Chapter12 -Kyle :((-

151 7 0
                                    

Mika's POV

***

@Condo

Nandito kami ngayon sa condo ko. Naisipan lang namin uminom. Siguro kailangan ko rin to, para kahit papano makalimutan ko muna yung sakit sa puso ko.

"Guys, totoo ba na kapag ang isang tao umiinom, nakakalimutan nya yung problema nya?" inosenteng tanong ni Diwanie.

"Siguro, kasi diba yung iba kapag may problema umiinom sila." sagot naman ni Lorie.

"Para sakin hindi. Hindi naman kasi totoong nakakalimutan natin yung problema natin kapag umiinom tayo." sabi naman ni Angel.

"Sabi nila, kapag nalasing ka daw hindi ka daw nalulungkot. Nagiging masaya ka daw kaya parang nakakalimutan mo na rin yung problema mo." sabi naman ni Tricia.

"Pag umiinom kasi yung isang tao, nailalabas nya yung mga sama ng loob nya. Nasasabi nya lahat ng gusto nyang sabihin. Kaya parang gumagaan yung pakiramdam nila." sabi naman ni Mika.

"Sabi nila nakakamanhid daw ang alak." seryosong sabi ni Diwanie.

"Alam nyo guys malalaman natin yan kapag natapos ang gabing 'to!" sabi ko sa kanila.

Kami kasing mga babae, di kasi kami umiinom. Umiinom lang kami kapag may problema kami. Well, mababait kasi kami. Good girl kami. Kaya naisipan lang namin na kahit ngayon lang. Tutal, college naman na kami.

"Cheers!!"

****

Isang linggo na din ang lumipas simula nung umalis si Gabriel.

Nakakainis si Kyle. Bakit kung kelan kailangan ko sya saka sya hindi nagpaparamdam. T___T

Dati sya yung laging nandyan kapag umiiyak ako pero ngayon walang Kyle..

Galit ba sya sakin?? Wala naman akong ginawa na masama diba?

Oo nga pala. Di pa ako nakikipagbreak kay Kyle hanggang ngayon. Di ko sinunod yung sinabi ni Tricia.

Di ko alam kung ano yung pumipigil sakin na makipagbreak break kay Kyle. Ewan ko ba! Feeling ko hindi ko kayang makipagbreak sa kanya.

Mahal ko ba si Kyle?? Pero hindi naman siguro kasi si Gabriel ang mahal ko. Hayy! Namimiss ko sya..

"Bhessy okay ka lang?" tanong sakin ni Diwanie.

"Uhmm.. Oo okay lang ako." sabi ko tapos nagsmile ako sa kanya. Fake smile. Tsk!

"Okay. Sabi mo eh." sabi nya.

Andito kami ngayon sa bahay nya. Kumo-kopya ako ng mga notes na namissed ko kasi 1 week akong hindi nakapasok.

Nagkasakit kasi ako kaya hindi ako nakapasok. Sakit sa puso TT____TT

Pero syempre hindi totoo yun. Nilagnat lang naman ako. =_____=

At ang kinaiinis ko ay ang hindi pagdalaw sakin ni Kyle. Nakakainis talaga yung lalaking yun di man lang dinalaw ang GIRLFRIEND nya. >_____<

Naku! Lagot talaga sakin yun bukas. Sunday kasi ngayon at bukas Monday. Kaya may pasok na naman.

Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan ko ito. Wala man lang text or miss calls. Grabe talaga. 1 week natiis nya ako.

Teka?? Bat ba ganito ako magtreact? Eh ano naman kung walang text or miss call yung mokong na yun. Duh? The hell I care. Tsk!

***

Mondayyyyy!!

@MU

Our BARKADA's LoveStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon