Mika's POV
"Yehey! Sabi ko na nga ba eh, nagkiss kayo" masayang masayang sabi ni Tricia.
"Tricia naman eh, wag ka na magsalita okay? Para tuloy tuloy ang pagku-kwento ni Mika" reklamo ni Angel sa kanya.
"Ibig sabihin.. Si Gab ang first kiss mo Mika?" tanong sakin ni Lorie
"Oo" tipid kong sagot sa kanya. >_____> Ano ba yan, nakakahiya.
"Tapos? Ano na yung nangyari?" sabi ni Tricia
Hmm.. Ano na nga ba sunod na nangyari.. Ah oo alam ko na..
**FlashBack**
Urgghh.. Kainis >_____< Bakit ko sinabi sa kanya 'yon? Tss!
Mika ano ka ba? Ang bad mo. Alam mo naman kung bakit sya ganun diba? Dahil sinaktan sya ng first love nya..
Sigurado akong nasaktan ko sya. TT____TT Malamang Mika nasaktan mo sya =____=
Huhuhu!! TT____TT Sorry Gabriel ikaw naman kasi eh.. Bakit mo ba kasi ako hinalikan?
Tss! Naalala ko na naman. KYAAAHHHH!!! Sya yung first ko.. TT___TT Binabawi ko na pala yung sorry ko..
Nakakainis sya!! >____< Dapat si Owy Posadas ang first kiss ko eh.. Tss!
Pero...
Napahawak naman ako sa labi ko na hinalikan ni Gabriel. Isang mabilis na halik lang yun pero bakit ganito ako magreact??
Hayy!! Tama sya Mika, it was just a kiss. Pero kahit na first ko pa din ang ninakaw nya..
Tss! Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw naba ako?? Nababaliw na din ba ako katulad ng mga babae ni Gabriel?
Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko. 10pm na. Di pa din ako makatulog. Hayy!!
Ano na kayang ginagawa ni Gabriel?? Natutulog na kaya yun?? Pero wala syang unan at kumot? Kawawa naman sya.
Puntahan ko kaya sya at bigyan ng unan at kumot? Pero kasi... Ano eh! Tss. Bahala na nga.. Baka makonsyensya pa ako kapag di ko sya binigyan ng unan at kumot..
Kumuha ako ng unan at kumot. Isa lang kasi ang kwarto ng condo ko na regalo ni mommy at daddy sakin nung 13th birthday ko.
Simula nung nag high school ako ayoko ng tumira sa bahay namin. Lagi din namang busy sila mommy at daddy sa business namin kaya palagi silang wala sa bahay.
Masyadong malaki ang bahay namin para samin. Ako lang ang laging naiiwan sa bahay at ang mga maid at buttlers. Kaya huling ako kila mommy at daddy ng condo.
Kaya niregaluhan nila ako ng Condo. Hindi naman malaki ang condo. Sakto lang talaga para sakin. Isang kwarto lang.
Nung lumabas ako ng kwarto ko nakita ko syang nakahiga sa sofa. Para syang nilalamig. Tss!
Gising pa kaya sya? Siguro naman tulog na sya. Ito kasing lalaki na 'to eh. Ang tigas ng ulo. Lagi kong sinasabi sa kanya na itigil na nya ang pambabae pero hindi sya sakin nakikinig.
Iniisip nyo siguro kung bakit sya nandito. Eh kasi nga..
Hinahabol na naman sya ng mga GIRLFRIENDS nya. Yeah. You read it right. As in girlfriends talaga. Mga babaeng pinagsabay sabay nya. Sigurado akong nalaman na ng mga mga babae na pinagsabay sabay sila ni Gabriel. Tss!
Di naman kasi talaga sya playboy eh. Naging ganyan lang sya dahil sa first love nya. Si Mhica. Ang babaeng almost perfect. Maganda, mabait, matalino.