Angel's POV
(Ring.. Ring..) Hay! Bell na! ^0^ Lunch Break.
"Tara guys kain na tayooo.. Gutom na ako eh. T^T" sabi ni Tricia sabay hila kay Lorie.
"Eh lagi ka naman gutom eh." panunukso sa kanya ni Daniel
"Oy hindi ah. Nakakagutom lang talaga yung pagsosolve." depensa naman ni Tricia
"Tama ka Tricia, ako din nagugutom na eh." pag sang ayon naman ni Lorie kay Tricia.
"Kita mo pati si Lorie gutom na din." sabi ni Tricia tapos dumila kay Daniel.
Para silang bata. Ang cute. ^____^
"Ako din gutom na eh, tara Justin punta na tayo sa canteen. Hihihi." sabi ni Diwanie sabay hawal sa braso ni Justin. -__-
"Uy ano ba wag mo nga akong hawakan." sabi naman ng masungit kong pinsan. Sabay tanggal ng kamay ni Diwanie sa braso nya.
"Hawak lang eh." sabi ni Diwanie tapos nagpout. :3
"Sakin kana lang humawa. Tara?" nakangiting sabi ni Carlo sa kanya.
Ouch!
Tapos sabay sabay silang naglakad papunta sa Canteen. Naiwan lang akong mag isa dito sa room. Di naman ako nagugutom eh. At isa pa, gusto ko munang mapag-isa..
Umub-ob nalang ako sa may desk ko. Naiisip ko si Carlo at si Diwanie. Mahal na mahal talaga ni Carlo si Diwanie. Anong gagawin ko? Sana ako nalang si Diwanie para ako nalang yung mahal nya. *sadface*
Kelan kaya ako mapapansin ni Carlo? Ang manhid talaga nya. Ugh. Nakakainis. Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam sa kanya na gusto ko sya? Puro nalang si Diwanie ang iniisip nya.
Wala naman akong galit kay Diwanie. Di ko lang maiwasan na hindi magselos.
"Ugh! puro nalang sya kelan ba magiging ako naman?" tanong ko sa sarili ko habang nakaub-ob pa din sa desk ko. "Nakakainis ka ang manhid manhid mo!" T____T
"Manhid? Hindi sya manhid. Hindi nya lang talaga nararamdaman yung pagmamahal mo sa kanya kasi bulag sya sa pagmamahal nya sa iba."
Napatingin ako sa nagsalita. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba kasama ka nila kumain?" tanong ko sa kanya.
"Naiirita kasi ako kay Diwanie eh. Tss!" naiinis na sabi nya.
"Alam mo pinsan, maging mabait ka naman kaya sa kanya no? Try mo." sabi ko kay Kuya Justin.
"Mabait naman ako sa kanya ah. Madali lang talaga akong mairita sa kanya."
"Pinapakita lang nya sayo na mahal ka nya."
"Eh bat ikaw di mo pinapakita sa mahal mo na mahal mo sya?" tanong nya sakin.
"Eh wala naman kasing mangyayari kasi may mahal syang iba." :3
"Eh ano naman kung may mahal syang iba? Bakit habang buhay ba yun na yung mahal nya?"
Tama. Pero wala eh, alam ko kung gaano nya kamahal si Diwanie at hindi ko mababago yun.
"Tutulungan kita basta wag ka ng malungkot dyan okay?" napangiti naman ako sa sinabi ng pinsan ko.
"Talaga? Tutulungan mo ako? Paano?" masayang tanong ko sa kanya.
"Basta. Tara kain na tayo gutom na ako eh." sabi nya tapos umalis na kami sa room.
Masaya ako ngayon. Napatingin ako kay Kuya Justin napangiti ako. Hanggang ngayon lagi pa din nya akong inaalala. Ayaw nya na masaktan ako. Maswerte ako na pinsan ko sya. ^_____^