Chapter13 -You love him, don't you?-

129 5 0
                                        

Kyle's POV

Pagkatapos namin mag-usap ni Mika di na ako pumasok sa next class ko. Para san pa? Eh magda-drop out naman na ako.

Nandito ako sa bahay ngayon. Nag iimpake ng mga gamit ko. Pupunta na ako sa Europe. Siguro dun na ako titira. Tutal, wala naman nang rason para manatili pa ako dito sa Pilipinas.

Pagkatapos lahat ng nangyari wala ng rason para manatili pa ako dito. Kahit kelan hindi ko kayang palitan si Gab sa puso ni Mika. I love her so much and it damn hurts for me seeing her crying... AGAIN!

***FLASHBACK***

"Mika please naman oh! Tahan na. Maghapon ka ng umiiyak." sabi ko sa kanya.

Muka umaga hanggang ngayong gabi umiiyak pa din sya. Tss!

"Kyle bat ganun? *sob* Bat nya ako iniwan? *sob* May mali ba sakin? *sob*" tanong ni Mika habang umiiyak.

"Mika hindi. Walang mali sayo." -Kyle

"Kung walang mali sakin, *sob* bakit nya ako iniwan?*sob*" -Mika

"Hindi ko alam Mika. Hindi ko alam." -Kyle

"Ang sakit sakit. Kahit naman nasasaktan ako sa mga ginagawa nya, kahitbsinasabi ng lahat ng tao na niloloko nya ako hindi ko naman sya iniwan ah. Inintindi ko sya." -Mika

Yeah right. Ang gago ni Gab para pakawalan ka at iwan lang si Mika. Si Mika yung taong napakalawak ng isipan. Lahat ng bagah naiintindihan nya. Hindi din sya basta basta nagagalit sa isang tao.

Kahit lahat ng tao sinasabi sa kanya na niloloko pang sya ni Gab, hindi pa rin nya ito pinansin. Patuloy pa rin sya sa pagmamahal kay Gab. Minsan nga nakita ni Mika si Gab na may kahalikang ibang babae sa likod ng University. Kung kayo sya anong gagawin nyo? Siguro sasampalin nyo si Gab at makikipagbreak na. Pero si Mika, iba sya. Pinikit lang nya ang mata nya at saka tumalikod kila Gab. Naglakad sya palayo at umiyak ng umiyak. At hindi lang yun ang huling beses na nakita sya ni Mika na nakikipaghalikan. Ilang beses na ba, siguro mga sampo?? O baka mas higit pa. Pero kapag tinatanong ko si Mika kung bakit hinahayaan lang nya si Gab at patuloy pa din nagtyatyaga sa relasyon nila, ang laging sagot nua ay Kasi mahal ko sya. Ganun ba talaga kapag nagmamahal, nagpapakatanga?

Ha-Ha-Ha. Ako pa talaga nagtanong nun eh. Eh isa rin naman akong nagpapakatanga. Nakakatuwa lang isipin na habang nagpapakatanga ako sa kanya sya naman nagpapakatanga sa iba. Mahal na mahal ko si Mika bata pa lang kami. Pero hanhhanv kaibigan lang ang turing nya sakin. Kaibigan na nagpapasaya sa kanya. Kaibigan na nagpapatahan tuwing umiiyak sya. Kaibigan na nagtatanggol sa kanua. At kaibigan na lihim na nagmamahal sa kanya.

Simula nung iwan ni Gab si Mika, iyak lang sya ng iyak. At dahil mahal ko sya, ginawa ko lahat para maging masaya ulit sya. Alam ko naman na hindi ko sya mapapasaya tulad ng dati pero atleast nabawasan ko man lang yung sakit na nararamdaman nya. Hindi ko sya iniwan. Pero kahit lahat na ginawa ko.... kulang pa din eh. Hindi pa din nya ako magawang mahalin. Si Gab pa din.

Our BARKADA's LoveStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon