Characters

199 7 0
                                    

Guys eto yung character pag-aralan nyo na lang para di kayo maguluhan ha. :")

Lorie Lou Morales - Maganda sya. Kung titingnan mo sya para syang isang prinsesa. Mabait at matalino din sya. Minsan kapag bad mood sya sobrang sungit nya. Masiyahin din si Lorie.

Mayaman sila. Sila ang may ari ng pinakamaganda at pinakamalawak na University sa Pilipinas. Ang Morales University (M.U.)

Sikat ang pamilya nila dahil isang sikat na businessman ang daddy nya at isa namang sucessful na fashion designer ang mommy nya. Sya din ang nag - iisang tigapagmana ng lahat ng company nila dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Francis Junell Seminiano - gwapo, matalino at may pagkaseryoso sya. Hindi sya lapitin ng mga babae dahil lagi syang seryoso.

Mayaman din sila. Sila ang nag mamay-ari ng sikat at malalaking restaurants dito sa Pilipinas at ibang bansa.

Isang sikat na businesswoman man at ang mommy nya. Kilala din ang kanilang pamilya bilang isa sa pinakamayaman ng pamilya.

Daniel Dela Cruz - gwapo, malakas ang dating at may pagkapilyo. Mabait at matalino din sya. Friendly si Daniel kaya halos ng mga taong nakikilala nya ay nagiging kaibigan nya. Magaling syang makisama.

Mayaman din sila. Pag aari nila ang malalaking hospital dito sa Pilipinas at ibang bansa.

Magagaling na doctor ang kanyang mga magulang at iba pa nyang kamag-anak. Si Daniel din ay nakatakdang maging doctor katulad ng kaniyang mga magulang.

Tricia Marie Alarilla - maganda, hyper, makulit at may pagka-kikay din sya. Mahilig sya sa mga cute na boys. Hindi pa sya naiinlove dahil ayaw pa nyang masaktan.

Mayaman din sila. Nagmamay-ari din sila ng malalaking kumpanya. Business partners ang mga magulang nya at mga magulang ni Lorie. Magaling din na businessman ang daddy nya at pati na rin ang mommy nya.

Edward Tiamzon - gwapo, makulit, hyper at maypagka-pilyo. Mabait din sya

Mayaman din sila Edward. Sila ang nagmamay-ari ng mga sikat na bar dito sa Pilipinas at ibang bansa.

Carlo Lopez - gwapo, malakas ang dating, may pagkaseryo at sobrang magmahal. Matalino din sya.

Katulad ng iba mayaman din sya. Nagmamay-ari din ng malalaking kumpanya ang pamilya ni Carlo.

Angel Dionisio - maganda, mahilig mag-aral at may pagkaweird minsan. Mabait din sya. Mahilig syang magbasa ng book tungkol sa LOVE.

Mayaman din ang pamilya nya. Nagmamay-ari sila ng isang napalaking hacienda na may tanim na mga prutas. May kumpanya sila ng mga alak.

Justin Liu - gwapo, laging seryoso at tahimik na tao. Puro aral lang sya. Hindi sya mahilig magparty party katulad ng ibang teenager.

Katulad lang ni Angel ang kanilang pag-aari. Nagmamay-ari din sila ng malaking kumpanya ng alak.

Diwanie Sumauang - maganda, masiyahin, kikay at fashionita. Mahilig syang magdrawing ng mga damit at sapatos. Gusto nyang maging isang fashion designer.

Nagmamay-ari ng malalaking mall sila Diwanie dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Mahilig din syang magshopping.

Gabriel Mudlong - gwapo, malakas ang dating, lapitin ng mga babae at playboy. Babaero sya pero isang babae lang talaga ang mahal nya.

Mayaman din sila. Sila ang nagmamay-ari ng mga malalaking hotel dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Sya din ang tigapagmana ng mga ito.

Mikaela Esguerra - maganda, seyoso at tahimik. Mahilig syang mag pumunta sa ibat ibang bansa. Pangarap kasi nya yun bata palang sya.

Nagmamay-ari din sila ng malalaking kumpanya. Sikat din na businessman ang daddy nya.

Lahat po sila gwapo/maganda at mayaman. Bakit? Eh kasi gusto ko lang. Hahahahah! Wala eh, ganun talaga! ;)

-Irish♥

Our BARKADA's LoveStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon