The Artist's Vixen6- I won't apologize
Tumunog ang elevator at bumukas ito. Nauna ng lumabas si Xenon na nakapamulsa at kalmado lang. Kanina pa kaming tahimik na dalawa, walang imikan hanggang makarating kami sa condominium unit niya. Napahawak ako ng mabuti sa strap ng shoulder bag ko. Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko. Hindi ko nga alam kung tama bang humingi ako ng tawad sa kanya kasi parang tama naman ang ginawa kong pananampal at pagtulak kanina sa kanya.
Oo, sinampal ko siya. Dahil sa gulat at galit. Gulat dahil hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako at galit dahil ano akala niya sa akin? Easy to get? Palagi siyang nagnanakaw ng punyetang halik na iyan sa akin. Noong sixteen kami, noong muli kaming magkita sa bar at kanina para lang ano? Sa wala? Talagang deserve niya yung sampal. Pero bakit pakiramdam ko mali yung pagsampal ko sa kanya?
Dahil sa guilt na iyon, akala ko nga pakakawalan niya ako pero hindi. Dinala niya pa talaga ako dito sa condominium unit niya. Hindi naman ako makapagreklamo dahil din sa gulat at hiya ko sa kanya. Parang nilagyan niya ng scotchtape ang bunganga ko pagkatapos niya akong halikan.
"Pasok ka." Sabi niya ng buksan niya ang pintuan ng unit niya.
Napakagat labi nanaman ako at nahihiyang tumango. Pumasok ako sa unit niya at binuksan niya ang mga ilaw. Nakita ko ang kakaibang disenyo ng unit niya.
Ang isang pader ay puti ang pinta at may saboy ng iba't-ibang kulay. Sa kabila naman ay itim at may saboy ng abong kulay at puti. It was unique and I am loving to watch it. Ibang klase ang kakayahan ni Xenon.
"Love it?" Biglang tanong niya sa likod ko habang tumatabi siya sa akin.
Napalingon ako sa kanya. " Uh, Y-Yes. Ang ganda." Komento ko.
Nakita ko siyang tumango at umalis na sa tabi ko. Hinubad niya ang leather jacket na suot niya. Beneath it was a white v-neck shirt tinali niya rin ang buhok niya sa isang bun. Papasok siya sa kwarto niya. He looked cold. I mean, cold naman talaga siya pero parang galit siya sa akin.
May nag-udyok sa akin na habulin siya at abutin ang puting shirt na suot niya. "I'm sorry, Xenon." Bigkas ko at napaangat ng tingin sa likod niya.
Umangat ang balikat niya at narinig ko ang malalim na paghinga niya. Kinuha niya ang kamay ko sa shirt niya at pumasok na sa kwarto niya. Bago ko pa siya ulit tawagin ay sinara niya na ang kwarto niya.
Great. I feel really bad. In fact, I feel worst. Talaga ngang malala pa ako kay Celine. Damn this.
Napaupo ako sa sofa ng living room niya at napatingin sa orasan. 10PM na at hindi pa ako nakakapaghapunan dahil sa mga nangyari. Una, si Kuya Bleau sunod naman ang pagpapalayas sa akin sa boarding house and to top it all of, this.
Napapikit ako dahil sa pagod. Hindi na nga ako nakaramdam ng gutom dahil sa sobrang pagod ko.
Pagdilat ko kinaumagahan ay nasa isang malambot na kama na ako. Nakaputing v-neck shirt na ako at checkered na boxer shorts. I gasped in frustration. Mabiis akong tumayo at lumabas ng kwarto ni Xenon. Tumambad sa harap ko si Xenon na naka boxer shorts, puting v-neck shirt at magulong nakatali ang buhok niyang may kahabaan. Nasa counter siya at nagkakape. Nakatingin siya sa floor to ceiling glass window, na kita ang mga matataas na buildings. Napatingin siya sa akin.
"Coffee?" Alok niya.
Napahawak ako sa dulo ng shirt niya na suot ko. "Ikaw ba ang nagpalit sa akin kagabi?" Tanong ko.
Tumango siya. "Yes."
Galit akong lumapit sa kanya. "How dare you-"
"Why does it bother you that much? Binihisan lang kita, wag mong bigyan ng malisya." Pag-iwas niya ng tingin ng putulin niya ang sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Artist's Vixen
General FictionWith a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wala ng mahihiling pa si Xenon. He has it all, the talent, the looks and the appeal but except for one...