The Artist's Vixen4-A father's approval
Pagod akong bumalik sa boarding house ng sumunod na araw. Bukod sa buong gabi akong gising ay nahirapan pa akong maghanap ng masasakyan pauwi.
Hindi man lang nag-offer ng masasakyan yung Xenon na yun. And to think noong sinusuyo niya palang ako noon na maging model niya ay pinapalabas niya ang big bike niya. Not to mention noong una naming pagkikita ay may Ranger pa siya.
Ayoko namang magpahiwatig na gusto kong sumakay sa kanya para makatipid sa byahe. Empleyado na nga niya ako, pati pa gas niya uubusin ko?
Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Celine na nagbabasa ng pocketbook. Binaba niya ang libro binabasa at ngumiti sa akin.
"Inumaga ka ah!" Komento niya.
Tamad akong ngumiti. "Bukas uumagahin din yata ako."
"Huh? Bakit? Ano bagong raket mo?" Nagtatakang tanong niya.
Hinubad ko na ang jacket na sinuot ko paalis ng Xquisite. Malamig bumyahe kapag umaga kaya kinailangan kong suotin para hindi malamigan ang likod ko.
Natigil ako sa tanong ni Celine. She can't know. Nakakahiya! Ikinakahiya ko ang trabaho ko, oo! Nako!
"Basta." Sabi ko nalang. "Sa susunod ko nalang ikukwento sayo, pagod ako eh."
Nagkibit balikat lang si Celine at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng pocketbook. It's a good thing that Celine's not a bugger. Hindi siya makulit at hindi namimilit. Kaya nakahinga ako ng malalim.
The next day at work, as usual busy sa restaurant. Madaming customers at hindi ko na nga ako magkandaugaga sa ayos ko. Mabuti nalang at nasa shift lahat ng waitresses at hindi na ako naichange from kitchen shift to waitress shift.
Mabuti nalang at wala akong trabaho kay Xenon. Kundi wala talaga akong lakas na tiisin ang pagiging bossy niya.
"Veena, may naghahanap sa'yo sa labas." Sabi ng isa sa mga matalik kong kaibigan sa restaurant.
"Hmm? Sige teka lang." Pinunasan ko ang pawis na nasa batok ko at nagpalit na ng damit dahil out ko na rin.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako para kitain ang naghahanap sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang body bag na suot ko at naaninag ko ang isang pamilyar na mukha.
"Kuya Bleau?" Tawag ko sa lalaking nakatalikod na nakaupo. Nasa two-seater table siya at nilingon ako.
Ngumiti siya sa akin. Huling nakita ko si Kuya Bleau noong graduation ko. I missed him kaya hindi ko maiwasan ang hindi siya yakapin ng tumayo siya at salubungin ako.
"I missed you Kuya." I whispered enough for him to hear.
Hinaplos niya ang buhok ko. "I missed you too Veena." Kumawala siya sa yakapan at pinasadahan ng tingin ang suot ko. "So you're into kitchen service now?" Taas kilay niyang tanong.
Napakagat ako ng labi. One thing I noticed about Kuya Bleau is that he's frank. Medyo matapobre siya at alam kong sa nakikita niyang kalagayan ko ngayon, hindi niya gusto ito.
"Uh..."
"Let's talk Veena. Take a seat." Utos niya.
Umupo ako at natakot sa tono ng pananalita ni Kuya. He's mad alright and its not good to get him mad.
"Dad can't find you, he said it was impossible. But here I am, ikaw na mismo ang lumapit at yumakap sa akin." Panimula niya. "What's with this non-sense, Veena?" Tanong niya.
"Kuya, nagtatrabaho ako para sa sarili ko. Hindi non-sense ito." Kunot noo kong sabi.
He chuckled. "Hindi mo na nga kailangang magtrabaho. Your funds are ready to be spent and here you are, nagpapawis. Veena, ano ba ang problema? Akala ko patawa lang si Dad na naglayas ka, totoo pala."
"Hindi mo ba alam na nagpakasal siya?" I asked him.
"Alam ko. Nandoon pa nga ako eh, and there I thought I'd see you." Sabi niya.
My hands were fidgetting. Hindi sa takot kundi sa susunod na tanong ni Kuya Bleau sa akin. "Kuya-"
"Where were you that time?" Tanong niya.
"Alam mo bang ayaw ko sa pinakasalan niya? It was Ninang Linette, Kuya! Hindi niya ba naisip na-"
"Dad deserves happiness after Mom's death, Veena. I didn't disapprove since alam kong masaya doon si Dad." Nanggalaiti niyang sabi.
"Did Dad ever thought about us? Palibhasa kasi pagkatapos mamatay ni Mom, umalis din kayo! You left me there with Dad. I tried to reach him, alagaan siya pero ayaw niya. Then Ninang Linette came, I felt... I felt..." Humihikbi na ako. "...I felt lost and useless. Doon ako nainggit at nagalit. At kung sasabihin mo sa akin na, babalik ako kay Dad? No way, Kuya. No way. Kinaya ko ang anim na taon na wala siya, kakayanin ko pa hanggang sa kaya ko." Sabi ko.
I saw his fist clenched at umiwas siya ng tingin sa akin. "Do you even know why I am here?"
Natawa ako ng nakakainsulto. "Oo nga Kuya. Why are you even here? Sa loob nga ng anim na taon, hindi niyo ako hinanap man lang ni Ate. Diyan naman kayo magaling eh, kapag may kailangan o kinakailangan lang." Puno ng galit kong sabi.
The two of them would just visit me if needed. Pero kapag sila na ang kailangan ko, wala sila. Kaya siguro pakiramdam ko wala akong kakampi kaya naglayas ako.
I love them and maybe the reason why it hurts so much because of the thought that I love them but they don't love me back the way I do.
I was damn frustrated. Ngayon ko lang napagtanto na, there are some things that won't reach your expectations especially to love.
"Veena..." Puno ng awa ang mukha niya. Shit. Ngayon naawa siya sa nararamdaman ko? Wow. Just wow.
"Ano bang pinunta mo dito? May pupuntahan pa ako." Malamig kong tanong.
Narinig kong huminga siya ng malalim. "Two days ago, inatake sa puso si Dad. Kanina lang siya nagising..."
"And?"
"He's looking for you, Veena." Siwalat niya. "Veena, kung ano man ang pakikitungo ni Dad sayo dati, forget it. Ganoon naman talaga si Dad. He's cold but I can feel that he loves us, he loves you Veena."
Since then, kahit ganoon si Dad hindi ako nawalan ng pag-asa na ibaling niya ang atensyon niya sa akin. Napuriin niya rin ako katulad nina Ate at Kuya. Its like I am a daughter waiting for an approval from a father.
And I can't help but to feel happy that he's looking for me instead of Ate and Kuya. I want to see him but I still hate him. I miss him but he still ignored me.
"Veena, please." Kuya tried to reach for my hand and squeezed it. "Dad, needs you."
---
Sorry kung hindi paputol-putol yung updates ko.
Thank you sa mga naghihintay at patuloy na nagbabasa. :))
BINABASA MO ANG
The Artist's Vixen
General FictionWith a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wala ng mahihiling pa si Xenon. He has it all, the talent, the looks and the appeal but except for one...