Chapter11 -My True Friends-

148 7 0
                                    

A/N: Guys sorry kung natagalan yung update ko. Sana po magustuhan nyo. ^____^

*****
Daniel's POV

"Lorie, may aaminin ako sayo. Pero wag kang magagalit.. Mahal kita"

Wait..! Parang ang pangit naman. Ano ba yan, paano ko ba aaminin sa kanya 'tong totoong nararamdaman ko.

"Okay na kasi yun. Ang arte mo na naman kasi eh!" sabi ni Tricia.

Nandito kaming dalawa ngayon sa condo ko. Walang malisya samin kahit kaming dalawa lang dito. Matagal na din kasi kaming magkakaibigan nila Lorie.

At sya lang din ang tanging nakakaalam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko kay Lorie. Ewan ko ba kay Lorie, kung bakit hanggang ngayon di pa rin nya nahahalata na mahal ko sya.

"Oh sige, magpractice ka pa. Tapos titingnan ko kung pasado. Okay?" sabi nya habang nakaupo sa couch.

"Lorie, may aaminin ako sayo. Pero wag kang magagalit.. Mah--" naputol yung sasabihin ko ng biglang may mag doorbell.

"Ako na." sabi ni Tricia sabay tayo at pumunta na sa main door.

"Gab??" rinig kong sabi ni Tricia.

"Brad, anong kaylangan mo?" tanong ko sa kanya. Napansin ko naman na namumula yung mga mata nya na parang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Gab? Anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?" tanong naman sa kanya ni Tricia. Pero di sya sumagot umupo lang sya sa couch at umupo din kami ni Tricia sa tabi nya.

"Okay ka lang ba Gab?" nag aalalang tanong sa kanya ni Tricia.

"Okay lang ako. May gusto lang sana akong ipabigay sa inyo kay Mika" sabi nya tapos may kinuha syang isang bagay sa bulsa nya. "Pwede bang pakibigay yan kay Mika?"

"Uhm.. Bakit di na lang ikaw ang magbigay sa kanya nito?" sabi ko sa kanya. Ano kayang laman nito?

"Hindi pwede." tipid naman nyang sagot.

"Akin na. Ako na lang ang magbibigay sa kanya mamaya. Pupunta kasi ako sa kanila." sabi naman ni Tricia tapos kinuha nya sakin yung ipanabibigay ni Gab kay Mika.

"Wag!" bigla naman sabi ni Gab.

"Ha?! Akala ko ba para sa kanya ito?" nagtatakang tanong ni Tricia sa kanya.

"Oo para sa kanya nga yan. Pero huwag muna ngayong araw. Pwede bang bukas na lang?" pakikiusap naman ni Gab sa kanya.

"Uhm.. Sige. Ikaw bahala." sabi ni Tricia habang pinagmamasdan yung bagay na yun.

"Ano bang laman nito?" tanong ni Tricia kay Gab. Kahit ako gusto kong malaman kung ano yung laman nun.

"Alaala" sagot naman sa kanya ni Gab.

"Ha?!" sabay naman naming sabi ni Tricia.

"Basta, ibigay nyo na lang yan sa kanya bukas. Mga 1 pm." sabi nya samin at saka tumayo. Maglalakad na sana sya palabas pero nagsalita ako kaya napahinto sya.

"Huwag mong isuko ang isang tao na alam mong kaya mo pang ipaglaban, mahirap maghintay." pagkatapos kong sabihin yan, tuluyan na syang lumabas.

*****
Tricia's POV

Ring .. Ring (A/N: Tunog ng alarm clock)

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Tsk! Tiningnan ko yung oras 9 am na. Pero para sa'kin masyado pang maaga yan.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Matutulog pa sana ulit ako nang may mapansin akong isang bagay katabi nung alarm clock. Yung ipinabibigay ni Gab kay Mika.

Our BARKADA's LoveStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon