Chapter9 -Pain of Love-

145 4 0
                                    

Kyle's POV

"I love you too Kyle" sabi ni Mika at saka ngumiti. Napangiti na lang din ako sa kanya.

Ang sarap pakinggan ng salitang 'I Love You Too' galing sa taong mahal mo. Pero mas masarap sanang pakinggan yon, kung totoo.

Alam ko naman na hindi talaga ako mahal ni Mika. Alam kong si Gab parin. Pero tanga na kung tanga basta mahal ko sya.

Hindi ko na papalampasin pa yung pagkakataon na maging akin sya. Hindi ko na sasayangin 'to. Makakalimutan din nya si Gab at tutulungan ko sya.

Dati umalis ako at pumunta ng Canada kasi hindi ko sya kayang makitang nasasaktan. Hindi ko kinaya na araw araw tatawagan nya ako at papuntahin sa bahay nila para lang iyakan at sabihan kung gaano kasakit yung nararamdaman nya. Napakasakit para sakin na makita syang nasasaktan.

Pero hindi ako umalis ng basta basta katulad ng ginawa sa kanya ni Gab. Umalis ako nung lumipat sya ng school. Akala ko sa paglipat nya makakamove on na sya. Akala ko pagdating ko okay na sya. Akala ko mamahalin na din nya ako. Pero lahat ng yun hanggang akala lang.

Pero gagawin ko ang lahat para mahalin nya ako. At hinding hindi ko sya sasaktan katulad ng ginawa ni Gab sa kanya.

======================

======================

Gab's POV

"Sir, may I go out?" tanong ko sa prof namin sabay tayo. Tumango naman sya.

Kanina pa kami nagkaklase pero kahit isa wala akong naiintindihan. Tumingin ako sa likod. Wala si Mika. Nasan na kaya sya? Hindi ba sya papasok?

Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero parang may sariling utak ang mga paa ko at napunta ako sa lugar na sana hindi ko na lang napuntahan.

Pucha. Bakit ang sakit? Para akong binaril ng paulit ulit. Sana nga binaril na lang ako eh. Mas gugustuhin ko pang mabaril kesa makita ang taong mahal ko na nakikipaghalikan sa iba.

Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Gusto kong umalis para hindi ko sila makita pero hindi ko magawa. Sobrang sakit.

"Pre tara na" nagulat na lang ako ng may magsalita sa may gilid ko. Nakita ko si Francis. Sinundan pala nya ako.

At ang isang ikinagulat ko ng bigyan nya ako ng panyo. Nagtataka lang ako. Ang hindi ko alam umiyak na pala ako.

Hindi naman masamang umiyak diba kahit lalaki ka? Minsan nga mas nasasaktan pa kaming mga lalaki kesa sa mga babae. Iniisip nyo lang na mas nasasaktan kayo kasi kayo umiiyak kami hindi. Hindi lang kami umiiyak kapag nasasaktan kami kasi wala namang magagawa yung pag-iyak eh.

Pero kapag ang isang lalaki ay umiyak nagpapatunay lang yun na mahal na mahal nya yung isang babae. Hindi kasi lahat ng lalaki iniiyakan ang babaeng mahal nila.

Pumunta kami ni Francis sa condo nya. Hindi na kami parehas umattend sa next class namin kasi mag iinom kami.

Kumuha sya ng alak sa refrigirator at uminom kaming dalawa. Hinihintay lang nya akong magsalita. Alam nya kung gaano ko kamahal si Mika.

Naikwento ko kasi sa kanya yun nung naging magkaibigan kami nung pumunta ako ng America. Alam nya na nahirapan din ako sa ginawa ko. At pinagsisisihan ko na umalis ako.

"Ang sakit pre" iyon agad ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko.

"Alam ko pre. Walang taong nagmahal ang hindi naranasang masaktan pre" sabi nya sakin tapos tinapik yung balikat ko.

Our BARKADA's LoveStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon