Hello guys, sorry ngayon lang ako nakapag-update .. Gusto ko kasi masaya ako kapag sinusulat ko 'tong story na 'to eh, para masaya din yung character. kung ano kasi yung nararamdaman ko, iyon din yung nararamdaman nung character eh.. parang naka-connect sakin yung feelings nila. TT^TT Dapat hindi muna ako mag-uupdate eh, pero nag-update na ako ^____^ Kapag nabasa nyo na 'tong chapter na 'to, malalaman nyo kung ano yung nararamdaman ko. Sana magustuhan nyo yung update ko.
==============================================================================
Chapter 6 - Favor
Lorie's POV
"Hey, wazup guys" sabi ni Edward na kararating lang.
Andito kami ngayon sa M.U. nakatambay lang. Nag-announce kasi yung prof namin na wala daw klase today. Bakit? Kasi.. uhm.. Bakit nga ba? Ahh! May meeting daw. Hehe
Isang linggo na din yung nakalipas nung nagkwento samin si Mika tungkol sa past nila ni Gab. Sayang nga eh, nabitin kami. Hindi na namin pinatuloy sa kanya kasi alam namin na nasasaktan pa sya.
Sinasabi lang nya na naka-move on na sya pero iba ang nakikita namin. Nagpi- pretend lang sya na okay sya kapag nandyan si Gab pero alam namin na awkward.
Hindi ko naman sya masisisi eh, kung bakit hanggang ngayon hindi pa din sya makamove on kay Gab. First love nya si Gab. Sabi nga nila 'First love never die' Tss!
Napahawak naman ako sa suot kong kwintas. Naalala ko na naman si Junjun. Ito yung kwintas na binigay nya sakin bago sya umalis at pumuntang America.
"Ang ganda naman nyan Lorie *_____*" sabi ni Angel habang nakatingin sa kwintas ko.
"Ahm, thanks :)"
"Saan mo binili yan?" tanong nya..
"Hindi ko 'to binili. Binigay lang sa'kin to" sagot ko sa kanya habang inaalala ko si Junjun. Hayy!! Junjun T__T
"Ah. Sino nagbigay?"
"Yung bestfriend ko."
"Si Tricia o si Daniel?"
"Hindi sila. Yung childhood bestfriend ko" sagot ko sa kanya habang hawak ko yung kwintas..
"Ah, nasan na sya?" tanong nya.
"Nasa America" tipid kong sagot sa kanya..
"Oh! Gusto ko syang makilala. Ipakilala mo naman ako sa kanya Lorie"
"Sige, pagbalik nya" sabi ko naman sa kanya.
Kailan ka nga kaya babalik Junjun? Babalikan mo pa kaya ako? Tutuparin mo pa ba yung promise mo sakin? Sana oo. Sabi nila Promises are meant to be broken. Patunayan mong mali sila Junjun.
"Sige. Sige!!" masayang sabi ni Angel. Di kami naririnig ng iba namin kabarkada na nag-uusap kasi may kanya kanya silang mundo. Iba-iba yung pinag uusapan nila. Umalis na sa tabi ko si Angel at pumunta sa tabi ni Carlo na kausap si Diwanie. Hayy! Crush nya talaga si Carlo. Sinabi nya sa amin dati yun nung nasa condo kami.
==============================================================================
Diwanie's POV
Nakaupo lang ako dito sa may gilid habang tinitingnan ang nagbabasang si Justin. Ghad! I really like him.
Gustong gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko sya pero laging may pumipigil sa 'kin. Palaging may hadlang. Parang may nagsasabi na wag kong sabihin sa kanya na gusto ko sya.