Chapter 16- Hold on or Let Go?

97 1 0
                                        

Chapter 16

Lorie's POV

Naglalakad ako sa may garden ng school nang makita ko si Francis sa may ilalim ng puno na parang ang lalim ng iniisip. Tuwing nakikita ko sya, hindi ko alam pero pakiramdam ko matagal ko na syang kilala. Magaan yung loob ko sa kanya. At tuwing makikita ko sya naaalala ko si Junjun.

"Lorie?" napatingin ako sa may likod ko ng may narinig akong tumawag sakin.

"Bakit Tricia?"

"Kanina mo pa sya tinitingnan. May problema ba?"

"Wala naman. May naisip lang ako." sabi ko at saka tumingin ulit kay Francis. "Tricia.. sa tingin mo ba babalik pa si Junjun?"

"Nangako sya diba? Tiwala lang Lorie. Babalik sya. Babalikan ka nya."

"8 years Tricia. 8 years na akong naghihintay sa kanya."

"Napapagod ka na ba?"

"Hindi."

"Hi Guys!" bati ni Diwanie na kakarating lang kasama si Mika. "Bakit nandito kayo?"

"Ah wala. Tara na sa room."

"Sige."

Diwanie's POV

Pagpasok ko nakita ko si Justin na nagbabasa ng libro. Sabi nya liligawan daw nya ako pero wala naman syang ginagawa -___- Anong klaseng panliligaw kaya ang alam nya?

"Good Morning Angel." bati ko sa kanya na katabi ni Justin.

"Good Morning din." bati nya sakin. Ang ganda ganda talaga nya kapag ngumingiti. Sino kaya yung maswerteng lalaking mamahalin nya?

Bigla naman akong na-wakward nang makita kong nakatingin sakin si Carlo. Naalala ko yung sinabi nyang mahal nya ako. Hanggang ngayon di ko pa din alam kung paano ko sya pakikitunguhan gayong alam ko na mahal nya ako.

Umupo nalang ako sa tabi nya at ngumiti sa kanya. Tumango lang sya sakin. Maya maya dumating na din yung professor namin at nagsimulang magdiscuss.

Habang nakikinig ako sa Prof namin ay ramdam ko ang pagtitig ni Carlo sakin. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Nakakailang kasi kapag alam mong may nakatingin sayo.

"Diwanie, galit kaba sakin?" malungkot na tanong nya.

"Hindi ako galit sayo." Syempre di talaga ako galit sa kanya, naiinis nga ako sa sarili ko eh. Bakit ba ang tanga ko para hindi maramdaman na mahal nya pala ako... dati pa.

"Kahit malaman mong mahal kita, please wag mo akong iwasan?" sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay namin dalawa. Dati kapag hinahawakan nya yung kamay ko okay lang. Pero ngayon parang naiilang ako.

Tinanggal ko yung paghahawak nya sa kamay ko. "Ano kaba, bakit naman kita iiwasan? Magkaibigan kaya tayo." sabi ko tapos tumawa. Pekeng tawa actually.

"Yeah, kaibigan." sabi nya at tumingin sa harapan para makinig sa prof kaya tumingin nalang din ako sa harap nang mahagip ng mata ko si Justin.

Nginitian ko sya pero inirapan lang nya ako. >__< Kelan kaya magiing mabait ang isang 'to? Napakabipolar. Sasabihin na mahal nya ako tapos iniirapan lang ako. The eff!

Nakinig nalang ako sa prof namin na nagdi-discuss. Hanggang sa dumating na yung oras na pinakhihintay ko. Ang lunch time. ^______^

"Tara na." masayang pag-aaya ko kay Mika. Kanina pa kasi ako nagugutom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our BARKADA's LoveStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon