Mika's POV
"Guys excuse lang ha. Cr lang ako" sabi ko sa kanila, tumango naman sila kaya lumabas na ako.
Actually di naman talaga ako pupunta sa cr. Ewan ko pero parang gusto kong hanapin si Gabriel. Nung nakita ko sya kanina nalungkot ako. Hindi ko alam pero nung nakita ko sya kanina parang may matindi syang pinagdadaanan. Kilala ko sya kapag nasasaktan sya at sa nakita ko kanina mukang may problema sya.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makita ko sya. Nakaupo sya sa may tabi ng isang puno. Sa likod kasi ng MU may mga puno na nakatanim. Pero konti lang.
Nung nakita ko sya ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko sya. Kinakabahan ako. Pero kung may problema nga sya, kailangan nya ako. Ako lang kasi yung napagsasabihan ng problema nyan. Napakamasikreto sa iba. Makikita mo na nga sa kanya na may problema sya pero sasabihin na okay lang sya kahit hindi.
Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palapit sa kanya. Nagulat naman sya nung nakalapit na ako sa kanya.
"Panyo oh!" sabi ko sa kanya tapos inabutan ko sya ng panyo. Nakatingin lang sya sakin.
"Para san? Anong gagawin ko dyan?" tanong nya sakin. Tsk! Nagkunwari pa eh halata naman na naiiyak sya.
"Tss! Ako kaya si Mikaela Esguerra ang dakilang bestfriend mo. Kilala kita Gabriel alam ko kapag may pinagdadaanan ka. So, ano yung problema mo?" sabi ko sa kanya tapos umupo ako sa tabi nya. Tumingin naman sya ng diretso sa harap nya.
"Babalik ka ba ulit sa pagiging bestfriend ko?" tanong nya sakin habang hindi pa din tumingin sa kin.
Napaisip naman ako sa tanong nya. Babalik na nga ba ulit ako sa pagiging bestfriend nya? Sa pagiging bestfriend nya lang. Siguro tama na nga 'to. Ang maging bestfriend nya na lang. May boyfriend na ako. At mali na sya pa din ang mahalin ko.
"Oo. Bakit ayaw mo ba?" sabi ko habang nakatingin lang din ng diretso sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya at nagulat ako ng makitang nakatingin pala sya sakin.
"Ayoko!" mabilis nyang sagot. Magkatitigan pa din kaming dalawa. Ewan ko pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
"Tss! Ang mean mo. Ayaw mo akong maging bestfriend" sabi ko sa kanya tapos umiwas ng tingin. Sabay pout.
"Mika?"
"Hmm?" sagot ko sa kanya tapos tumingin ulit ako sa kanya.
Tumayo sya at inilahad nya yung kamay nya sakin. Tinanggap ko naman tapos tumayo na din ako. Nagulat na lang ako ng yakapin nya ako.
"Mika sana ako pa din." mahinang sabi nya habang nakayakap pa din sakin. Naramdaman ko na lang na may mga tubig na napupunta sa uniform ko sa may balikat. Umiiyak sya.
"Mika sana ako pa din yung mahal mo." pagkasabi ni Gabriel nung mga salitang yun biglang lumakas yung tibok ng puso ko at pakiramdam ko maiiyak na din ako.
Kung alam mo lang Gabriel. Ikaw pa din. Ikaw pa din yung mahal ko. Di naman nawala yun eh. Pero kasi iba na ngayon eh.
"Mika sana tayo na lang ulit. Mahal na mahal kita" sabi pa nya. Di ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano yung dapat kong sabihin.
Hindi ko alam kung tama bang sabihin kong mahal na mahal ko din sya. Pero mali eh, ayokong saktan ulit si Kyle.
"Kyle.." yun lang yung nasabi ko. Naiiyak na din ako. Bumitaw na ako sa pagkakayakap nya sakin.
"Mika please? Mahal na mahal kita" sabi nya habang umiiyak. "Sabihin mo naman na mahal mo pa din ako oh!" dagdag pa nya
"Napapagod din ako Gabriel. Oo mahal kita pero pagod na akong masaktan" sabi ko tapos hinawakan ko yung magkabilang pisnge nya "Alam mo ba kung gaano ko katagal pinanghawakan yung salitang 'kaya ko pa' at 'konting tiis na lang mika' kahit sinasabi ng buong mundo na 'tama na mika'. Pero Gabriel tao lang din ako, napapagod. At sa puntong ito, pagod na ako." sabi ko sa kanya habang umiiyak.