Angel's POV
"P-Pwede mo ba akong t-tulungan sa k-kanya?" nauutal na sabi nya.
P-Pwede mo ba akong t-tulungan sa k-kanya?
P-Pwede mo ba akong t-tulungan sa k-kanya?
P-Pwede mo ba akong t-tulungan sa k-kanya?
P-Pwede mo ba akong t-tulungan sa k-kanya?
P-Pwede mo ba akong t-tulungan sa k-kanya?
Para akong mabibingi sa mga salitang binitawan nya. Paulit-ulit na nag echo ang mga salitang yan sa may utak ko. Parang ang hirip intindihin. Bigla na lang akong nakaramdam ng kung ano sa may dibdib ko. Para akong binaril ng sampung beses.. Tama ba ang narinig ko? Gusto nyang tulungan ko sya kay Diwanie. Ang sakit. Ang sakit sakit..
"Pero okay lang kung hindi pwede. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko" sabi nya.
"Sige ...tutulungan kita" napatingin sya sakin sa sinabi ko. Kahit ako nagulat sa sinabi ko. Ako? Tutulungan sya? Ghad! Anong ginagawa kong katangahan?
"Talaga? Salamat!" masayang sabi nya at nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin. O_____O
"Yiiieee..." pang-aasar samin ng mga kaibigan namin. Lahat sila nakatingin sa'min. Bigla ko syang tinulak ng mahina. Nakakahiya >///////<
"Kayo ha, di man lang kayo nagsasabi.. Kayo na pala. Haha!" sabi ni Tricia at nagtawanan silang lahat
"H-ha? Hindi ah" sagot ko sa kanila. Si Carlo kasi eh. Tsk!
"Hindi daw, eh bat magkayakap kayo? Okay lang naman samin eh" masayang sabi ni Diwanie. Napatingin naman ako kay Carlo, malungkot sya.
Bakit kaya ganun noh? Napakamapaglaro ng tadhana. Kung sino yung taong mahal mo, may mahal na iba. Bakit hindi na lang kung kung sino yung taong mahal mo, mahal ka din. Para walang nasasaktan.
Ang sakit makita na nasasaktan yung taong mahal mo dahil sa taong mahal nya. Alam kong alam ni Carlo na mahal ni Diwanie ang pinsan ko. Kaya sya nasasaktan.
==============================================================================
@Lorie's POV
Nagulat silang lahat ng yakapin ni Carlo si Angel kanina. Kinilig naman sila para kay Angel at kay Carlo. Akala kasi nila nagkakamabutihan na yung dalawa. Hayy! Maling akala. Tsk!
Narinig ko ang pinag-usapan nung dalawa. Hindi ko naman sinasadyang makinig kanina eh, nacurious lang ako. Magkaiba yun noh! Haha.
Pero nalulungkot ako para kay Angel. Alam naman kasi namin na gusto nya si Carlo. Ang hindi ko lang maintindihan bakit nya tutulungan si Carlo kay Diwanie.. Bakit ang complicated ng status nilang apat.
Lahat sila pinagmamasdan ko lang. Lagi akong nakikiramdam. Hindi ko pa naman kasi sila ganun kakilala eh. Pero sa kanilang apat, complicated talaga ang status nila.
Gusto ni Angel si Carlo, si Carlo naman gusto si Diwanie, si Diwanie gusto si Justin . . . at si Justin?? Hindi ko alam. Napakamisteryoso naman kasi nya eh.
Kapat tinitingnan ko sya, nakikita ko naman na gusto din nya si Diwanie pero . . . parang may mali. Parang may pumipigil sa kanya . . . parang ayaw nya. Tsk! Ang gulo.
Pauwi na ako ngayon. Magkakahiwalay na kami. Naglalakad ako papuntang lobby ng makita ko si . . . Francis?? Akala ko umuwi na sya.
Sa kanilang lahat, si Francis at si Justin ang hindi ko masyadong ka-close. Parehas kasi silang suplado.