Lorie's POV
"WHAAAATT??" sigaw namin nila Tricia at Angel.
Nandito kami sa condo ko. Ako si Tricia, Angel, Diwanie at Mika. Kaming lima lang..
Girls Talk lang..
"Uhm, oo. Ex ko si Gab" sabi ni Mika. O_______O
Ex nya si Gab? Gosh! Bat di namin nahalata yun?
1 week na din pagkatapos naming magkakilala kilalang lahat.
Madali lang kaming naging kumportable sa isa't isa. Close na kaming lahat.
At nag-oopen narin kami ng mga secret sa isa't isa. At ngayon di ako makapaniwala na mag-ex si Mika at Gab. O_____O!!
"Pero, pano naging kayo?" tanong ni Angel kay Mika..
"Gaga, edi syempre niligawan muna sya tapos sinagot nya" sagot naman ni Tricia. =______=
"Tsk! Alam ko. I mean, pano kayo nagkakilala?" sabi naman ni Angel.
"Ikwento mo mula sa simula" sabi ko naman. Gusto ko kasi talaga marining ang kwento ng lovestory nila..
"Hmm" huminga ng malalim si Mika "ganito kasi yun...."
______________________________
Mika's POV
"Hmm" huminga ako ng malalim "ganito kasi yun.."
**FlashBack**
Nasa condo ako ng biglang...
..may nagdoor bell
"Hayy! Sandali lang" sigaw ko.
Sigurado akong sya na naman 'to. Tsk!
"Miks help me!" sabi nya na nagmamadaling pumasok sa condo ko. =______=
"Bakit? Ano na naman ang ginawa mong masama ha Gabriel?" galit kong sabi sa kanya.
Sigurado akong may naghahabol na naman sa kanyang babae. Hindi na talaga magbabago ang mokong na 'to.
Walang araw na pumunta sya ng condo ko ng dahil sa babae. Mga babaeng niloko nya. Ang hilig kasing mang-timer eh.
At ako ang dakila nyang bestfriend na laging umaayos sa gulo nya. Dinaig ko pa ang nanay nya.
Nasa Americia kasi ang mga magulang nya. Kaya walang mga magulang na nagbabawal sa kanya.. Pwede nyang gawin ang lahat ng gusto nya..
Babae dito.. Babae doon.. Party dito.. Party doon.. Kelan kaya sya magbabago?? Hindi na siguro >_______<
"Uhmm.." humawak sya sa batok nya at parang nag-iisip
"Ano? Magsalita ka Gabriel" sabi ko sa kanya..
"Miks sabi ko naman sayo diba wag mo akong tawaging Gabriel. Ang pangit eh. Pang-matanda" sabay lakad at pumunta sa kitchen..
Sinundan ko naman sya..
Umiinom sya ng tubig.
"Kasalanan ko bang yun ang binigay sayo na pangalan ng mga magulang mo?" -__^
"Ehh? Gab na lang kasi. Para cool" sabi nya sabay *wink*
"Tss! Di bagay" >_____>
"Oh talaga? Mas bagay kaya sakin yun. Gwapong pangalan para sa gwapong katulad ko. Diba?" sabi nya sabay lapit sakin.
"Duh?! Di kaya. Ang pangit mo kaya!" sabi ko sabay atras.
"Sinong pangit ha?" tanong nya sakin sabay lapit ulit sakin tas nacorner nya ako.