Angel's POV
"Angel?" napatingin ako sa nagsalita.
"Diwanie." napangiti na lang ako ng makita ko sya..
Sya yung babaeng mahal ng taong mahal ko..
Sya yung dahilan kung bakit hindi ako mahal ng taong mahal ko..
Sya yung dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon..
Pero hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya..
Kasi kahit kelan hindi nya kasalanan na mahalin sya ng taong mahal ko.
"Anong binabasa mo?" tanong nya sakin. Nandito kasi ako sa library.
Naaalala nyo ba? Mahilig akong magbasa. Pero hindi tungkol sa history. Like duh?! Boring yun..
Puro LOVE STORY ang binabasa ko. Gumagaan kasi yung pakiramdam ko kapag nagbabasa ako ng love story lalo na kung happy yung ending. ^________^
"Love story. Hihihi"
"Naniniwala ka ba sa happy ending?" tanong nya sakin.
"Hindi. Kasi yung happy ending sa movie lang nangyayari at hindi sa totoong buhay"
napatingin naman kaming dalawa ni Diwanie sa nagsalita. Si Mika.
"Ay! Bitter ka teh?" sabi naman ni Tricia na kasama ni Mika.
"Hindi noh. Nagsasabi lang ako ng totoo. Diba Lorie?" sabi ni Mika at tiningnan si Lorie ng sumang-ayon-ka-look
"Ah, uhmm.. Ehh.." (--_) (_--) hindi naman sya nakasagot. Siguro naniniwala sya sa happy ending..
Ako kaya may happy ending? Kami kaya ni Carlo happy ending? Parang hindi TT______TT
"True Love doesn't have a happy ending because true love never ends" ^______^V
"Tama ka dyan Diwanie. Kaya ikaw Mika wag kang bitter. Malay mo, hindi pa yun ending ng love story nyo ni Gab" sabi ni Tricia at saka umupo na sila.
"Ehh? Bat napunta samin ni Gab yung usapan?" -___^
"Eh- hehe .. Eh san mo naman nakuha yung sagot mo na yun?" -Tricia
"Ewan. Basta alam ko lang" -Mika
"Okay! Awat na guys. Change topic" -Me
"Uhm.. Angel?" -Diwanie
"Hmm?" -Me habang patuloy na nagbabasa.
"P-pwede b-bang ano hehe" -Diwanie
"Huh?! Pwedeng ano?" -Me tapos tumingin ako sa kanya. Parang may gusto syang sabihin pero nahihiya sya.
"P-pwede b-bang tulungan mo ako pinsan mo?!" (\\.//) -Diwanie
"Haha! Ghad Diwanie, ganon na ba kalakas yung tama mo sa pinsan ni Angel?" natatawang sabi ni Tricia
Nagpapatulong sya sakin kay Justin pero si Carlo nagpapatulong sa kanya.
Urgghh! Naguguluhan na ako. Sino ba talaga ang tutulungan ko??
Kapag tinulungan ko si Carlo, magiging masaya silang dalawa at tuluyan nang mawawala sakin si Carlo..
Pero kapag si Diwanie naman yung tinulungan ko magiging masaya silang dalawa ng pinsan ko. At pwede pang maging kami ni Carlo. Hihihi
Pero?? Pano yun? Nasabi ko na kay Carlo na tutulungan ko sya kay Diwanie. Anubayan! Di naman nya malalaman na tinutulungan ko si Diwanie kay Justin eh..
Selfish na kung selfish pero anong magagawa ko, mahal ko sya.
"Oo naman" sabi ko sa kanya tapos. ^_____^