabi ni angel. Bigla naman nalungkot si Diwanie. Tss!

"Guys bakit hindi na lang tayo magsama samang lahat? Diba?" sabi ni Lorie. Naku naman makakasama ko pa din pala si Justin >.<

Ayoko syang makasama. Naiinis ako sa kanya. Lagi na lang sya yung nasa isip ni Diwanie. Kahit kami yung laging magkasama pero sya yung lagi naming topic nakakairita na.

Bakit kasi sya yung nagustuhan mo Diwanie eh nandito naman ako. Tss!

"Oo nga. Tama ka dyan" sabi ni Diwanie sabay lapit kay Lorie "Ako nga pala si Diwanie, ikaw?" sabay abot ng kamay nya

"Lorie :)" tapos nagshake hands sila. "At eto naman ang gwapong gwapo kong bestfriend na si Daniel" sabay akbay kay Daniel

Bigla naman namula si Daniel. Hindi kaya si Lorie yung babaeng sinasabi nyang pagbibigyan nya nung bracelet? Tss! Friendzone nga naman oh oh!

"Hi" sabi ni Daniel na namumula pa din.

"Hello Daniel, eto nga pala ang bestfriend kong si Mika" sabay higit kay Mika tapos ngumiti na lang si Mika at saka naman nya pinakilala si Angel "Eto naman ang new friend ko na si Angel" feeling close naman tong si Diwanie kay Angel

"Siguro naman magkakakilala na kayong lahat. Baka naman gusto nyo ng lumabas para makapaglibot na tayo" sabi ni Edward

---------------- 

@Mika's POV

Hayy! Dami na naming friend ni bhessy.

Nagulat na lang ako ng biglang humarap yung isang lalaki....

Si Gabriel,!

Muka namang nagulat din syang makita ako. Akala ko sa UP sya mag aaral kasi dun namin balak mag aral dati. tsk! Naalala ko na naman yung mga pangarap namin dati ni Gabriel.

Kung san kami mag aaral ng college tapos parehas kami ng kukunin ng course para kapag nagtrabaho na kami magkasama pa din kami

Akala ko dati nagbago na sya, hindi na sya yung lalaking playboy na nang iiwan ng mga babae.

Tsk! Lahat pala ng akala ko hanggang akala na lang. Di na talaga sya magbabago.

Iniwan din nya ako katulad ng ginawa nya sa mga babae nya. Swerte na siguro ako dati nung nagtagal kami ng 1year

"Mika okay ka lang?" sabi sakin ni Diwanie tapos napatingin sya sa lalaking tinitingnan ko. "Sya ba yung ex mo?" bulong nya sakin.

Di pa kasi nila nakikita yung ex ko. Alam lang nila ang lahat ng tungkol samin ni Gabriel pero di nila kilala kung sino si Gabriel.

Nung iniwan ako dati ni Gabriel lumipat ako ng ibang school. Di ko kasi kayang manatili pa sa school na yun pagkatapos ng lahat ng nangyari. Yung school na yun punong puno ng masasayang memories namin ni Gabriel.

At hindi ko matanggap na lahat ng yun hanggang dun na lang. Nung iniwan ako ni Gabriel nagbago na ako. Palagi na lang akong malungkot at tahimik.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit nya ako iniwan. Gusto ko syang sigawan, pero hindi ko magawa.

Our BARKADA's LoveStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon